Chapter5

87 5 0
                                    

Isang linggo matapos ang paghatid sa huling hantungan ni Marlo ay binisita ni Janella ang puntod nang kaibigan.

Nangungulila pa rin sya sa pagkawala nang bestfriend.

"Pasensya ka na bestfriend,di ako nakadalaw agad.Pano nagkasakit ako,si mom na nga lang ang nagenroll sakin e. First day of school kanina,namiss kita lalo!.....Sayang wala ka na....ang hirap pa rin tanggapin Marlo. Sana tulungan mo ako,kami na matanggap ba wala ka na.Araw-araw kitang namimiss....."ani Janella na sinisikap ang sarili na di maging emosyonal. Pero sa huli di rin nya napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

"Saka oo nga pala! Nagdala ako nang paborito mong home made ice cream ni manang!"dagdag pa ni Janella saka sinimulan nang lantakan ang ice cream....Pero nakaisang subo lang sya, dahil di nya talaga mapigilan ang maiyak ng sobra. Napakabigat pa rin sa loob nya ng nangyari.Tila kahapon nga lang kasi ang lahat,dati kasama pa nya si Marlo. Nagtatawanan,nagkukulitan pero sa isang iglap wala na. Wala na yung bestfreind nyang,sobrang mahal na mahal nya.


"Paborito mo....to oh! Si...no nang kakain nito!?Miss...na...miss kita bestfriend!"sabi muli ni Janella.

Maya-maya ay nagpaalam na din si Janella sa kaibigan,dahil nagtext ang mom ni Marlo sa kanya at pinapapunta sya nito sa bahay nila.



At nang nasa bahay na si Janella nila Marlo,iginiya sya ni Minda mom of Marlo sa room nang kaibigan.Napasok na rin naman nya ang kwarto nito nung buhay pa ito,pero hindi nya alam na may sikreto pala itong tinatago sa kanya maliban sa sakit nito.

Pagbukas ni Minda nang cabinet nang anak,bumungad kay Janella ang isang rebelasyon na kanyang nalaman. Mga pictures niya iyon at may mga notes na si Marlo mismo ang nagsulat.Mga pangungusap na nagsasabi kung gaano nya kamahal si Janella nang higit pa sa isang kaibigan. Mahal na pala sya nito ng higit pa sa isang kaibigan. Pero huli na ng malaman nya

Sinimulan basahin ni Tanya ang ilan sa mga sinulat ni Paul.

"I love you bestfriend! Kahit ang gusto kong sabihin mahal kita Janella,nang higit pa sa isang kaibigan!

"Pwede bang more than friends na lang tayo!?Okay lang kaya sayo!?'

"Sabi mo bawal tayong mainlove sa isa't-isa.I'm sorry Janella,hindi ko napigilan na mahalin ka!"

"The best girlfriend,I never had is my bestfriend!"

"Mamahalin na lang siguro kita sa paraan na alam kong panghabangbuhay na.I love you bestfriend!'

Habang binabasa nito ang mga notes hindi mapugtaw ang pag-iyak ni Janella.All this time pareho lang pala sila ni Marlo na tinatago ang totoong nararamdaman sa isa't-isa. Mahal din pala sya nang bestfriend nya nang higit pa sa isang kaibigan.Masaya syang malaman iyon,subalit huli na dahil wala na si Marlo.Tila may pagsisisi sa part ni Janella, sana pala noon pa nya inamin.

"Janella,nakita ko yan dahil aayusin ko sana mga gamit nya. At kahit alam kong huli na para malaman mo yan,I know na kailangan mo pa rin makita yan upang malaman mo na mahal ka nang anak ko.At nagpapasalamat ako na sa almost 10 years na friendship nyo,ay napasaya mo ang anak ko. Ikaw ang palaging laman nang kwento nya,inaasar na nga sya nang mga kapatid nya na crush ka nya.Pero tinatanggi nya,siguro dahil ayaw nyang mabali ang promise nyo sa isa't-isa!"pahayag ni Minda saka niyakap si Janella na umiiyak pa rin.

"Thanks Tita! Ah...Okay lang po ba na kunin ko na lahat nang notes na sinulat ni Marlo pero picturan ko muna!?"nahihiyang sabi ni Tanya.

"Sure hija, hundreds of notes ang babasahin mo.Sobrang love ka nang anak ko! Sayang nga lang at......!"hindi na naituloy pa ni Minda ang sasabihin. Napalunok na lang ito ng laway,sign na nagpipigil ng luha.

Pag-uwi ni Janella sa bahay ay agad syang dumiretso nang kwarto nya. Pagpasok doon,saka inilabas ang lahat nang sakit na nararamdaman nya sa pamamagitan nang malakas na pagtili.Saka dumapa  sa malambot nyang kama at humagulhol nang iyak.

"Bakit kasi kaila..ngan mo pang mawala!?"umiiyak na sabi ni Janella habang yakap ang box na naglalaman nang mga notes ni Marlo para sa kanya.

Hindi magiging madali kay Janella ang lahat,at habang tumatagal nga ay maslalo nyang nararamdaman ang sakit at pangungulila sa pagkawala ni Marlo. Pero kailangan pa din nyang mag-aral nang mabuti dahil graduating na sya,kahit na wala na syang bestfriend na kasama magreview sa mga lessons nila.Kailangan nyang ituloy ang buhay,at tuparin ang pangarap kahit wala si Marlo.


Sumapit ang Pasko,ang pinakamalungkot na Pasko sa buhay nya. At ang bagong taon,na napakahirap salubungin lalo na at alam mong wala na yung taong makakasama mong harapin ang bagong kabanata sana nang inyong buhay.

Nagphotoshoot na rin sila para sa graduation,nagpakuha pa nang picture si Janella kasama ang picture frame na may larawan ni Marlo.

"Bestfriend,bukas graduation ko na.Dapat kasama kita e! Sayang.... Pero alam ko naman na sa piling nang Panginoon happy ka na,at salamat sa kanya dahil hindi nya hinayaan na masmadusa ka pa nang matagal nang dahil sa sakit mo. Five months ka na palang wala,parang kelan lang kasama lang kita.Nag-aasaran pa tayo,kumakanta tayo nang paborito nating kanta yung hawak kamay. Naku ikaw ha,kahit andyan ka na sa heaven pinapakilig mo pa rin ako.Gabi-gabi kong binabasa mga notes mo sakin.I love you too Marlo.......nang higit pa sa isang kaibigan. Oh yan ha!Umamin na rin ako sayo. Oo nga pala,....... aalis na ako pupunta ako sa Canada. Ayaw ko sana,pero mapilit sila Dad.Masyado daw kasing mabigat ang pinagdaanan ko. Kaya baka magtagal ako dun,makarecover kahit papano.Don't worry babalik din naman ako,hindi ko lang alam kung kelan.Masyado kasing masakit,baka nga kailangan kong lumayo muna.Ang dami kasing mga bagay sa bahay ang nakakapagpaalala sayo e"mahabang pahayag ni Janella sa harap nang puntod nang kaibigan.Kahit papano nakocontrol na nya ang sarili sa pag-iyak,hindi dahil move on na sya.Kundi dahil sinisikap nyang maging matapang,at sanayin ang sarili na harapin ang buhay nang wala na si Marlo.







To be continued.......

When The Time Is Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon