Tunay ang nararamdaman ni Joshua para kay Janella.At gusto nyang patunayan ito sa dalaga,kaya pursigido syang ipakita ang pagkagusto dito.Kahit na di nya iyon nasabi nung unang beses na lumabas silang dalawa.
Pagkatapos nga nang unang date nga nila nagpadala na rin sya nang flowers para sa dalaga sa bahay muna nito.
"Ma'am may nagpadala po nang bulaklak!"masiglang sabi nang katulong nina Janella sa kanya.
"Ha!?Kanino galing!?"pagtataka ni Janella.
Agad naman nyang nakita ang card at nalaman na galing kay Joshua ang flowers.Hindi nya tuloy maiwaasan ang mapangiti,at tahimik na kiligin. Pero di naman malinaw sa kanya kung nanliligaw ito,dahil wala naman itong sinasabi. Pero sa mga ikinikilos nito,pakiramdam ni Janella ay may gusto ang binata sa kanya.
Dinala ni Janella ang flowers sa kwarto nya,saka nilagay sa vase at inilagay sa ibabaw nang coffee table nya na nasa terrace sa labas nang kwarto nya.Maya-maya pa ay tumunog ang phone nya,saka binasa ang katatanggap lamang na message.
"Good morning. Sana nagustuhan mo!" Text ni Joshua
Hindi alam ni Janella kung bakit,pero sa tuwing may kinalaman kay Joshua ay kusa syang napapangiti.Kasabay nang mabilis na tibok nang puso nya.
"Thanks!"maikling reply nya.Kinikilig sya,di nya first time makatanggap ng flowers pero iba kapag galinf jay Joshua.
Kinabukasan,maagang pumasok sa trabaho si Janella. Maganda ang gising nya, kaya excited syang pumasok.
Pagdating nya sa opisina, nadatnan na nya doon si Maris na busy sa harap ng computer nito.
"Good morning Mam !"bati nito.
"Good morning Maris!"sagot naman ni Janella na kunwari ay seryoso ang mukha.
"Mam Janellaa,may padala pala si Kuya!"ani Maris hawak ang isang paper bag saka ipinatong nya ito sa ibabaw nang table nito.
"What's this!?"tanong nito..
"For your lunch daw po, sige mam labas muna ako tawagin nyu lang po ako kapag me kailangan kayo!"ani Maris,na pagkatapos ibigay ang padala nang Kuya nya para dito saka sya ay lumabas na din anng opisina nito.
Naiwan si Janella sa loob nang magara nyang opisina,marami syang gagawin today.Kaya baka late nanaman syang makapaglunch,kaya good thing na nagpadala nanaman si Joshua nang food.
Pinagluto sya ng binata nang pork adobo with rice para sa lunch nya.Natutuwa naman sya sa effort nang binata,kahit na wala pa naman itong sinasabi about sa talagang intensyon nito sa kanya.
Tutok lamang sa harapan nang laptop ang dalaga,habang nagtatype nang report nya. Hindi nya na namamalayan ang oras dahil sa sobrang busy,nagpatimpla lang sya nang cofee kanina kay Maris around 9 am. Kaya di na nya namalayan ang oras.Maya-maya ay nakatanggap sya nang tawag mula kay Joshua.
"Hello!"sagot ni Janella..
"Hi,kumain ka na ba!?"tanong ni Joshua mula sa kabilang linya nang telepono.
"Ha!?"untag ni Janella,saka tiningnan ang oras sa sariling relo.Alas dose na pala nang tanghali.
"Kumain ka na,hindi puro work. Kailangan ingatan ang sarili!"paalala ng binata.
"Di ko namalayan oras. Sobrang busy kasi!" Paliwanag naman ni Janella
"Naku,kain ka na! Oh sige para makakain ko na,baba ko na tong phone...!"ani Joshua
Pagkatapos at sinimulan na nga ni Janella ang pagkain. Hindi nya maexplain sa sarili nya,pero tila natutuwa sya talaga sa mga ginagawa ni Joshua para sa kanya.
Bigla nya tuloy naalala ang bestfriend nya, kung nandito lang kasi siguro ang kaibigan.Marami na syang words of wisdom na narinig nanaman sa kaibigan. Palagi kasi itong handang umalalay sa bawat desisyon na gagawin nya.Kahit na sa huli,sya pa rin naman ang nasusunod kaya sya nasasaktan.
Lumipas pa ang mga araw,patuloy pa rin si Joshua sa paggawa nang paraan upang mapalapit kay Janella.Araw-araw nyang pinagluluto nang lunch si Janella,at palagi din syang nagpapadala nang flowers sa bahay nito.
Pero after nun kumain na sila sa labas,ay di na ulit sila nagkita dahil sa conflict schedules nila. Palagi kasing conflict ang schedule nilang dalawa,kaya nang magkaroon nang chance ay agad inaya ni Joshua ang dalaga na lumabas.
Sa dating restaurant muli nagkita sina Janella at Joshua.
"I'm sorry,I'm late...!"untag ni Janella na 15 minutes late sa usapan nila.
"Hindi,okay lang...Pinag-order na kita nang food pala"ani Joshua,alam nya naman na kung ano ang gusto ng dalaga. Sa araw-araw ba naman na pinapagready nya ng food ang dalaga.
"Okay,thanks!"sagot naman ni Janella.
"Kamusta pala!?"untag ni Joshua,habang sineserve na sa kanila nang waiter ang mga pagkain na inorder nila.
"Okay naman..."tugon ni Janella saka ngumiti.Medyo may awkward feeling na rin sya, gusto nya nang tanungin ang binata kung ano ang dahilan ng mga ginagawa nito.
"Janella,may gusto sana akong sabihin!"usal ni Joshua,kinakabhan sya pero dapat na nyang sabihin dito ang totoo.Siguro din ay nagtataka na rin ito,kung bakit sya nageeffort nang ganito.
"Ano yon!?"tanong naman ni Janella.
"I like you...!"pag-amin ni Joshua
Ilan segundo pa ang lumipas,bago nakapagsalita si Janella.Totoo ba ang narinig nya?
"What!?"untag ni Janella
"Sabi ko,gusto kita. Pwede ba kita ligawan!?"ani Joshua,kahit kinakabhan pa sya. Gusto na nya talagang ipaalam sa dalaga ang totoong intensyon nya dito.
"I'm sorry Joshua.... Pero sigurado ka ba!?"ani Janella.Halata dito na nahihiya sya.
"Oo naman!"mabilis na sagot ni Joshua.
"Okay lang bang pag-isipan ko muna!?....Ayaw ko kasing magpadalus-dalos,ayaw kong magkamali.Dahil nagpromise ako sa sarili ko na,kung magmamahal ako muli.Gusto ko sya na talaga!"paliwanag ni Janella.
"Oo naman,hindi naman kita minamadali!"sagot ni Joshua.
"Thank you Joshua!"untag naman ni Janella.
Makalipas ang gabing iyon.
Tila di naman maintindihan ni Joshua ang sarili sa kanyang nararamdaman. Masyado ata syang nagmadali ata agad na tinanong ang dalaga kung gusto nitong magpaligaw sa kanya.
Pagkagaling nga sa dinner nila ni Janella ay pinuntahan nya ang kapatid.
"Kuya,So hindi pa sya pumapayag na manligaw ka!?"untag ni Maris.
"Yes! Sa tingin mo sapat na yung time para sabihin kong gusto ko sya!?"ani Joshua sa kapatid.
"Kuya,hindi naman sa mabilis ka. Pero siguro hayaan mo muna syang mag-isip. Alam ko naman na seryoso ka sa kanya,saka grabe yung pagkikita nyo. Sobrang hindi inaasahan, at alam kong pinanalangin mo na makita na ang babaeng gusto mo. You really like her,mukhang mahal muna nga eh. Sa dami ng effort na ginagawa mo. Hindi ka naging ganyan sa mga ex mo ka effort!"litanya ni Maris. Kilala nya ang kuya nya,at naeexcite nga sya para sa lovelife nito. Ayaw nya iclaim pero nararamdaman naman nya si Janella na sumasaya ito sa simpleng efforts ng kuya nya.
"Salamat Maris!"sagot naman ni Joshua.
Itutuloy.......
BINABASA MO ANG
When The Time Is Right
FanficIsang di inaasahang pangyayari ang babago sa buhay ni Janella.Paano nya ito haharapin?Kung mawawala na ang kaisa-isang taong akala nya ay never syang iiwan. Pero paano kung may ibang dumating na handang ibigay ang happiness na matagal nang nawala sa...