Chapter 7

84 4 0
                                    

Tila lumilipad ang isip ni Janella habang nagmamaneho. Hanggang sa sumulpot ang isang sasakyan at muntik na nyang makabangga.

Tila di sya makahinga,at makagalaw nang ilang segundo dahil sa pangyayari. Pero napansin nyang bumaba ang lalaking driver nang muntik nyang makabanggaan at tila galit ito.Alam nyang kasalanan naman nya kaya bumaba sya at humingi nang paumanhin.At nang masiguradong wala naman problema,bumalik na sa loob nang kotse nya at pinaandar ito at tuluyan nang umalis.

Naisip tuloy ni Janella na afterall what happened, takot pa rin syang mamatay agad. Oo,malungkot pa rin sya dahil until now nangungulila pa rin sya dahil sa pagkawala ni Marlo.Pero gusto pa rin nyang ituloy ang buhay kahit na hindi nya na alam kung paano ang mamuhay nang gaya nang dati.

Naisip nya tuloy na 2nd life nya na kaya dapat ingatan nya. Dapat tulungan nya ang sarili nya na makabangon mula sa kahapon. Wala na si Marlo,pero sya nandito pa. Kaya dapat sulitin ang buhay, kailangan maging masaya.

Hanggang sa makauwi ay di makaget over si Janella.

"Lord salamat po sa pag-iingat sakin kanina akala ko kamatayan ko na.Omg! Salamat talaga Lord!"litanya ni Janella bago sya matulog.

Katulad ni Janella ganun din ang binatang muntik nyang makabanggaan. Pero bukod sa pasasalamat dahil walang nangyaring masworst, tila di pa rin mawala sa isip nya ang kagandahan taglay nang babaeng muntik nyang makabanggaan. Ang babaeng nagpatigil nang ikot nang mundo nya.Kahit na muntik na yata syang mamatay dahil sa takot.

"Gago pangiti-ngiti ka dyan!"ani Troy pagkatapos uminom nang alak.

"Pare,kanina kasi before ako pumunta dito muntik akong mabangga!"kwento ni Joshua.

"Happy ka dahil muntik kang mabangga!?"nagtatakang sabi ni Troy.

"Yung babae na muntik kong makabanggaan.Sobrang ganda nya,nung nakita ko sya parang tumigil ang mundo ko.Iba dating nya sakin!Actually familiar nga sya sakin eh,kaso masungit "pahayag pa ni Marlo.

"Okay.Nakilala mo naman ba!?"tanong ni Troy.

"Yun nga pare hindi,medyo masungit pero maganda pa rin. Hindi ko man lang tuloy natanong ang pangalan.Bigla kasing umalis eh!"kwento ulit ni Joshua.

"Yun lang...!"ani Troy.

"I think I need to find her,She looks familiar hindi lang klaro.Madilim kasi saka hindi man lang nakipag-eye to eyecontact. Pero I"m sure na maganda sya talaga!" Pahayag muli ni Joshua.

"Labu mu pare,Bahala ka!Kung mahanap mo sya,congrats.Kung hindi?Buti nga sayo!"ani Troy.

"Malay mo naman mahanap ko sya,tapos kami pa pala ang meant to be!"malawak ang ngiting sabi ni Joshua.

"Pare wala nang matinong babae ngayon,Look at me now miserable.Dahil naniwala ako sa isang babae na akala ko mahal talaga ako.I gave everything to her.Tapos biglang makikipagbreak at sasabihin na "it's not you,it's me!". Nakakagago lang,anu anu pa sinasabi yun pala may bago nang boyfriend."ani Troy.Ramdam na ramdam ni Joshua ang hinanakit nang kaibigan.

Si Monica kasi ay girlfriend ni Troy since highschool,kasal na nga lang ang kulang sa kanila.Alam ni Joshua ang hirap nang pinagdadaanan nang kaibigan.Kaya tinapik-tapik nya na lang ito sa braso.

"Pare,alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon.Pero okay lang yan,lilipas din yan. Hindi natin alam kung kailan,pero kailangan mong tulungan ang sarili mo na maging okay.Dahil ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo!"payo ni Joshua sa kaibigan.

"Magbestfriend talaga tayo. Pareho tayong sinaktan at iniwan sa ere.Hahaha!"ani Troy na dinaan sa biro ang sinabi,kahit na deep inside masakit pa rin talaga.

"Bestfriend goals! Hahaha!"nakatawa din na sabi ni Joshua.Saka nagcheers ang dalawa at sabay na uminom nang alak.

Sa tagal nang pagkakaibigan nang dalawa,subok na nila ang damayan sa panahon na mayroon pinagdadaanan ang bawat isa.

Nang malaman nga ni Joshua na niloloko na pala sya ni Stella. Si Troy ang nagadvise kay Calvin maging kalmado.Kaya nang komprontahin na ni Joshua ang girlfriend,galit man sya sinikap pa rin nyang maging mahinahon.

At kahit masakit sa kanya,tuluyan na rin syang bumitaw kay Julia.Ayaw man ni Julia,at sinabing pinipili sya nito Pero para kay Joshua mas okay ng maghiwalay sila,kasi maging sila p rin kahit wala naman ng kasiguruhan.

Flash back......

"Mahal pa rin kita Julia,pero maspinipili kong bitawan ka.Dahil hindi ko alam kung kaya pa kitang mahalin gaya nang dati. Hindi ko alam kung magiging masaya pa ako sayo,kahit na ako ang pinili mo.Sigurado ka bang ako ang pinipili nang puso mo?O nanghihinayang ka lang sa mga pinagsamahan natin!"emosyonal na pahayag ni Joshua.

"Josh,I'm sorry. Naging mahina ako,masyado ka kasing naging busy sa trabaho.Wala ka nang time sa relationship natin. Nakilala ko si Rald at sya ang pumuno sa mga pagkukulang mo! Sana di ka magalit sakin!"emosyonal din na pahayag ni Julia.

"Galit ako Julia,niloko mo ako,sinaktan mo ako.Iniwan mo ako sa ere,akala ko sabay pa tayong lumalaban para sa relasyon natin.....Pero hindi pala,pero tong galit na to lilipas din to,kasi mahal pa rin kita pero malaya ka na.Hiling ko lang maging masaya ka na,at sana sa boyfriend mo ngayon maging malakas ka na. Masakit maloko Julia,yung puso ko parang pinipilas sa sobrang sakit. Sinasabi ko ito hindi para maguilty ka,sinasabi ko ito para mailabas ko ang sakit.Para sa paghihiwalay natin,kasama ko na rin bibitawan at itatapon ang lahat nang sakit.I'm sorry Joshua sa lahat nang naging pagkukulang ko at paalam na!"mahabang litanya ni Joshua saka iniwan na mag-isa si Joshua sa isang cofee shop kung saan sila nagtagpo.

Sa tuwing naalala ni Joshua ang huling tagpo sa relasyon nila ni Julia kung dati ay naiiyak pa rin sya ngayon ay natatawa na lang sya.

Napatunayan nya sa sarili nya ang sinasabi nang nanay nya sa kanya noon.Na lahat nang nararanasan nya noon,pagtatawanan ngingitian na lang nya pagdating nang panahon.Na kahit sobrang sakit,lilipas at lilipas rin
Dalangin nga nya na sana ay dumating na ang inilaan sa kanya ng Panginoon.Umeedad na sya,successful na rin naman sya sa career nya at may mga investment na rin kaya ready na syang magkaroon ng girlfriend na willing nyang makasama na rin sa pagharap sa altar.Patunay na lamang na malaya na sya sa nakaraan.


To be continued.....

When The Time Is Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon