Chapter 11

83 5 0
                                    

Dahil sa bahay ng mga Garcia matutulog si Janella. Pansamantala ay sa kwarto muna sya ni Joshua matutulog,hindi kasi sila kakasya sa bed ni Maris dahil single lanh iyon. Samantalang sa sala naman muna si Joshua pumuwesto. Mabuti na lang everytime na umaalis ng bahay si Janella palagi syang may dalang extrang damit at gamit for personal hygiene.

Nakapagshower na ang dalaga, at nakapangsuot na rin ng pantulog. Antuk na sya pero maya-maya ay nakaramdam sya ng uhaw,alam nyang tulog na sila Maris kaya siya na lang ang nagpasyang pumunta sa kusina para uminom.

Kaagad nyang nakita si Joshua na nakapwesto na sa sofa at doon na matutulog. Gising pa ito.

"Sure ka okay ka dyan matulog!?"untag ni Janella.

"Oo naman syempre. Bakit gising ka pa!?"usal ni Joshua.

"Nauuhaw kasi ako!"sagot naman ni Janella. Nang marinig iyon ni Joshua ay mabilis itong tumayo,para tulungan ang dalaga na makuhanan ng tubig.

Si Joshua na ang nagbukas ng ref at kinuhanan ng tubig ang dalaga.

"Nakakahiya naman,ako na sana kukuha eh!"ani Janella.

"Okay lang!"usal ng binata. Nakasuot lang ito ng sando at pajama.

"Sige balik na ko sa loob!" Paalam ni Janella.

"Sige!" Maikling sagot ni Joshua. Kahit ang totoo parang gusto pa nyang kausap ang dalaga.

Kinabukasan maagang nagising si Janella at nakasabay muli ang Garcia family kumain ng breakfast.

"Ang saya po ng family nyo no. Sa bahay kasi namin hindi na namin nagagawa to dahil sa sobrang busy sa trabaho. Nakakamiss tuloy.....
!"litanya ni Janella.

"Naku mam, hayaan mo kapag uuwi ako sa birthday naman ni mother. Sama ka ulit!"ani Maris.

"Welcome ka dito lagi Mam Janella! Salamat nga rin po pala sa pagpapasensya sa kakulitan ni Maris!"ani Mira.

"Naku sanay na po ako kay Maris. Makulit po sya talaga pero masipag sa trabaho. Wala po akong masabi sa kanya!"litanya naman ni Janella.

"Kita nyo nay.hehehe!"untag ni Maris.

"Kuya,after kumain samahan muna si mam Janella sa talyer ayus na raw yung car nya. Ako kasi ang nakatoka sa ligpitin ngayung umaga!" Dagdag pa ni Maris.

Nagkatinginan naman si Joshua at Janella dahil sinabi ni Maris. Pero wala rin nagawa si Joshua kaya sinamahan na nya ang dalaga. Gusto nya rin talaga.

Tahimik lamang ang dalawa habang lulan ng kotse ng binata. Hanggang sa marating nila ang talyer.

"Maraming salamat sa inyo Joshua. Next time sama mo family mo aa resort ng makabawi naman ako. Salamat sa paghatid!" Usal ni Janella nakababa na sya sa kotse ng binata.

"Ikaw talaga wala yon.Mag-ingat ka sa pag-uwi mo. Kapag nagkaproblema tawagan mo lang si Maris!"sabi naman ni Joshua.

Hindi muna si Joshua umalis hanggat hindi umaalis ang dalaga,at ng nakaalis na ito saka sya bumalik sa bahay nila. Alam nyang sinadya ng kapatid nya na magkasarilinan sila ni Janella. Alam din nyang uusisain sya ng pamilya nya pag-uwi nya. At alam rin nya na sa sobrang open nya sa family nila,masasabi nya sa mga ito ang tunay nyang nararamdaman.

At tama nga ang naisip ni Joshua.

"Kuya kamusta!?"tanong ni Maris na pangiti-ngiti pa.

"Okay na nakauwi na yung boss mo!"sagot ni Joshua.

"She's the one na ba!?"usal ni Maris na may tono ng pang-aasar.

"Nakwento ng kapatid mo kanina nung umalis kayo na si mam janella pala yung muntik mong makabanggaan. At sinabi mo rin na hahanapin mo yung babaeng yon dahil pakiramdam mo she's the one!"kwento ni Mira.

When The Time Is Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon