"Good morning my handsome brother!"masiglang bati ni Maris sa kapatid. Finally nasagot din nya ang tawag ni Joshua."Good morning,si Janella asan!?"tanong agad ni Joshua.
"Naku, nasa CR eh.May sasabihin ka ba!?"ani Maris..
"Ha?....May kailangan akong sabihin sayo!"seryosong sabi ni Joshua.
"Aga naman nyan Kuya,mukhang seryosong bagay yan ah!" Ani Maris.
"Nagcommit nang suicide si Janella...."
Panimula ni Joshua. Hindi nya kasi talaga alam kung paano sisimulan."Ha!?Bakit daw Kuya!?Anong dahilan!?"ani Maris na mukhang nagulat dahil sa nalaman.
"Maris hinaan mo boses mo,make sure na di ito agad malalaman ni Janella.Ako na bahalang magsabi sa kanya.Okay!?"
"Okay Kuya,bakit ano ba ang nangyari!?"curious na tanong ni Maris.
"She committed suicide dahil gusto nyang bumalik ako sa kanya,pero ayaw ko.Pero maliban don marami pang dahilan ayaw ko na idetalye pa.Humiling sakin si mama Amor,kilala mo sya diba.Humiling sya sakin na tulungan ko sya,ang hiling nya bumalik ako kay Julia!"seryosong litanya ni Joshua.Sobrang kabado sya,tutol sya sa idea nang mama Amor nya pero kung yun ang makakapagligtas kay Julia sa pagiging miserable gagawin nya,kahit mahirap.
"Kuya....Mahal mo si Janella,mahal ka rin nya.Kung pipiliin mo si Julia, magiging unfair naman yon sa girlfriend mo at sayo din.Saka alam mong di ka magiging masaya kung babalik ka sa kanya,bakit ang selfish naman ng babae na yan!"litanya ni Maris.
"Pero kailangan ako ni Julia,hindi ito madali Maris.Ayaw ko syempreng saktan si Janella,mahal na mahal ko sya.Pero,kailangan ko nang magdesisyon bukas sasamahan ko si Julia sa pyschologist. Sa. Sitwasyon ni Julia ngayon,kailangan nya ng kasama ng karamay!?"ani Joshua.
Habang nakikinig si Maris sa sinasabi ni Joshua,nakatapos na rin sa pagligo si Janella.Kalalabas nga lang nito nang bathroom,may tuwalya pa ito sa ulo habang nakabathrob.
"Sinong kausap mo!?"tanong ni Janella.
"Si Kuya,kaso biglang nawala eh!'ani Maria.Kahit ang totoo bigla na lang nyang tinapos ang tawag dahil patuloy pa rin ito sa pagpapaliwanag tungkol kay Julia. Nagegets nya ang kuya nya,pipiliin nito si Julia at iiwan si Janella.Tutal sya sa gagawin ng Kuya nya, dahil alam nyang hindi iyon ang tamang desisyon.Para sa kanya sobrang selfish lang talaga si Julia.
Samantalang sa Pilipinas muling dinalaw ni Joshua si Julia sa hospital.
"Joshua,bumalik ka!"ani Julia.
"Kamusta na pakiramdam mo!?"tanong ni Joshua,may bitbit pa itong isang basket nang prutas na inilagay sa ibabaw nang side drawer na nasa tabi lamang ni Julia.
"Medyo okay na! Sabi nang doktor pwede na raw ako lumabas!"sagot ni Jukia.
Si Joshua ang magbabantay ngayon kay Julia,dahil umuwi ang mama Amor nya upang makapagpahinga naman. Saka pagkadischarge ay didiretso na rin sila sa psychologist para ipatingin naman ang mental health ni Julia. Sa tingin kasi ni Joshua,kailangan iyon ni Julia.
"Buti naman hwag munang uulitin yung ginawa mo.Sobra mo kaming pinag-alala!Mamaya sasamahan kita sa psychologist,Para matulungan ka rin nila sa nararamdaman mi ngayon!"ani Joshua.
"Salamat Joshua, kamusta pala sa inyo!?"ani Julia.
"Okay naman sila.Bukas paglabas mo dun ka muna sa bahay. Nasabi ko na sa kanila, saka sa mama mo.Para mabantayan ka at maalagaan,since medyo sakitin na rin si mama amor baka si ka nya masyadong mabantyaan!"ani Joshua
"Talaga!?Ibig sabihin ba nito,Okay na tayo!?"masayang usal ni Julia
"Hindi ko pa nakakausap si Janella,nasa Singapore pa kasi sya!"sagot ni Joshua,pero bigla syang niyakap ni Julia.
"Thank you for giving us a chance! I love you Joshua!"usal ni Julia habang nakayakap pa rin sa binata.
Masaya si Julia,habang si Joshua ay sinisikap na maging okay kahit di nya alam kung paano
Samantalang sa Singapore.
"Okay na siguro tong pasalubong ko kay Joshua no!? Sa wakas makakauwi an rin tayo sa Pinas,buti two weeks lang tayo dito.Miss ko na talaga si Joshua eh!"masayang untag ni Janella,habang papalabas sila nang store na bilihan nang mga branded na damit para sa nobyo nya.
Hindi malaman ni Marisa ng nararamdaman nya,pero naaawa sya kay Janella at sa Kuya nya. Mahal nila ang isa't-isa,pero kailangan nang Kuya nyang pumili dahil sa sitwasyon ngayon ni Julia. Sayang yung pagmamahalan na meron sila,dahil may isang taong selfish.
"Alam mo Mam Janella sobrang mahal ka ni Kuya,kaya sapat na sa kanya kahit ano ang pasalubong mo.Actually,sabi nga nya ikaw lang sapat na eh!"ani Maris,sinisikap na maging masigla. Ayaw nyang sa kanya manggaling ang tungkol sa desisyon ni Joshua.Naiisip na tuloy nyang magresign after nang magiging pag-uusap nang Kuya nya at ni Janella.Boto sya kay Janella,pero wala naman syang magagawa.Naaawa nga din sya sa Kuya nya,dahil alam nyang di magigingbmadali ang gagawin nito. At siguradong masasaktan din ito ng sobra.
Minsan talaga kahit gaano nyo pa kamahal ang isa't-isa. Kailangan nyo pa rin maspiliin ang bumitaw. Hindi dahil wala na yung love,kundi dahil yun ang dapat at hinihiling ng tadhana.Maraming pwedeng dahilan, pero siguro ang pinakatama dahil hindi pa iyon ang tamang panahon para sa inyong dalawa. Baka, talagang dipa pwede kaya wala ka na lang magagawa kundi ang hayaan na lang na magtapos na. Kahit gaano pa ito kasakit.
Itutuloy.........
Kindly follow me po Kakagofredo28 😘
Thank you my dear readers 😍😍😍
BINABASA MO ANG
When The Time Is Right
FanfictionIsang di inaasahang pangyayari ang babago sa buhay ni Janella.Paano nya ito haharapin?Kung mawawala na ang kaisa-isang taong akala nya ay never syang iiwan. Pero paano kung may ibang dumating na handang ibigay ang happiness na matagal nang nawala sa...