Chapter 10

84 5 0
                                    


Nakaready na ang pagkain sa harapan ni Janella. Kasama nya roon sina Maris and Joshua.Nagpaalam lang ang nanay ng dalawa sa kanya na babalik sa kusina para kumuha ng dessert sa ref.

"Happy birthday pala!"nahihiyang sabi ni Janella.

"Thanks!"maikling sagot naman ni Joshua. Kanina pa kasi parang tinatambol ang puso nya. Sa sobrang bilis nga ay hindi na rin sya halos makapagsalita dahil para na syang mauutal. Nagbitaw pa naman sya kng salita na yung babaeng muntik na nyang makabanggaan ay ang kanyang the one.

"Mam tikman nyo ang kare-kare ni mother, saka bulalo ng tatay namin. Actually alam kong mauubos yan kanina kaya buti na lang pinagtabi kita!"ani Maris.Excited nitong inilalapit sa boss nya ang mga ulam na nabanggit nya.Masaya kasi syang nakapunta ito sa bahay nila.Lalo na at sya ang the one na tinutukoy ng kuya nya.

Sumabay na rin kumain si Maris at Joshua sa dalaga. Kasabay ng kwentuhan,pero maya-maya pa ay lumabas mula sa kusina si Manang Rusing ni Janella. Na agad syang nilapitan ng makilala sya.

"Mam janella?Ikaw ba yan!?"usal ng matanda.

"Manang Rusing!?Opo,kumusta po kayo!?"sagot naman ni Janella. Saka tumayo at yumakap sa matanda na naging malapit sa kanila ni Marlo noon.

"Okay naman. Bukas pabalik na rin kami sa resort. Naku bisitahin mo naman kami ulit mam, di ako makapaniwala na nandito ka. Maslalo kang gumanda. Yung paborito nyong bayabas napakaraming bunga lagi!"litanya ni Rusing.

"Ang liit talaga ng mundo.Magkakakilala na pala kayo dati pa!"untag ni Maris.

"Nako diba sayo  nakwento ng Kuya mo,sya yung crush ng kuya mo nung mga bata pa sila. Sinama ko kasi kuya mong 7th birthday noon ni Janella at dun sila nagkakilala!"masiglang kwento ni Rusing.

Nakangiti lang si Janella. Habang si Joshua ay nawiwindang sa mga kwento ng paborito nyang tiyahin.

Naalala tuloy ni Joshua noon na unang kita pa lang nya sa batang Janella sobrang nagustuhan nya ito agad. Napakacute kasi nito noon,pero ngayon napakaganda na nya.

Ikalawang kita nila ay nung nagbakasyon sila ni Julia sa private resort ng mga ito. Saglit lang yon at napakatragic pa. Di nya rin inakala na ito ang babaeng muntik nyang makabangga. Ang babaeng kahit di malinaw ang mukha nung gabing iyon,naramdaman nyang may something sa puso niya dala ng tagpong iyon.

Pagkatapos nang masarap na hapunan,nagpasya na rin si Janella na sa bahay na muna nila Maris magpalipas ng gabi. Kasi mapilit ang mga ito,kaya di na rin sya nakatanggi.

"Thanks for coming talaga Mam!Sobrang naappreciate po nang buong family namin!"ani Maris.

Pagkatapos maghapunan ay bahagya munang nakipagkwentuhan si Janella sa family nila Maris at Joshua.

Sa sala masayang nagkekwentuhan ang Garcia family kasama si Janella na game na game. Ilan taon rin nyang na-isolate ang sarili sa ibang nga tao. Hinayaan nyang umikot ang mundo nya sa pag-aaral at pagtatrabaho lang.

"Pasensya ka na mam sa kaguluhan namin dito ha.Bihira kasi kami mabuo dito,ito kasing sina Joshua at Maris bihira na umuwi dito samin!"kwento ni Mira nanay nina Joshua at Maris.

"Naku,Janella na lang po itawag nyo sakin!"usal ni Janella.

"Janella,kahit pigilan mong tawagin kang mam nyan. Mam pa rin itatawag sayo nyan!"sabat naman ni Rusing.

"Para po palang ikaw manang rusing!"sagot naman ni Janella.

"Joshua tahimik ka riyan? Naalala ko tuloy dati nung crush na crush mo pa sya nung bata kayo.Asan na ba yung love letter naibigay mo rin ba kay mam janella!?" Litanya ni Rusing. Gusto nya talaga asarin si Joshua napansin na rin nyang namumula na ang pamangkin kaya ayaw pa lalo tigilan.Mapang-asar rin na tiyahin. Habang si Janella ay nakangiti lamang.

"Naku,may love letter po ba?Parang di ko po natanggap.!"untag naman ni Janella.

"Sayang naman pala. Pamangkin galaw-galaw din!"usal muli ni Rusing.

"Kuya, nako ha. Kanina ka pa tahimik dyan. Kinikilig ka no!"usal ni Maris,nakikisali na rin sa pang-aasar ng tiyahin niya.

"Single pa naman ako ngayon!"sabi naman ni Janella. Nakikisali na rin, sa kulitan ng mga tao doon. Kasabay ng asaran at hagikhikan at meron din kinikilig.

"Kayo talaga nakakahiya kay Janella. Pasensya ka na sa Garcia family nadamay ka pa sa kalokohan.hehe!"litanya ni Joshua na kanina pa naiilang dahil sa asaran. He knew kasi na may kakaibang dating sa kanya si Janella. Maybe she's the one?

Pero ayaw paawat ni Rusing,at gusto pa rin ipagpatuloy ang pang-aasar kay Joshua. Kilala nya ang pamangkin nya, alam nyang sa reaksyon nito maaaring mya something talaga.

"Joshua pamangkin, ako naman ay natutuwa lang balikan nung bata pa kayo. Pero ngayon nasa tamang edad na kayo, pwede nyo naman seryosohin ang mga sinasabi ko.hehehe!"litanya ni Rusing.

Para kay Janella natutuwa sya sa pang-aasar sa kanya ni Manang Rusing. Kaya nga nagagawa nyang sumakay sa mga sinasabi nito. Crush din naman nya noon si Joshua kahit medyo chubby ito nung bata. Pero sobrang nagulat sya na masgwapo na ito ngayon at di matatanggi na masmalakas ang dating.

When The Time Is Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon