Isang romantic rooftop date ang inihanda ni Joshau para kay Janella. Alam nyang napakaimportante nang gabing ito,dahil muli na nyang tatanungin ang dalaga tungkol sa panliligaw nya dito. Hindi man umayon ang tadhana sa pwedeng maging sagot ni Janella sana ay matanggap nya..Ganun paman desidido pa rin si Joshua na ipursue ang dalaga dahil gustung-gusto nya talaga ito.
Sinundo ni Joshua si Janella sa parking lot nang building kung saan nakasetup ang romantic rooftop date nila nang dalaga.
Paglabas pa lang ng binata mula sa elevator agad hinanap nang mga mata nya ang kanina pa hinihintay na si Janella.Bahagya syang naglakad upang makalapit sa kotse nito na ,at agad naman din nyang nakita kaya agad rin nyang nilapitan.Nang siguro ay mapansin sya nito,maya-maya lamang ay lumabas na ito nang kotse.
Tila tumigil ang mundo ni Calvin nang makita ng dalaga. Napakaganda nito,lalo na ngayong gabi.Dahil mukhang pinaghandaan nito ang kanilang muling pagkikita.
Matamis na ngiti ang agad pinakawalan nang isa't-isa nang magtama ang kanilang mga mata.Agad naman nilapitan ni Calvin ang dalaga,upang batiin at ayain sa rooftop kung saan nakaready na ang lahat.
"Hi,you look so beautiful tonight!"nahihiyang sabi ni Joshua bukod kasi sa gasgas na ang sinabi nya,matinding kaba rin kasi ang nadarama nya.
"Thanks!"tugon naman ni Janella.
Napakaganda nito talaga,lalo na sa yellow dress na suot nya. Bagay na bagay sa kanya,ang hapit na hapit sa balingkinitan nyang katawan ang kanyang suot. Nakalugay naman ang wavy hair nya,at bukod sa powder,liptint lang naman ang nilagay nya.Syempre hindi mawawala ang kilay is life. Bagamat hindi naman manipis ang kilay nya,pero inayos pa rin nya ito upang maslalong gumanda.Naglagay din sya nang konting blush on. Simpleng make up,subalit ibang level pa din ang kagandahan at pagiging sophisticated nang dalaga.
Sa loob nang elevator habang sakay ang dalawa.Kapwa tahimik lang ang sila hanggang sa marating na nila ang rooftop. Tila ikinagulat naman ni Tanya nang tumambad sa kanyang harapan ang romantic rooftop date na inihanda para sa kanya nang binata.
"Wow!"usal ni Janella,halatang nasurprise base sa reaksyon at nasabi nito.. Iginiya naman sya ni Joshua papalapit sa table and chair na kanina pa sila hinihintay.
"Have a seat!"aya ng binata
"Thanks!"tugon naman ni Janella.
Nang pareho na sila nakaupo,lumapit naman ang isang waiter upang iready ang dinner nila.Ang isa naman ay binuksan ang wine,upang masimulan nang inumin nang dalawa.
"Hindi ko ineexpect na ganito ang gagawin mo.Salamat sa effort Joshua!"untag ni Janella.
"I'm so happy na naappreciate mo to. Cheers!'ani Joshua habang hawak ang isang kopita nang alak,at ganun din si Janella..
"Cheers!"untag ni Janella,saka ininom ang wine.
Bago pa man magsimula ang dinner nila,kahit papano nagkaroon naman sila nang konting kwentuhan.
"I'm sure ganito ka rin sa mga niligawan mo before ma-effort!"ani Janella.
"Lahat naman siguro kayang gawin ang lahat para sa taong gusto nila. and yes I'm doing this Janella,dahil gusto talaga kita.Gustong-gusto.... !"pahayag ni Joshua. Kinakabhan pa rin sya pero ayaw nya ipahalata.
"Ah...."maikling sagot ni Janella. Tila hindi nito alam ang isasagot nya.
" Hindi ko alam kung paano kita tatanungin. Pero Janella,pwede ba kita ligawan!?"ani Joshua habang inihahayag ang feelings para sa dalaga.
"Ganun ba, Salamat! Gutom na ako,Let's eat!"tugon naman ni Janella na tila dipa alam ang isasagot kaya sinisikap na baguhin ang usapan. Pero deep inside kilig na kilig sya talaga.
"Sure!"maikling tugon ni Joshua medyo garalgal ang boses tila sablay kasi ang araw na to hindi yata payag ang dalaga sa gusto nya,kaya sinimulan na lang rin nyang kumain.
"janella, alam mo mga bata pa lang tayo gusto na kita. Kaya nga nang nalaman ko mula kay Tiya Rusing na crush mo ko non,natuwa ako. Akala ko dati simpleng crush lang, pero nang makita kita ulit may kakaibang kaba akong naramdaman. Yung kabang may kasamang kilig.hehe! Baduy ko no,pero totoo yon!"pahayag ni Janella sa dalaga.Na ikinagulat ata nito,dahil napatitig muna ito sa kanya nang ilang sandali bago nakapagsalita.
"Grabe sinabi talaga sayo ni Aling Rusing na crush kita non,sabi nya sakin secret lang namin dalawa yon eh! Hehe!" Ani Janella na obviously nahihiya sya na nalaman pala ni Joshua na crush nya ito noon.
"Oo,sinabi nya. Nang makita kita sa resort,di mo na ko natandaan non eh.Akala ko maiiwasan ko pa dahil may girlfriend ako, kahit papano naiwasan ko naman.Maspinili kong maging faithful syempre sa girlfriend ko,hanggang sa sya na mismo ang bumitaw sa relasyon namin.Naghiwalay kami,and after a year nagkita ulit tayo.At yung pakiramdam na sayo ko lang naranasan muling nagbalik.Alam mo ba kung kelan yon,siguro natatandaan mo pa nung muntik mo kong mabangga. Tapos ikaw pa ang galit!hehe!"mahabang kwento ni Joshua.
" Pasensya ka na,pagod lang ako non nagovertime kasi ako non sa work!"sabi naman ni Janella.
"Okay lang,atleast nagkita ulit tayo.Tapos ikaw pa pala yung boss nang kapatid ko,ang liit talaga nang mundo no!"dagdag pa ni Joshua.
"Oo nga eh....Dun pala sa tanonf mo kanina,Ayaw kitang paasahin pero gusto kitang bigyan ng chance kaya sige na nga,pumapayag na kong manligaw ka!"sagot ni Janella.
At sa sobrang tuwa nga ni Joshua,tila mapahiyaw sya sa saya.Napatayo pa ito,at nagtatalon.Akala mo sila na,eh hindi pa naman pinayagan pa lang naman sya nitong manligaw.
"Thanks Janella,for giving me a chance!"ani Joshua na medyo hinihingal pa dahil sa pagtalon kanina dahil sa pagpayag ng dalaga.
Pagkatapos nang kanilang dinner,nag-aya muna si Janella na maglakad-lakad sa rooftop upang makapagpahindag.
"janella ayaw kong umasa ka na dahil pwede muna ako ligawan eh pwede na rin maging tayo. Pumayag ako dahil gusto kitang bigyan nang chance na ipakita sakin yung totoong happiness na matagal ko nang hinahanap. Hindi ito madali,pero gusto kong maging honest sayo. Gusto ko rin bigyan nang chance yung sarili ko na,maging masaya ulit. Dahil sa totoo lang ang hirap ng pakiramdam mo mag-isa ka na lang."mahabang litanya ni Janella,na pinipigilan ang maiyak habang sinasabi yon sa binata.
"Sisikapin kong maibigay sayo yung hinahanap mo Janella. Sana kung anuman ang mga nakakapagpalungkot sayo ay mawala na, sana hayaan ka na din nitong maging masaya!"sagot naman ni Joshua.
To be continued......
Pls follow the author for more updates 😘😘😘
BINABASA MO ANG
When The Time Is Right
FanfictionIsang di inaasahang pangyayari ang babago sa buhay ni Janella.Paano nya ito haharapin?Kung mawawala na ang kaisa-isang taong akala nya ay never syang iiwan. Pero paano kung may ibang dumating na handang ibigay ang happiness na matagal nang nawala sa...