Chapter 24

62 4 0
                                    

"Joshua,I'm sorry sa nangyari!"ani Julia,habang ginagamot ang mga tinamong sugat nang binata.

"Wala kang kasalanan, hwag ka nang babalik sa ex mo na yon. Sira ulo ata yon eh!"ani Joshua na iniinda pa rin ang mga galos.

"Oo,hindi na. Ayaw ko na talaga. Kaya nga nakipagbreak na ako eh.!"sagot naman ni Julia.


Kinabukasan ay inihatid na ni Joshua at Troy sa airport si Julia upang makabalik na ito pauwi sa Manila. Agad din naman binalita ni Joshua ang nangyari,ayaw nyang magsikreto kay Janella. Dahil ayaw nyang pagdudahan nito,ang pagmamahal nya rito.


Pagkatapos nang ilan buwan na pagtatrabaho sa Cebu, finally babalik na sina Joshua sa Manila. Magkikita na muli sila nang girlfriend nang masmadalas.

Paglapag pa lamang nang eroplano,excited si Joshua na salubungin ang nobya.Na alam nyang naghihintay sa pag-uwi nya,kaya nga nagvolunteer ito na sunduin sya.

At nang finally magkita na nga sila,mabilis na nilapitan ni Joshua ang  nobya at niyakap ito nang sobrang higpit. Miss na miss nya talaga ito,at ganun din naman ito sa kanya.

"So,how's your trip babe!?"ani Joshua.

"Okay lang babe,kasi alam kong may naghihintay sakin. Namiss kita sobra!"ani Joshua habang magkahawak kamay na silang naglalakad palabas nang airport.

"Joshuaxwelcome back!" Ani Julia na bigla na lamang sumalubong sa kanila.Malawak ang ngiti nito,at kahit naroroon pa si Janella,wala synag kyemeng humalik sa pisngi ni Joshua.

"Ah Julia si..."hindi na naituloy pa ni Joshua ang pagpapakilala sa nobya nya  dahil nagsalita na rin agad Julia.

"Oh yes,I remember her. I'm Julia remember dun sa boat!?"ani Julia saka iginawad ang kamay sa kaharap na babae.Tinugon naman nito ang ginawa nya.

"Ano palang ginagawa mo dito!?"tanong ni Joshua.Habang mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ni Janella na pangiti-ngiti lang.

"Okay! Oo nga pala Joshua,I just wanna say thank you sa pagkupkop sa akin sa Cebu....Nalaman ko kasi kay Troy na pabalik ka na nang Manila kaya nagpunta ako dito !"litanya ni Julia.

"Okay Julia, wala yon. Sige mauna na kami ha!"paalam ni Joshu.Saka nagpatuloy sa paglalakad kasama si Janella palayo kay Julia na tila malungkot sa nakikita.

"Okay! Nice meeting you again . Sige ingat kayo!"ani Julia saka kumaway sa dalawa.Ngiti lang ang tinugon ni Janella.

"Mababawi din kita Joshua,dahil sakin ka!" Mahinang sabi ni Julia sa sarili.Habang nakatingin sa ex nya at sa new girlfriend nito na tuluyan nang nakalabas nang airport.

Habang lulan nang kotse sina Joshua at Janella.Napansin ni Joshua ang pagiging tahimik nang dalaga,kaya nagpatugtog sya at sinabayan pa ang singer na kumanta upang mabasag ang katahimikan na kanina pa lumalaganap sa kanilang dalawa magmula nang makita nila si Julia sa airport.

"Basta't kasama kita! Walang kailangan pa.Wala nang hahanapin pa! Basta't kasama kita"

Napangiti naman si Janella nang marinig ang boses nang boyfriend na kumakanta. Hinawakan tin kasi nito ang pisngi nya.

"Sa wakas ngumiti rin ang love ko. Kanina pa di maipinta mukha mo e!?Magmula nang makita mo si Janella Nagseselos ka ba!?"tanong ni Joshua.

"May dahilan ba ko para magselos!?Maliban sa hinalikan ka nya sa pisngi mo habang kaharap ako!?'sagot naman ni Janellaa habang seryoso pa din ang mukha

"Ikaw lang ang mahal ko.Si Julia,tapos na kami matagal na yon. Mahal na mahal kita love,wala kang dapat ikaselos!"pahayag naman ni Joshua.Saka hinawakan ang kamay nang dalaga.

Sapat na ang narinig ni Janell mula sa nobyo.Mahal nya rin ito at ang pagmamahal nito ang panghahawakan nya upang maniwala dito. At kung may balak man si Julia na agawin si Joshua sa kanya,hindi nya iyon papayagan.

Sa kabila nang nagawang kabutihan ni Joshua kay Julia,decided pa rin ang dating nobya nya na guluhin ang relasyon nila ni Janella. Gusto nyang mabawi si Joshua, dahil mahal mahal pa rin nya ito at ipaglalaban nya iyon.

Magmula nang makabalik nang Manila si Joshua.Everyday na rin silang magkasama ni Janella. Gusto kasi nila bumawi sa isa't-isa.

Inaya ni Joshua ang nobya,na magmovie date. First time nilang dalawa na manuod nang movie kaya love story ang napili nila.

Bumili pa sila nang popcorn and drinks bago pumasok sa sinehan. At nang matapos ang ilan commercial at trailers nang iba pang upcoming movie.Isinandal ni Janella ang ulo  sa balikat nang nobyo,dahil iyon na ang hudyat na magsisimula na ang pelikula.

Nang matapos ang movie,nag-aya na si Joshua na kumain naman sila sa labas.

Sa isang restaurant na may pagkaing pinoy napili nang dalawang kumain.Nagutom ata ang dalawa kaya napakarami ata ang inorder nila.

"Love,ang ganda talaga nang movie na pinanuod natin no.Sana gaya nila  happy ending din tayo!"ani janella,habang pinagkukuha nang ulam ang nobyo na ilalagay sa pinggan nito.

"Love, Ikaw ang gusto kong makasama habangbuhay.At sisiguraduhin kong,happy ending din tayo! Actually happy lang walang ending.hehe!"sagot naman ni Joshua. The he kissed her girlfriend sa forehead nito.

"I love you!"malambing na sabi ni Joshua sa nobya.

"I love you more!"sagot naman ni Janella.

"Masmahal na mahal kita. Kaya lahat ng inorder natin dapat maubos natin to. Alam mo naman na ayaw kita nagugutom eh!'untag ni Joshua sa nobya.



To be continued.......





When The Time Is Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon