"Hindi ka ba uuwi!?Birthday ko na bukas ah!"kunwari ay nagtatampong sabi ni Joshua sa kapatid na si Maris na nasa kabilang linya ng telepono.
"Basta darating ako kuya. Oh kamusta ka pala!?Nakwento ni mama na muntik ka palang maaksidente last time."ani Maris.
"Okay naman,kaso yung babaeng sakay nang kotseng muntik kong makabanggaan kinuha yung puso ko.That's why I need to find her!"pabirong sabi ni Joshua sa kapatid.
"Wow! So happy for you Kuya,mukhang ready na ulit ang puso mo!Kaso pano mo sya mahahanap??"ani Maris.
"Magkikita pa kami non,pakiramdam ko she's the one na eh!"usal ni Joshua.
"Kuya medyo malabo ka, nakilala mo naman na?Nalaman mo name nya?Kung hindi malabo po talaga na she's the one na. Kaloka ka big brother!" Litanya naman ni Maris na medyo natatawa sa sinasabi ng kuya nya.
"Malakas ang pakiramdam ko na magkikita kami ulit. Saka alam mo familiar sya sakin e,feeling ko nagkita na kami before. Hindi ko lang maalala kasi gabi na non, pero di ko rin magets basta may something sa babae na yon. Kailangan ko syang makilala!"patuloy na kwento ni Joshua.
"Nako kuya sige sana nga makita mo na si ati girl na yan. Para makapag-asawa ka na soon,please lang! Oh sya sige basta uuwi ako bukas, birthday ng best kuya in the world kaya di pwedeng di uuwi ang kamahalan nyang bunso. Bye kuya! See you tomorrow! I love you!" Ani Maris. Saka tuluyan ng binaba ang phone.
Lingid sa kaalaman ni Maris na nasa likuran bahagi nya lang pala si Janella dahil may sasabihin ito sa kanya na related sa work.
"Nako,ipapacancel ko pa naman sana yung leave mo tomorrow. Kaso birthday pala ng best kuya in the world mo.Dibale ako na lang ang pupunta!" Ani Janella. Good mood pa rin sya today. Mukhang ito na talaga ang start ng new beginnings ng dalaga.
"Ma'am pero kung kailangan po talaga pwede naman po.I'm sure maiitindihan naman po ni Kuya!"ani Maris.
"No, ako na lang! Pero diba taga San Felipe ka sa Grand Villa Hotel kasi ang venue ng event bukas. Actually late information lang ito,kaya ngayon ko lang nasabi sayo.Ikaw na sana papupuntahin ko,kaso abala pa yon sayo.Happy birthday na lang sa kuya mo!" Ani Janella then she smiled again.
"Talaga ba mam?Uy kapag maaga po natapos, punta ka mam malapit lang kami dun. Para matikman mo ang masarap na kare-kare ng nanay ko. Lalo na ang bulalo ng tatay ko. Punta ka mam ha kung may time ka pa po bukas!"aya ni Maris sa boss nya. Naexcite tuloy sya sa nalaman nya.
"Nako sana maaga matapos. Update kita bukas kung kaya pang makapunta!"ani Janella saka bumalik na sa loob ng opisina nya.
Kinabukasan.
Isang simpleng tanghalian lang ang inihanda para sa 29th birthday ni Joshua. Ilan lang din sa malalapit na kaanak at kaibigan ang dumalo. Pero para kay Joshua espesyal pa rin ang araw na ito,lalo na at kapiling nya ang pamilya nya. Wala ng hihigit pa doon.
"Happy birthday Kuya! I love you!"ani Maria saka inabot ang maliit na box na naglalaman nang regalo nyang relo.
"Thanks bunso.!"ani Joshua saka kinuha ang maliit na box.
Masarap na nagsalu-salo ang pamilya nila Joshua at iba nilang bisita sa simple nilang mga handa na nasa lamesa para sa tanghalian tulad nang kare-kare, bulalo,adobong karne,caldereta,tinolang native na manok,bbq at pinakbet. Mayroon din malagkit at buko salad para sa dessert. Lahat nang iyon ay inihanda nang parents nila.
Alas tres na nang hapon nang magsi-uwian ang karamihan sa mga bisita.
"Salamat sa masarap na patanghalian ha.Kelan ka na mag-aasawa pamangkin!?Para patanghalian naman sa kasal mo ang matikman namin"ani Tiya Rusing kay Joshua.
BINABASA MO ANG
When The Time Is Right
FanfictionIsang di inaasahang pangyayari ang babago sa buhay ni Janella.Paano nya ito haharapin?Kung mawawala na ang kaisa-isang taong akala nya ay never syang iiwan. Pero paano kung may ibang dumating na handang ibigay ang happiness na matagal nang nawala sa...