Chapter 3

116 5 0
                                    

"bestfriend, alis na tayo dito parang yung bisita na nila aling rusing yung padatingmhehe! Saka baka agawan tayo ng bayabas.haha!!"natatawang sabi ni Janella. Nang natanaw ang pagdating ng isang lalaki at babae. Umayon naman si Marlo,habang nandun na rin naman nag aabang sina Aling Rusing para harapin ang bisita nila.

Kinabukasan.

Maaga pa ay inihanda na ni Janella ang sarili para sa photoshoot nya at si Marlo ang photographer.Mahilig kasi sa photography si Marlo at si Janella ang palagi nyang model.

"Okay na ba tong outfit ko!?"tanong ni  Janella na suot ang pulang two-piece.

"Bakit ganyan ang suot mo!?Akala ko ba beach attire?"naiinis na sabi ni Marlo.

"Bakit ano ba tong suot ko?Diba beach attire to?Saka first time ko magtwo-piece, kaya pagbigyan muna ko!"sabi muli ni Janella habang inaayos ang postura.

"No! Change your outfit or else hindi na kita kukunan nang photo.Masmaganda pang ang scenery na lang dito ang pagpraktisan kesa yang halos hubad mu nang katawan! Kadiri."naiinis na sabi ni Marlo.

"Alam mo panira ka nang trip eh no! Kainis ka talaga! Sige na nga magpapalit na ko!" untag ni Janella saka nagdadabog na bumalik sa rest house.

Nagmamadaling bumalik si Janella sa rest house.Ang totoo naiinis sya talaga kay Paul dahil hindi ito pumayag  na kunan sya nang picture dahil sa suot nya. At sa pagmamadali nga nya,aksidenteng nakabanggaan nya ang isang lalaki.Dahilan upang mawalan sya nang balanse,at ang nakakahiya pa napayakap sya sa lalaki at nawalan din ito nang balanse. Bumagsak silang dalawa at pagbagsak medyo awkward pa dahil nakapatong si Janella sa dibdib nito.

"Ohmy...sorry talaga!"nakayukong sabi ni Janellakk na mabilis din nakatayo.Pero halos pulang pula na sya dahil sa eksena kanina lamang.

"Okay lang,Ikaw ba okay ka lang!?"sagot naman nang lalaki.

"Mam Jnaella andyan ho pala kayo,siya po pala si Joshua yung sinasabi ko po na pamangkin ko na bibisita dito"ani Aling Rusing.

"Hi,I'm Joshua and you must be Janella?Do you still remember me!?"ani Joshua saka iginawad ang kamay sa dalaga.Di rin matinag ang titig nya dito,lalo na at nakasuot pa to nang pulang two-piece  kaya naman labas na labas ang kaseksihan at ang makinis na kutis nito.Bukod sa mala-anghel nitong ganda.

"Yeah! I'm Janella,but have we met before?. "Sagot ni Janella bakas din sa mukha nito ang pagtataka dahil sa pagkunot nang noo nito kung bakit sya tinanong ni Joshua kung natatandaan pa sya nito.

"Oo,mga bata pa tayo non.Sinama ako ni Tiya Rusing nung 7th birthday mo at 10 years old na ko non!"pagkekwento ni Joshua.

"Ay oo nga pala Mam Janella sya yung pamangkin ko na crush mo dati.hehehehe!"wala sa sarili na nasabi ni Aling Rusing.

"Hahaha!Okay tanda na kita!"nakatawang usal ni Janella.

"Oo nga!How are you!?"untag muli ni Joshua.

"I'm okay,but I really need to go I need to change kasi.Bye!"ani Janella sabay alis.

Makalipas ang halos ilang minuto nakabalik na din si Janella sa tabing dagat kung saan naghihintay sa kanya si Marlo.Pero mukhang nainip na ito sa tagal nyang bumalik,kaya akala nya naidlip lamang ito sa ilalim nang payong na nakatabing dito.

"Marlowake up! Hwag mo ko aktingan!"gising nya sa kaibigan.Pero masarap na ata ang tulog nito.Pero hindi susuko si Tanya,gigisingin nya ang kaibigan dahil bukas na ang alis nila.At para sa kanya kailangan magkaroon sya nang maraming pictures doon. Niyuyugyog pa rin ni Tanya ang kaibigan,pero hindi pa rin ito nagigising. Naiinis na sya,dahil sa tingin nya ay inaasar lang sya nang kaibigan nya. Pero almost 10 minutes na nyang ginigising ang kaibigan,sinubukan nyang kilitiin sa tuhod nito dahil alam nyang malakas ang kiliti doon ni Marlo pero nananatiling tulog ang binata.Kaya kinabhan na sya,kaya humahangis syang pumunta kala Aling Rusing upang humingi nang tulong.

"Aling Ru..sing,help me po.Si Marlo,kasi ayaw magising eh!Andun sya sa tabing dagat!'naiiyak na sabi ni Janella.Sobrang kabado na rin sya.

"Naku mam!Anu pong nangyari!?"nag-aalalang tugon ni Aling Rusing.

Agad naman siyang sinamahan nang matanda kasama si Mang Pedring,s
Pati sina Joshua at girlfriend nito ay sumama rin.At nadatnan pa rin nila si Marlo na walang malay, unang lumapit si Joshua at tiningnan ang pulso nito.

"Buhay pa sya,pero para makasigurado tayo dapat madala natin sya sa Ospital!"ani Joshua.

"Ha?Marlo....ano bang nangyari sa..yo!?"umiiyak na sabi ni Janella.

"Saan natin sya isasakay!?"ani Mang Pedring.

"May dala kaming speed boat!"anang babae na kasama ni Joshua.

Agad isinakay nina Joshua at Mang Pedring si Marlo sa speed boat.Sinamahan na rin nuna Joshua at Julia sina Marlo at Janella habang naiwan na ang mga asawa sa resort.Ilang oras pa ang byahe kaya tila nawawalan na nang pag-asa ni Janella dahil hindi pa rin nagkakamalay ang kaibigan.Yakap-yakap nya lang ito,habang patuloy sa pag-iyak.

"Miss,water oh!!Don't worry magiging okay din ang boyfriend mo!"ani Julia na girlfriend ni Joshua.Saka iniabot ang bottle water.

"Thank you! Matagal pa... ba!?"mangiyak ngiyak pa din na sabi ni Janella.

"Just pray Janella! Medyo malayo pa tayo!"sagot ni Joshua.

Patuloy pa rin ang pag-iyak ni Janella,sa wari nya na habang hindi pa sila nakakarating sa Ospital tila humihina naman ang chance  na maging okay pa si Marco.Binabantayan nya ang pulso nito,dahil dalawang oras na sila sa byahe pero wala pa din malay ang kaibigan. Iniisip nyang prank lang ito ni Marlo,pero parang sobra naman na ata.Dahil masyado na syang nag-aalala. Ayaw nyang isipin na baka hindi umabot ang kaibigan,at tuluyan nang mawala ito.Hindi nya siguro kakayanin kapag nawala ito.

"Marlo,gising na please!" Humihikbing sabi ni Janella sa kaibigan.Yakap-yakap    pa rin nya ito.

Isang oras pa ang lumipas natunton din nila ang isang public hospital.Agad naman sinugod si Marlo sa emergency room.

"Marlo,la...ban lang!"umiiyak pa rin na usal ni Tanya.

Pero makalipas ang 15 minutes,muling bumalik ang Doktor para kausapin sya.

"Ikaw po ba ang kasama nang pasyente!?I'm sorry hija,sinubukan namin syang irevive pero wala na ang kaibigan mo.I'm sorry!" Pahayag nang Doktor.

Hindi nakapagsalita si Janella sa narinig,bagkus ay bumuhos muli ang mga luha sa mata. Halos mapaupo sa semento,pakiramdam nya gusto nyang magwala.Halos maglupasay sya dahil sa sobrang pag-iyak.Hindi sya makapaniwala sa naririnig nya.

"I'm sorry Janella. Condolence"ani Joshua na labis ang pag-aalala.

"Noooo! Doook.. baka pwede nyo ulit i...try.Hindi pwedeng mamatay si Marlo" Nagsisisigaw na si Janella,habang nakaalalay naman sa kanya ang magnobyo.

Ni sa hinagap hindi naisip ni Janella na mangyayari ito sa kanila ni Marlo. Sana panaginip na lang,pero kahit anong gawin ni Janella alam nyang totoo na ito.Totoong wala na si Marlo.Sa labis na hinagpis,para bang mawawalan na rin si Janella nang hininga.Hanggang sa tuluyan na nga syang nawalan nang malay.

When The Time Is Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon