Chapter 28

69 5 0
                                    


Excited na sinalubong ni Janella ang boyfriend na si Joshua.They kissed,obviously miss na miss talaga nila ang isa't-isa.Pagkatapos noon nagyakap na sila nang sobrang higpit,halos mabuhat ni Joshua ang nobya.

"Imissyou love!"ani Janella

"I miss you too love!"malambing na sagot naman ni Joshua,pilit na tinatago ang lungkot.Alam nya kasing baka yun na yung isa sa mga huling memories nila ng nobya nya na magkasama pa. Kaagad na nyang Binitbit ang mga gamit ni Janella.

Magkahawak kamay ang dalawa,habang naglalakad patungo sa sakayan.

"Love,gusto ko sanang mag-out of town kasama ka! Sa malapit lang tayo,gusto ko sana sa Baler eh!"ani Joshua.

"Kelan ba!?"tanong ni Janella.

"Now!"sagot ni Joshua.

Plano talaga ni Joshua na for the last time ay makasama si Janella sa isang out of town. At sisiguraduhin nyang magiging masaya iyon. After na lang siguro non saka nya sasabihin ang lahat sa nobya.Kung paano?Ewan hindi pa nya alam. Basta bahala na muna.

From airport,dumiretso ang dalawa sa Baler. Alam naman ni Maris ang plano nang kapatid nya,suportado nya ito  sa lahat pero hindi sa desisyon nitong talikuran si Janella para lang kay Julia.Pero mukhang buo na ang desisyon nito,kaya wala na syang magagawa. Nalaman nyang nasa bahay nila si Julia,at di nya talaga kayang magpigil gusto nyang kausapin ito. Ang panira sa favorite loveteam nya.

Sa Baler.  

Alam ni Joshua na pagod ang nobya nya,kaya agad silang nagcheck in sa Costa Pacifica upang makapagpahinga na ito agad. At sa pagod,agad naman nakakuha nang mahimbing na tulog ang dalaga.Habang si Joshua tahimik lamang na pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na si Janella.Masakit para sa kanyang piliin ang iba,mahal na mahak nya talaga ito..Nangako pa naman sya dito na wala silang ending,kundi happy lang. Pero sa huli sya rin pala ang unang bibitaw. Hindi nya tuloy maiwasan ang maiyak,sa isipin na ilang araw na lang tuluyan ng matatapos ang pagmamahalan nila ni Janella. Dahil isusuko na nya ito alang-ala sa buhay ni Julia. Sinabi kasi ng pyschologist na,sa sitwsyon ni Julia ngayon kailangan nito ng kaibigan o taong makakaramay. Taong makakaintindi sa sitwasyon ni Julia ngayon.

Kinabukasan sinimulan agad nina Joshua at Janella ang magbonding,since nasa front lamang nang hotel na tinutuluyan nila ang beach.Inuna na nila ang pagligo sa beach,pagkatapos naman ay nilibot nila ang iba't-ibang tourist destination sa Baler at sa ibang bayan nang Aurora na malapit lang din sa lugar kung nasaan sila. Sa unang araw nang libot nila,narating nila ang mga rock formation sa Diguisit,ang ermita hills at hangin bridge. Sa 2nd day naman ay pinuntahan nila ang mother falls sa bayan nang San Luis at Balete Tree sa Maria Aurora.At sa 3rd and last day nagpunta naman sila sa Dinadiawan beach sa Dipaculao,Aurora.Nagrent lamang sila nang tent upang doon mag-overnight sa tabing dagat. Sinulit ni Joshua ang mga araw na kasama ang taong tunay nyang mahal.

"Bukas love uuwi na tayo nang Manila,back to work,back to reality!"ani Janella habang kumakain nang hotdog na inihaw nila ni Joshua.

"Oo nga eh,nag-enjoy ka ba!?"tanong ni Joshua.

"Syempre ikaw ang kasama ko eh!"sagot naman ni Janella.

Tumabi si Joshua kay Janella sa pagkakaupo nito sa parteng pasukan nang tent.Niyakap nya ito,nang mahigpit pero wala syang sinasabi.

"Why"nakangiting sabi ni Janella.

"Mahal na mahal kita love,palagi mong tatandaan yun ha!'malungkkot na sabi ni Joshua.

"Why sad!?"pagtataka ni Janella.

"Gusto lang kitang yakapin,para pagbalik natin sa reality. Baun-baon ko pa din kita.. I love you Janella ko!"ani Joshua na mahigpit pa rin ang yakap sa nobya.

"love,may sasabihin ako.Hindi ko alam kung paano ko sisimulan!"sabi muli ni Joshua

"Tungkol saan ba!?"ani Janella

"janella ko,mahal na mahal kita! Ikaw lang ang nag-iisang babae na minahal ko nang ganito!"mangiyak ngiyak napahayag ni Joshua.Humarap sya sa dalaga,habang hawak ang dalawang kamay nito.

"Bakit naiiyak ka!?"natatawang litanya ni Janella sa nobyo.

"Because,I love you.... Pero kailangan kong pumili!"naiiyak na sabi ni Calvin.

"Anong ibig mong sabihin?Hindi ko naiintndihan!?"tila nawala naman ang ngiti sa mga labi ni Janella. 

"I'm sorry love,pero kailangan ako ni Julia ngayon. Mahal na mahal kita pero maskailangan nya ako ngayon!"lakas loob na litanya ni Joshua.

Tila hindi agad nakapagsalita si Tanya sa narinig, napayuko sya.Saka tuluy-tuloy na tumulo ang mga luha. Gusto na lang nyang iiyak,ang nararamdaman.Kanina lamang kasi ay okay sila ni Joshua,pero ngayon sinasabi nitong kailangan sya ni Julia.

Muling niyakap ni Joshua ang nobya,habang kapwa sila umiiyak.Kahit na alam nyang kahit gaano kahigpit ang yakap nya,hindi nito mapapawi ang sakit. Dahil kailangan na nyang bitawan si Janella,para mailigtas ang buhay ni Julia. Unfair ito para kay Janella,pero kailangan nyang magdesisyon.

"Mahal na mahal kita Janella, hindi madaling sabihin na hanggang dito na lang tayo.Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay,pero hindi kakayanin nang konsensya ko kapag nagpakamatay ulit si Julia. Wag kang mag-alala ipagdarasal ko na makahanap ka nang lalaking hindi ka iiwan hanggang dulo!I'm sorry love. Hindi ko alam kung pano ko to sasabihin sayo ng di ka masasaktan. Pero alam kong kahit anong salita pa,alam kong masasaktan pa rin kita!"umiiyak na litanya ni Joshua Napakasakit sa kanya nang naging desisyon nya. Unfair ito para sa kanya,at para sa kanilanh dalawa ni Janella.Pero mahirap maging masaya,kung alam mong may taong miserable.

"Hindi ko alam ang isasagot ko Joshua.... Masaya naman tayo eh, pero bakit nangyayari to!? Ang sakit eh.....,sobrang sakit.Gusto kong sabihin sayong ako ang piliin mo,pero alam ko rin na final na ang decision mo. At gusto kong intindihin,dahil buhay nang tao ang nakasalalay dito!"emosyonal pa rin na pahayag ni Janella.Pagkatapos noon ay pumasok na sya sa loob nang tent,wala na syang gustong marinig mula kay Joshua dahil alam nyang masasaktan lang sya.

Kung nang mga nakaraan na araw,mahigpit na yakap na puno nang pagmamahal.Sa huling gabi nila sa Aurora, nakatalikod si Janella kay Joshua.Halos buong gabi yata silang umiiyak na dalawa..Nasasaktan pa rin sya,kaya tahimik syang umiiyak.Alam ni Janella na ganun rin si Joshua.

Kinabukasan,tila walang gustong magsalita. Tahimik ang byahe nila, hanggang sa marating nila ang Manila.

Sa labas nang gate nila Janella.

"I'm sorry Janella,I love you always. Pero hanggang dito na lang tayo!"ani Joshua saka hinawakan ang kamay nito bago pa man bumaba nang kotse nya.

"Naiintindihan ko....!'garalgal ang boses ni Janella. Saka nagmadaling bumaba nang kotse,hindi na nya nilingon pa si Joshua dahil baka makita pa nito ang pag-iyak nya.

Itutuloy.......

When The Time Is Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon