Chapter 26

65 6 0
                                    


From Love 😍

"Good morning Lovee! I miss you!"

Text ni Janella sa nobyo nya.

Kagigising lamang ni Joshua at kaagad nyang hinanap ang phone na nasa ilalim ng unan nya, pagkakuha kaagad nyang nakita ang  text nang nobya na nagpaganda nang umaga nya.

Habang nasa Singapore to,kahit busy di naman nito nakakalimutan ang magupdate sa boyfriend nya at ganun din naman si Joshua sa kanya.

Maagang naligo si Joshua at iginayak ang sarili para maaga rin makapasok sa trabaho.Nababadtrip pa rin sya sa ginagawa ni Julia,akala nya kasi ay matagal nang okay ang naging hiwalayan nila nito.Pero sa ginagawa nito,mukhang dipa rin talaga ito nakakamove on pa. Nadadamay tuloy sya sa gulo nito sa boyfriend nitong si Mark.

Pero tila ayaw syang tigilan ni Julia,kasunod nang text ni Janella na katatapos nya lang replyan ay nagtext din si Julia

From:Julia

"Joshua,mahal pa rin kita.Kung di rin lang ikaw magiging akin muli.Masmabuti pang magpakamatay na lang ako!"

Text ni Julia.

To:Julia

"Julia, ano bang sinasabi mo?Nasan ka!?"mabilis na reply ni Joshua. Kahit papano concern pa rin sya sa dalaga.

From: Julia

"I love you Joshua.Paalam!"

Reply naman naman ni Julia,pero hindi na iyon pinansin ni Joshua. Naisip nya na baka naman kasi strategy lang yon ni Julia para balikan nya ito.


Pero nang sumapit ang tanghali may natanggap syang tawag mula sa taong malapit kay Julia. Wala syang balak sagutin ito,kilala nya si Julia kahit noon pa man kapag nagkakatampuhan sila ginagamit nito ang mga taong malapit sa kanya para kausapin sya at kaagad maayos ang problema.Pero dahil sobrang kulit na kaya napilitan na rin syang sagutin iyon.

"Hello!?"kalmadong sabi ni Joshua.

"Joshua..mmmmm,si Mama Amor to.Si Julia kasi.... Dinala namin sa ospital,pumuntan ka dito please.Hinahanap ka nya. But!"umiiyak na litanya nang nanay ni Julia.

"Mama Amor,ano pong nangyari!?san hospital po!?"ani Joshua.malakas ang kabog ng puso nya nang malaman iyon,nagtext pa kasi si Julia sa kanya pero di nya iyon pinansin.

"Naglaslas sya Juliamaraming dugo ang nawala sa kanya.Kasalukuyan syang sinasalinan ngayon, nagkamalay na sya at ikaw ang hinahanap nya!"ani Amor.

Agad naman nagtungo si Joshua sa Ospital kung sana nakaconfine si Julia. Nalaman naman agad nito mula sa admitting section ng ospital ang room ni Julia at kaagad na pinuntahan.

Pagpasok nya sa loob,nadatnan nyang nakahiga si Julia.May bandage ang kaliwang pulso nito, na nilaslas nya at dextrose naman sa kabila.Kasama nito sa kwarto ang mama amor nito,at nang dumating sya ay nagpaalam munang lumabas.

"Julia,Bakit mo ginawa to!?"alangan na tanong ni Joshua.Kahit papano ay nag-aalala pa rin sya dito. Lalo na at di ganito ang pagkakilala nya dito,si Julia yung babaeng matapang at hindi sumusuko sa laban.Pero bakit nagawa nyang subukan na kitilin ang sariling buhay?

"I'm sorry Joshua,gulong gulo na ako.Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, gusto ko nang takasan yung sakit yung lungkot.Gusto kong mawala lahat,pero kahit anong gawin ko hindi nawawala eh.Kaya naisip kong mamatay na lang!...."emosyonal na pahayag ni Julia

"Julia, hindi mo dapat ginawa yon. Maling desisyon ang magpakamatay. Anuman ang mga pinagdadanan mo ngayon,lilipas din yan. Matatapos din, diba malakas ka?Bakit sumusuko ka na?Alam mo ba ng iwan mo ako,para na rin akong mamamatay sa sakit. Pero nilabanan ko ang lungkot, dahil inisip ko na marami pang dahilan para magpatuloy.Hindi pa end of the world.!"mahabang litanya ni Joshua habang nakatayo sa gilid nang kama nang dalagang nakaconfine.

"Sinasabi mo lang yan dahil masaya ka, pero ako Joshua.Nang mawalan ka nang time sakin,sa relasyon natin napakalungkot ko hanggang sa nakilala ko si Mark.Masmadami ka ng oras sa trabaho mo at ibang bagay kaysa satin. Yes niloko kita pero kasalanan mo kasi feeling ko hindi na tayo masaya. Hindi ka na masaya,napipilitan ka na lang. Dumating sa point na kailangan ko ng mamili yes pinili ko si Mark kasi sya yung palaging nandyan,ikaw wala palagi ka na lang busy.Kaya nanatili ako kay Mark kahit alam kong wala pagmamahal,wala na kasi akong makakapitan. Pero bigla syang nagbago akala ko masmahal nya ko kesa sa pagmamahal mo sakin,pero hindi nya ako mahal kaya nga binubugbog nya ko palagi,sinasaktan nya ako hindi lang physically kundi buong pagkatao ko. Nakulong ako sa relasyon na walang patutunguhan kundi puro pasakit.!'mahabang litanya ni Julia.Wala pa din patid ang pagtulo nang mga luha nito.

"I'm sorry Julia!"usal ni Joshua. Hindi nya inakala na ganun kabigat na pala ang pinagdadaanan ng dating nobya kahit noon pa man. Totoo naman kas na halos mawalan na sya ng time kay Julia noon dahil sa sobrang busy sa trabaho.

"I'm sorry Julia,akala ko naiintindihan mo ko noon. Bakit hindi mo sinabi?Para nalaman ko, nagpakabusy ako sa trabaho para sa pamilya ko,at para sayo. Dahil gusto na kita noon ayain na magpakasal,pero hindi pa magawa dahil gusto ko may pundar na ako bago ko gawin yon.At nung time na pwede na aayain na kita, maspinili muna sya. Wala na akong nagawa,dun ka masaya ako.!"paliwanag ni Joshua sa dating nobya. Muli nanariwa tuloy ang sakit,ng magbalik sa ala-ala nya ang pag-iwan ng dating nobya.

"Alam mo bang dapat may anak na kami ni Mark pero dahil sa pambubugbog nya sakin naagasan ako...Joshua,Gusto ko nang bumalik sayo,pero nalaman ko na may girlfriend ka na pala.Aaminin ko gusto ko kayang masira,para bumalik ka sakin.Pero pano ko gagawin yon!?Mahal na mahal mo sya eh.Kaya mag-isa na lang ako,kaya gusto ko na lang mamatay!"umiiyak na pahayag pa ni Julia.

Nilapitan ni Joshua ang ex,saka niyakap nang mahigpit. Nalulungkot sya para dito,hindi nya alam na napakabigat na pala talaga nang pinagdadaanan nito. Nakokonsensya sya dahil may kontribusyon sya kung bakit ito nangyayari kay Julia ngayon. Bahagi sya nang kalungkutan nito..

Minabuti ni Joshua na magstay upang mabantayan si Julia,dahil alam nyang kailangan sya nito ngayon. At nang makatulog na ito,inaya naman sya ni Mama Amor sa labas upang makapag-usap tungkol kay Julia ayaw siguro nitong marinig ni Julia ang sasabihin nito.

"Joshua,Salamat sa pagpunta mo.May gusto sana akong sabihin sayo!"ani Mama Amor.

"Tungkol po ba ito kay Julia!?"sagot ni Joshua.

"Natatakot ako Joshua na baka maulit ito. Sana matulungan mo ako, alam kong unfair ito para sayo.Pero kailangan ka ni Julia,kailangan ka nang anak ko!"umiiyak na sabi ni Mama Amor. Tila wala naman na boses ang lumalabas kay Joshua,hindi nya alam ang isasagot nya. Paano naman si Janella?Ang babaeng totoong laman ng puso nya.



Buong gabing di makatulog si Joshua,dahil sa nangyari kay Julia. Hindi nya alam kung paano ipapaliwanag kay Janella ang lahat. Ayaw nyang isa sya sa maging dahilan,para piliin ni Julia ang mawala na sa mundo.Pero ayaw rin nyang saktan si Janella.Lalo na at si Mama Amor ang humiling,na naging mabuti naman sa kanya kahit noong sila pa nang anak nito. Mabigat ang loob at magulo ang isip ni Joshua ngayon Wala syang mapagsabihan,dahil di pa rin sumasagot si Maris sa text nya na kung pwede nya itong tawagan. Gusto nyang makausap ang kapatid,dahil hindi pa rin naman nya alam paano sasabihin kay Janella ito.

Kahit papano nakaidlip naman sya,pero madaling araw na din nang makatulog sya. Makalipas ang halos isang oras lamang nang tulog ,nagising na sya dahil sa ring nang cellphone nya.Tumatawag kasi si Maris,na gusto na nyang makausap kagabi pa.



Itutuloy......

Masbumibigat ang mga nangyayari. Sino ang pipiliin ni Joshua?

For more updates, kindly follow me lang po Kakagofredo28

Thank you my Dear Readers 😘😘😘😘

When The Time Is Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon