Chapter 6

100 4 0
                                    

Isang taon na natigil sa pag-aaral si Janella,namalagi muna sya sa Canada para matulungan ang sarili na makaalis sa kalungkutan. Sa tingin kasi nya ang paglayo ay makakatulong upang makalimot sa sakit ng pagkawala ni Marlo.

Pagkapatapos ay umuwi na rin sya ng Pilipinas para maipagpatuloy ang pag-aaral kumuha sya ng kursong business administration. Sya naman kasi ang napipisil na papalit sa posisyon daddy nya sa kanipang company. Ang Salvador Fam Food Corporation.

Sineryoso nya ang pag-aaral kaya nagtapos sya bilang magna cum laude. Ginugol nya ang panahon nya upang maging magaling sa klase,after nga nya magcollege. Nagmasteral pa sya.

Parang kelan nga lang,anim na taon na palang wala si Marco.

Ngayon nga nandirito si Janella sa sementeryo dinadalaw nya ang puntod ng kaibigan. Sinindihan nya ang kandilang dala nya saka inilapag ang bulakak na dala sa gilid ng lapida nito.

"Hi bestfriend,pasensya na ha matagal bago kita nadalaw ulit.Busy kasi,sobrang daming ginagawa sa opisina!" Kwento ni Janella sa puntod ng kaibigan.Tila di nagsasawa sa ginagawa.Kinakausap pa rin si Marlo kahit matagal na itong wala.

Pagkagaling sa cemetery ay umuwi na rin si Janella. Para makapagpahinga.

Anim na taon na.At kasabay nga ng paglipas ng panahon ay kasabay rin ang malaking naging pagbabago kay Janella,hindi na sya yung dating  masayahin,madaldal,makulit,kalog.Dahil ngayon ay masseryoso na at bihira na lamang kung ngumiti.Marahil ay dahil pa rin sa kalungkutan dulot nang pagkawala ni Marlo. Magpahanggang ngayon kasi masakit pa rin kay Janella ang mga nangyari,at kung kelan maghihilom  ang sugat na dulot nang kahapon hindi alam ni Janella kung kailan at maslalong hindi nya alam kung paano.Kaya mas-inilaan nya ang oras upang masmaging magaling sa trabaho.Tila nawalan na nga rin sya nang social life,dahil sa pagbabagong iyon. Masyado tuloy naiintimidate ang mga tao sa paligid nya,dahil sa pagiging seryoso,straight forward at pagiging sopistikada.

"Mam,congrats po sa success nang project nyo.I think it's time to celebrate,that's why I brought this!"tukoy ni Maris sa wine na hawak nya.

Si Maris ang personal secretary ni Janella sa opisina,at kahit nga masungit syang amo.Isa ito sa mga taong malawak. ng pang-unawa sa kanya.Na kahit kagalitan nya ito or hindi pansinin alam nyang nanatili itong loyal sa kanya. Panglimang secretary na kasi nya ito mula nang magtrabaho sya sa Salfam.Yung apat ay madaling nagquit dahil sa pagmamaldita nya.Pero si Maris ay hindi natinag,palagi pa rin nakangiti upang pakalmahin ang sitwasyon.Dalawang taon na nya itong secretary.

"Maris,madami pa kong dapat gawin!"seryosong sagot ni Janella.

"I know,but you need to take a break Mam! Kailangan ienjoy ang life hindi puro trabaho."paliwanag ni Maris.Ganun talaga si Maris kausapin si Janella,kahit alam nyang palagi itong wala sa mood.

"How can I enjoy life Maris?When Marlo's died,hindi ko na alam kung paano ulit maging masaya" sabi nang isip ni Janella sa sarili.

"Mam may nasabi po ba akong mali!?"alangan na tanong ni Maris nang mapansin na nanahimik ito.

"See you tommorow Maris You may go home now!"sagot ni Janella na nakatuon ang atensyon sa laptop.

"Overtime mam!?Okay anu pa nga bang magagawa ko. Goodbye mam!"ani Maris saka kinuha ang bag at mabilis na umalis.

Work is life.

Yun ang naisip ni Janella upang kahit papano maibsan ang sakit.

Pag-uwi ni Maris sa simple nilang bahay.Nadatnan nya doon ang mga magulang at nag-iisang kapatid na masayang nagkekwentuhan sa sala.

"Kuyaaaaa!?!"malakas ang boses na tinawag ni Maris ang nakatatandang kapatid.Mahigpit ang yakapan nang magkapatid na madalang lamang kung magkita.Busy na kasi sila pareho sa kanya-kanyang trabaho.

"Kamusta bunso?Namiss kita bunso!"masayang usal ni Joshua.

"Ayus naman eto busy palagi sa work.Ikaw!?"usal naman ni Maris.

"Tulad mo busy sa trabaho!"sagot ni Joshua.

"Wala pa rin lovelife!?"tanong ni Maris.

Tila di naman agad nakasagot si Joshua.

"Kuya,two years na din na wala kayo ni Ate Julia.Based sa social media accounts nya super happy and contented na sya sa boyfriend nya ngayon.I think this is the right para makahanap ka naman ng makakapareha mo."ani Maris.

"Mabuti pa Maris kumain na tayo dahil gutom na ko.Kanina ka pa namin hinihintay ni nanay!"ani Joshua.Hindi sya interesadong pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Julia. Hindi dahil bitter pa sya,kundi dahil okay na sya.At happy na sya for his ex, natanggap na nyang hindi sila meant to be.At kung ready na din ba syang mainlove muli!? Para kay Joshua kung may darating man na bago sa buhay nya,sana sya na talaga ang inilaan nang Panginoon.Dahil ang dasal nya na sana sa susunod na makakarelasyon nya.Iyon na rin ang makakasama nya habangbuhay.

Hindi madaling maiwan,at grabeng struggles ang naranasan ni Joshua dahil niloko at iniwan lang sya ni Julia.Mahal na mahal nya ang dating girlfriend, ngunit sa paglipas nang panahon at pagtingin sa positive side nang lahat nang nangyari.Unti-unti ay natutunan na rin nyang tanggapin na  dumaan lang si Julia sa buhay nya para may matutunan.

Pagkatapos nang masarap na hapunan ay nagpaalam na din si Joshua sa mga magulang at kapatid pabalik sa sarili nyang condo na malapit lang mismo sa trabaho nya.Kailangan nya kasing maaga bukas dahil marami pa silang kailangan tapusin na trabaho sa opisina.Kaya kahit gabi na ay kinailangan nya pa din umalis.

"Anak bakit ba di ka na lang dito magpalipas nang gabi!"usal ni Mira sa anak na panganay.

"Nanay nextweek na lang po,marami kasi akong kailangan tapusin na trabaho.Promise nextweek!"ani Joshua sa ina pagkatapos ay yumakap at hinalikan ito sa noo.

"Ingat sa byahe Kuya!"ani Maris na yumakap at bumeso din sa kapatid.

"Ingatan ang kalusugan anak,Hwag puro trabaho.Mag-ingat ka sa pagmamaneho,!"ani Fred naman na ama nila Joshua at Maris.Niyakap nito ang anak,saka tinapik-tapik sa balikat.

Pagkatapos makapagpaalam ay sumakay na nang kotse si Joshua at tuluyan nang umalis.Habang nagmamaneho ay nakatanggap sya nang text message mula sa kaibigan na si Troy.

"Pre,nakipagbreak sakin si Monica.Shot tayo!"text ni Troy.

Bago umuwi ay dumiretso na muna si Joshua sa lugar kung nasaan ang kaibigan.Bestfriend nya si Troy since grade one sila,at magkasama rin sila sa trabaho.At ngayon kailangan nito nang kaibigan ,alam nyang kailangan nya itong damayan.

Pero habang binabaybay ni Joshua ang daan patungo sa isang bar kung nasaan si Troy.Muntik na syang mabangga nang isang sasakyan.Sa inis nya ay binabaan nya ito,dahil muntik na talaga buti gising sya at agad nakaiwas.

"Magpapakamatay ka ba!?Hwag kang mandamay!"inis na bulyaw ni Joshua sa nasa loob nang sasakyan.

Ilang minuto pa bago bumukas ang pintuan nang kotse.At iniluwa nito ang isang babae.

"I'm sorry,hindi ko sinasadya!"sabi nang babae."May nasira ba!?Babayaran ko na lang!?"dagdag pa nito.

Tila tumigil naman ang mundo ni Joshua nang makita ang familiar na mukha ng babae.Ilang segundo rin ata syang napatunganga sa babaeng kaharap.

"Hindi okay lang,Ikaw ba okay ka lang!?"wala sa sariling nasabi ni Joshua.

"No,I'm okay.So wala naman palang problema!"walang emosyon na sabi nang babae saka bumalik sa kotse at tuluyan nang umalis.

Habang si Joshua ay nakatigil pa rin,familiar kasi talaga sa kanya yung babae.

To be continued......

When The Time Is Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon