Chapter 29

69 4 0
                                    

Kahit pagod at kadarating mula sa byahe, ayaw ng palipasin pa ni Maris ang magdamag. Kakausapin nya si Julia. Bagamat pinipigilan nya ng mga magulang nila, hindi sya nagpapigil. Para kasing sasabog ang puso nya kung hindi nya masasabi ang sama ng loob nya.

Nadatnan nyang nakaupo lamang si Julia at mukhang may binabasang libro. Nasa kwarto ito ni Joshua.

"So totoo pala ang balita nandito ka na nga!?"untag ni Maris.

"Maris,dumating ka na pala. Kamusta ka!?"usal ni Julia na halatang hindi komportable sa kausap nya.

"Bakit nandito ka?May girlfriend na si kuya?Ganyan ka ba talaga kaselfish?Nung kayo ni kuya at alam mong mahal na mahal ka nya,niloko mo lang sya. Tapos ngayon na masaya na sya,bigla kang susulpot at gagawa ng kagagahan para balikan ka?grow up Julia,hindi lang ikaw ang tao sa mundo. Hindi lang ikaw ang nakaranas na masaktan pero yung iba di naman naging makasarili ah. Pero ikaw,dahil failed ang relationship mo sa ipinalit mo kay kuya guguluhin mo ang almost perfect relationship nila  kuya at ng girlfriend nya!"mahabang litanya ni Maris. Kanina pa nya ito gustong ibulalas,kaya nga dumiretso na sya ng uwi sa bahay nila.

"Maris,mahal na mahal ko ang kuya mo. Nagkamali ako sa mga desisyon ko noon,pero andito na ako ulit babawi ako sa mga pagkakamali ko at nagiging pagkukulang ko noon sa kuya mo!"paliwanag ni Julia.

"Pero hindi ikaw ang mahal ni kuya,ginugulo mo sya!"naiiyak na sabi ni Maris.

"Maris,tama na. Julia sige na magpahinga ka na. Anak,please tama na!"usal ng nanay nila Maris,na sinisikap na mapigilan ang dalawa sa pagtatalo.

"Ma,pa.I'm sorry! Pero gusto ko lang malaman ng babaeng yan na ginugulo nya ang isip ni kuya. Na yung kuya ko na masaya na,binabalik nanaman nya sa dating buhay na puno ng lungkot dahil sa kanya!"litanya muli ni Maris.

Tila hindi naman na nakapagsalita pa si Julia dahil sa sinabi ni Maris, hanggang sa umalis na lanh din doon muli si Maris. Halata pa rin sa hitsura sa kapatid ni Joshua ang sama ng loob at galit kay Julia. Pero tila walang pakialam si Julia, basta ang mahalaga sa kanya sya na ang pinili ni Joshua. Kahit sabihin pang unfair sya.



Gaya ng inaasahan.Wala na at tuluyan nang nagtapos ang lahat kina Janella at Joshua.Pinili na ni Joshua si Julia, wala na sila ni Janella.

Masakit masyado para kay Joshua ang lahat,lalo na kay Janella. Dahil umasa sya na tuluyan na syang nakatagpo ng lalaking mamahalin sya ng higit pa sa inaasahan nya sa katauhan ni Joshua.Ngunit sa huli ay iiwan rin pala sya nito.

Akala nya si Joshua na ang lalaking makakasama nya mula sa pagmulat ng mga mata nya sa umaga at sa paghimbing sa gabi.

Natapos na ang yugto ng pag-ibig nilang dalawa.

Sa labis nga na kalungkutan naalala nanaman ni Janella ang mga notes ni Marlo sa kanya. Alam nyang makakatulong iyon sa kanya.

"Cheer up Bestfriend! Mawala man ako, kailangan mong bumangon hindi para sa iba kundi para sarili mo!"

Notes na nabasa nya na sinulat ni Marlo para sa kanya. Nawala man si Marlo,nag-iwan pa rin ito nang mga bagay na alam nyang matutulungan si Janella lalo na sa mga ganitong panahon.

"Tama ka bestfriend!"umiiyak na sabi ni Janella

.

Maaga syang nagready para sa pagpasok sa opisina. Actually ilan days din syang hindi nakapasok dahil sa labis na kalungkutan. Hindi nya kayang magpanggap na kaya pa nya ang sakit,dahil hirap na hirap na sya.

Pagdating sa opisina nadatnan nya doon si Maris na tila balisa. Pero nagpatuloy lamang syang naglakad papasok sa loob nang sarili nyang opisina.

Agad nyang nakita ang folder na nasa table nya. Kaagad nya naman iyon binuklat.

Pero makalipas lang ang ilang minuto sumunod na rin sa loob si Maris.

"Mam Janella!!" Ani Maris.

"Magreresign ka!?"untag ni Janella

Tila napalunok naman ng laway si Maris ng tanungin sya nito.

"Yes ma'am!?"ani Maris

"Pati ba naman ikaw iiwan ako?!"garalgal ang boses ni Janella.

"I'm sor.......ry!"usal ni Maris hindi na nito napigilan ang sarili saka bumuhos na rin ang luha.

"Okay lang Maris hindi mo kailangan magsorry. I am very much willing to accept your resignation. Kung gusto mo effective today!"seryosong litanya ni Janella. Napakabigat sa kalooban nya ang mga nangyayari.

"Hindi ko kasi kayang makita ka, mahal na mahal ka ni kuya. Pero nasasaktan ka nya. Sobrang mabigat sa pakiramdam lang talaga!"umiiyak pa rin na litanya ni Maris.

"Maris, alam kong alam muna ang lahat alam ko kung gaano kayo ka-close ng kuya mo. Pero trabaho to,walang personalan. Hindi ulit iniwan ako ng kuya mo,hindi na kita ititreat ng maayos dito. Pero kung willing ka magstay pa rin,hindi ko tatanggapin ang resignation mo pero kung gusto muna talaga magresign go! Hindi kita pipigilan!"mahabang litanya ni Janella na pilit nagpapakatatag. Feeling strong,kahit gusto na rin nyang umiyak kanina pa. Napalapit na rin sya kay Maris,matagal tagal na rin ang pinagsamahan nila. Hindi na lang dahil kapatid ito ni Joshua.

"I'm sorry Ms.Janella!"usal muli ni Maris. Kinuha nya ang folder sa table nito,at saka tumalikod na saka lumabas. Ibig sabihin lamang na hindi na nya itutuloy ang resignation nya.

Nang makalabas na si Maris sa opisina,saka lamang hinayaan ni Janella na makawala ang mga luha na kanina pa nya pinipigilan.

Lingid sa kaalaman ni Janella na after nila mag-Baler ni Joshua,ay ilang araw na hindi nakapasok ito sa trabaho dahil halos gabi-gabi itong naglalasing. Iyak ito nang iyak,dahil masakit talaga para sa kanya ang naging desisyon nya.Mahal na mahal nya  si Janella, at kahit si Maris na kapatid nya naiiyak na nga rin nang makitang halos mabaliw ang Kuya nya sa kaiiyak. Hindi nito ginusto anh nangyari sa kanila ni Janella.

"Hindi ko tinupad ang pangako ko kay Janella,sinaktan ko sya. wala na,tinapos ko na eh!"ani Joshua ,dumiretso kasi sya sa apartment ni Maris.Kailangan nya kasi talaga nang makakausap,dahil para nang sasabog ang puso nya.

"Kuya, ang totoo tutol ako sa desisyon mo.Pero naiintindihan ko kung bakit yan ang naging desisyon mo.Maspinili mo lang maging mabuting tao,mahal mo si Janella pero kailangan ka ni Julia. Sa puntong ito,kailangan mo talagang mamili para mabuhay ang isa!"ani Maris saka nilapitan ang kapatid at niyakap ito.

"Pero para ko na rin pinapatay si Janella,sobra ko na syang sinasaktan!"sagot naman ni Joshua.

"Magiging okay din ang lahat kuya. When the time is right,magiging tama rin ang lahat para sa inyo ni Janella!"ani Maris.

Itutuloy.....


Hello my dear readers pafollow naman po ako Kakagofredo28

Thank you 😘😘😘😘

When The Time Is Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon