Chapter 31

83 5 0
                                    

Kinabukasan maagang gumayak si Julia, aalis na sya sa bahay ng mga magulang ni Joshua. Aalis na sya sa buhay ng dating nobyo nya. Buong gabi nga syang di halos makatulog dahil sa pag-iisip,nakokonsensya sya sa lahat ng nagawa nya. Ganunpaman,ang mahalaga para sa kanya ay narealize na nya ang tamang gawin. Alam nyang mahirap sa ngayon,pero alam nyang darating ang araw na magiging okay na ang lahat sa kanya.

"Magpapaalam na po ako,patawad po sa lahat ng nagawa ko. Maris, pakisabi naman kay Janella na sorry. Sa ngayon kasi wala pa akong lakas ng loob na harapin nya!"litanya ni Julia nasa sala lamang sila ng bahay ng nga Garcia.

"Makakarating Julia,mag-iingat ka!'usal ni Maris ng may ngiti sa mga labi.

"Sana anak hwag munang uulitin yung ginawa mo sa sarili mo. Hwag mong kakalimutan mga pangaral ko sayo nung nandito ka sa bahay. Mahalaga ang buhay,ang buhay na bigay ng Diyos sa atin. Kaya ingatan mo ito. Dalangin ko sayo na patnubayan ka ng Diyos sa bagong simula ng buhay mo. Mahal ka namin Julia!"pahayag ng nanay nina Maris at Joshua kay Julia.

"Salamat po! Salamat sa pagmamahal!"sagot naman ni Julia saka yumakap sa nanay at tatay ni Joshua. Kay Maris at kahulian kay Joshua.

"Mag-iingat ka!"untag ni Joshua.

Tumango lang naman si Julia saka tuluyan ng umalis.

Marahil ito na nga ang yugto ng bagong simula ni Julia. Kaya umalis syang may ngiti sa mga labi.

Ito na rin ang ikalawang pagkakataon para kay Joshua at Janella.  Kaya ayaw ng patagalin pa ng binata,gusto na nyang makita ang dalaga.

Sometimes all you need is a second chance,Because time wasn't ready for the first one.

Joshua's POV

Malayo lamang ang tingin ko ng may mabasa ako, kahapon nga lang pala ng tuluyan ng natapos ang lahat sa amin ni Julia.

Kung di nga lang nagkaemergency dito sa site sa malamang na kay Janella na ako ngayon. Sabik na akong makita sya at makausap. Buong buo na ako para ayusin ang relasyon ko sa kanya.Sana ganun din sya sakin.



Lingid sa kaalaman ni Joshua at ng kanyang pamilya. Pasikretong nakipagkita si Julia kay Janella. Bagamat nag-aalangan si Janella ,pumayag syang makipagkita dito dahil may mahalaga daw itong sasabihin sa kanya.

Sa isang private place nagkita ang dalawa. Naunang dumating si Julia sa lugar,

"I'm sorry,I'm late may dinaanan pa kasi akong meeting!"paumanhin ni Janella.

"Okay lang kadarating ko lang din!" Sagot naman ni Julia...."maupo ka!" Ani Julia pa.

Kapwa nakaupo na ang dalawang babae,tila di alam kung sino ang susunod na magsasalita. Pero nauna na si Julia,since sya naman ang pasimuno.

"Salamat sa pagpunta!"ani Julia.

"Sabi mo kasi may importante kang sasabihin tungkol ba saan!?"curious na tanong ni Janella. Ibabalik na ba ni Julia si Joshua sa kanya?Yun ang gustong marinig ng dalaga.

Nagpakawala muna ng malalim na hinga si Julia bago tuluyan nagsalita tungkol sa kanyang sasabihin.

"Janella,ang totoo hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para kausapin ka. Nahihiya ako sayo sa lahat ng nagawa kong pananakit sayo. Nandito ako para humingi ng tawad dahil sa pagiging makasarili ko. I'm sorry dahil sakin naghiwalay kayo. Pero sana maayos nyu pa,mahal na mahal ka ni Joshua.....Kailangan ka nya!"ani Julia Sinisikap nitong hindi maiyak pero hindi nya rin napigil at patuloy na rin na naluha.

Tila di naman makapaniwala si Janella sa naririnig sa babaeng ang tingin nya ay karibal nya kay Joshua.

"Bakit mo ginagawa to?Mahal mo sya diba!?"usal naman ni Janella. Malungkot ang mga mata nito.

"Diba dapat kapag mahal mo,hahayaan mo sya sa bagay na makapagpapasaya sa kanya. Alam ko sayo sya sasaya,hindi sa akin!"nakangiting sabi ni Julia bagamat may luha ang mga mata.

"Pero pano ka!?"naiiyak na rin na sabi naman ni Janella.

"Hwag kang mag-alala, hindi ko na sasayangin ang buhay ko. Haharapin ko na ang problema ko, hindi ko na tatakasan. Maraming salamat sa aral na ito sa buhay ko, dahil sa mga nangyari ang dami kong natutunan. Maluwag pala sa puso ang tanggapin ang katotohanan,at makitang masaya ang mga tao sa paligid mo. Naging mahina ako dati na tanggapin lahat ng mga nangyayari sa buhay ko, pero dahil ngayon masmagiging matapang na ako.;"mahabang pahayag ni Julia.

"Julia,maraming salamat! Bilib ako sa tapang mo na tanggapin na mahina ka. Hindi lahat kayang tanggapin na mahina sila. Kalimutan na natin ang mga nangyari. Pwede naman tayong maging magkaibigan na rin diba."litanya ni Janella.

Ngumiti lang at tumango si Julia.Saka muling nagsalita.

"Thank you. Kaya pala mahal na mahal ka nya kasi napakabuti mong tao.Bakit hindi ka galit ka nagagalit sa akin!?"untag ni Julia.

"No,tampo pero dahil ginawa muna yung tama. Okay na ako.I'll forgive you na!"usal naman ni Janella.

"Salamat Janella!"ani Julia.

"Thank you rin. Someday makikilala mo rin ang taong para sayo. Ipagdarasal ko yon!"sagot naman ni Janella.

Pagkatapos ng tagpong iyon ay dumiretso na ng punta si Janella sa lugar kung nasaan ngayon si Joshua

************************************

Thank you sa patuloy na pagbabasa my dear readers 😘

Please follow me Kakagofredo28 💕♥️

Salamat!

Excited na ba kayo sa ending?

Ngayong gabi na po ang last chapter! 7pm po. Salamat 😍

When The Time Is Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon