Chapter 25

71 6 0
                                    

"Hi bestfriend,pinapakilala ko nga pala sayo si Joshua.Boyfriend ko,sayang di kayo nagkaroon nang chance na magkakilala ng person no.!"pahayag ni Janella sa harap nang puntod ni Marlo.Katabi nya si Joshua habang sinasabi iyon.Nakwento na rin nya ang lahat dito ang lahat na may kinalaman kay Paul.Sinabi na rin nya nang mamatay ito,saka lamang nya nalaman na gusto pala sya nito.Mutual sana ang feelings nila,pero wala na si Marlo. Pero sa ngayon alam naman ni Janella sa sarili nya na magaling na ang puso nya, at binibigay na nya ito ng buong buo kay Joshua. Sobrang napapasaya nya ang binata,mahal na mahal nya ito.

"Pare,Hwag kang mag-alala.Aalagaan at mamahalin ko tong bestfriend mo!"sabi naman ni Joshua saka hinawakan nya ang kamay ni Janella.

Pagkatapos magtungo sa cemetery,sinama naman ni Janella si Joshua sa tree house nila ni Marlo.

Ilan weeks na rin kasi magmula nang huli syang pumunta doon,kaya medyo maalikabok na ang lugar.

"Sobrang totoo at strong nang friendship nyo ni Marlo.Kaya pala sobra kang nasaktan nung nawala sya..mmmm...,sa mga nakikita ko ngayon dito.Alam ko na naging mabuting kaibigan sayo si Marlo, at sobrang dami ng memories nyo together...ang lahat nang nandito ay nagpapaalala nang makulay na pagkakaibigan nyo!"pahayag ni Joshus habang nililibot ang mata sa loob nang treehouse.

"Tama ka love,kaya salamat sa kanya! Kaya itong treehouse na to ay tanda nang pagiging matatag nang aming pagkakaibigan.At kahit wala na si Marlozmananatili ito habang buhay!"pahayag naman ni Janella.Nilapitan naman ni Joshua ang dalaga,saka niyakap. Napansin nya kasing nangingilid ang luha ng nobya.

"Pasensya ka na ha,masaya lang kasi ako. Alam mo kung bakit?Ito kasi yung unang beses na nagpunta ako dito na alam kong magaan na ang loob ko. Wala ng bigat, salamat sa pagdating sa buhay ko!"mangiyak-ngiyak na litanya ni Janella.

"Mahal na mahal kita love! Asahan mo na di ako mawawala sayo. Palagi lamang ako nandito!"nakangiting sabi ni Joshua.

Then they kissed,maikli lang iyon pero labis ang kagalakan na idinulot nito sa magkasintahan.


Pero Gaya nang ibang relasyon hindi palaging masaya.At may mga pagsubok na maaaring daanan,upang maipakita ang pagiging matatag nang inyong relasyon.

Sa Office ni Janella.

Masyadong busy si Janella today sa dami nang naiwan nyang mga trabaho mula nang palagi silang nalabas ni Joshua.Kaya sinikap nya iyon na tapusin sa ilang beses na pag-oovertime kasunod naman ay ng biglaan pagpunta sa Singapore para sa isang bisuness trip at mukhang magtatagal sya doon.

"Mam Janells,first time ko to isasama mo po ba talaga ako!?"ani Maris habang yakap yakap pa ang mga folders.

"Oo kailangan kita doon! Sa isang araw na ang alis natin.Medyo madami pa kong dapat tapusin bago tayo umalis,kaya magoovertime ako. At sana matapos ko na. Hindi ko nanaman mabibigyan nang time ang Kuya mo,before tayo umalis. Sana hindi sya magtampo!"pahayag ni Janella saka napakasandal sa upuan.

"Naiintindihan ka ni Kuya,yun pa.Wag mo problemahin yon,saka andito ako.Ako ang magsasabi sa kanya!"ani Maris.

"Thank you Maris!"ani Janella habang nakatuon na ang attention sa kanyang tinatype sa laptop.

Magkasamang umalis nang bansa sina  Janella at Marid. Pero baho pa man makaalis ang dalawa gumawa muna mg paraa si Joshua upang makasama ang nobya kahit sandali lang.Sinamahan nyang magovertime ang nobya,saka nagdala doon nang pagkain para  sabay silang magdinner.Inabot pa ng umaga ang pag-oover time ni Janella,sa sofa na nga nakatulog si Joshua dahil sa paghihintay.Two weeks din kasing mawawala sa Pilipinas si Janella,kaya maspinili na ni Joshua makasama nag nobya kahur sa ganung set-up man lang.

Sa Bar.

"Sa wakas naman pre,sumama ka rin. Magbar no!"ani Troy.

"Busy sa girlfriend eh,bumabawi. Ikaw naman,napakaseloso mo!"biro pa ni Joshua.Muntik pa sya nitong sabuyan nang alak dahil sa joke nya. Saka sila nagkatawanan.

"Gago! Hahaha. So nasa Singapore sila Maris at girlfriend mo ngayon!?Kaya game ka sa inuman"ani Troy habang sinasalinan nang alak ang baso nang kaibigan.

"Nagpaalam naman ako na lalabas tayo. Faithful at loyal to no"mabilis na sagot ni Joshua.

"Yung nakwento mo pala,pinakilala ka kamo sa bestfriend nya.Yung matagal nang patay,Kamusta naman!?"ani Troy.

"Oo,si Marlo.Okay naman!"sagot ni Joshua.

"Buti patay na,baka mamaya yun pa pala makaribal mo.Diba may ganun,bestfriend tapos yun pala may something na!"ani Troy.

"Gago! Matagal ng wala si Marlo okay na si Janella. Wala akong dapat ipag-alala saka patay na yun loko"sagot naman ni Joshua.

Pero natigil ang kwentuhan nang dalawa,nang biglang may umunday ng suntok kay Joshua.

Si Mark,boyfriend nang ex nyang si Julia.

Agad naman nakaganti si Joshua nang undayan din nang suntok si Mark. Pero agad din naman silang naawat nang mga bouncers sa Bar.

"Gago ka! Tigilan mo girlfriend ko!"sigaw ni Mark,galit na galit ito.

"Wala kaming ginagawang masama nang girlfriend mo. Kaya pwede ba!Tigilan mo ako!"sagot naman ni Joshua.

Dahil sa nangyari nawalan na rin nang ganang uminom sina Joshua.Kaya nag-aya na syang umuwi.

Pero pagdating nya sa condo nya, laking gulat nya nang madatnan si Julia na nakatayo sa harapan nang pintuan nya.

Malawak ang ngiti nito, nang makita sya.Akma pa sya nitong lalapitan para yakapin,pero agad nya itong sinenyasan na wag lalapit sa kanya.

"Hey! Kanina pa ko dito, Saan ka ba nanggaling!?"tanong ni Julia.

"Julia,Ano to?.Bakit ka ba nandito!?"naiiritang sabi ni Joshua.

"I just wanted to see you. kamusta ka na!?"sabi muli ni Julia.

"Julia,mahal ko si Janella.Kaya tigilan mo na ako, kung ayaw muna sa boyfriend mo kausapin mo sya! Nagkita kami sa bar kanina,at akala nya gusto pa rin kita pinagdududahan nya tayo. Ayaw kong pagduduhan din ako ni Janella."litanya ni Joshua dito.

Tila natahimik naman si Julia sa narinig. Para itong natulala,at napaisip sa mga narinig mula kay Joshua.Sumandal ito sa pintuan,saka napakapit sa noo.

"Napakatanga ko, ang tanga tanga ko! Ako naman ang nagloko eh,niloko kita.Pero bakit ako ang nasasaktan ngayon!?.......Joshua,mahal pa rin kita! Yes nagkamali ako,pero gusto kong makabawi. Akin ka na lang ulit pleasee......"emosyonal na pahayag ni Julia.

"Nag-usap na tayo Diba? wala na kong nararamdaman sayo.Kaya tigilan muna ito,makakahanap ka rin nang tamang tao para sayo!"sabi naman ni Joshua.

"Joshua....sana bigyan mo ako nang chance,tayo nang chance.Mahal pa rin kita!"sabi muli ni Janella.

"Walang tayo Janella! May girlfriend na ko at mahal na mahal ko sya! Makakaalis ka na!"seryosong sabi ni Joshua.

Walang nagawa si Julia,kaya sinunod na lang nya ang sinabi ni Joshua.Umalis na lamang sya,kahit mabigat sa loob nya.

Itutuloy .........

Follow me guys for para sipagin pa ko lalo mag-update.

Thank you 😘

When The Time Is Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon