Gangster Queen 84

710 13 1
                                    


Gangster Queen 84

Han

Ngumiti lang ulit ako kay jeo saka nag paalam na gagawa ng meryenda nya pumayag naman sya agad akong tumakbo sa bahay saka ginawa ang meryenda ni jeo pabalik na sana ako ng makasalubong ko si nanay medea.

"Kayo po pala nay" sabi ko sa kanya agad ko syang pinaupo sa upuan nag pasalamat naman sya at ngumiti lang ako.

"May kailangan po ba kayo nay?" Tanong ko sa kanya.

"Hija? Kamusta ka nitong mga nakaraang araw?" Tanong nya saken.

"Ayos naman po ako nay, minsan po sumasakit ang ulo ko pero hindi naman po ganun ka seryoso kaya ayos lang po ko." Sabi ko sa kanya hinawakan nya ang kamay ko saka hinimas yun.

"Nay ayos lang po ba kayo??" I ask her muka kasi syang may tinatago??

"Ayos lang ako anak pero sana wag kang mag tanim ng galit sa puso mo," she said saka ako niyakap.

"Opo naman po nay hindi po mangyayari yun pangako" i said and i hug her back.

Humiwalay na sya sa pagkakayakap saken saka ako nag paalam sa kanya na ibibigay ko lang ang pagkain ni jeo pumayag naman sya naabutan ko si jeo na may kausap sa telepono at bakat sa muka nya ang galit.

"Ano!? Hindi ba ang utos ko ay patayin nyo!?"

"Oo! Sya nga!!"

"Ang bobo nyo naman! Simpleng utos hindi nyo pa magawa!"

"Ako ang pupunta! Oo ako mamaya!"

"Tangina mga bobo!!"

Nagulat ako sa mga pinag sasabi ni jeo sa totoo lang eto ang unang pag kakataon na narinig ko syang nag mura at nagalit ng ganun, pero sino anh ipapatay nya?

Ahh baka sa trabaho nya yun isang meat vendor kasi si jeo kaya baka yun at nakatakas lang ang papatayin nya tama baka yun nga huminga ako ng malalim saka nag lakad papunta sa mini house kung saan lagi si jeo nag lalagi.

"Kanina ka pa ba jan han?" Kinakabahan nyang tanong saken

Ehh?? Bakit naman sya kinakabahan??

"Ahh.. Hindi naman kararating ko lang kinausap kasi ako ni nanay kanina kaya natagalan ako, ohh kain ka na" sabi ko sa kanya saka ko nilapag ang tray na may pagkain at inumin nya.

"Ano namang pinag usapan nyo ni nanay??" Tanong nya saken saka ininom ang juice nya.

"tungkol sa aming babae lang yun kaya wag mo ng intindihin yun" sabi ko sa kanya

"Hmm.. Nga pala han?"

"Hmmm..?" I answer

"May pupuntahan ako mamaya at baka bukas na ko ng umaga makauwi, ayos lang ba sayo na ikaw muna mag aalaga kanila nanay?" Tanong nya saken

Yun ba yung sinasabi nyang pupuntahan nya??

"Sige walang problema saken yun" sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Salamat han, mahal na mahal kita" sabi nya saken saka ako hinalikan sa noo napapikit ako sa ginawa nyang yun ewan ko pero hindi ako komportable.

"ako din jeo mahal din kita at walang anuman" sabi ko sa kanya

Nag kwentuhan lang kami about sa kung anong plano namin para sa aming dalawa dumating ang gabi at nag paalam na syang aalis sya tumango naman ako saka hinyaan syang umalis. Natulog ako sa kwarto ko hiwalay kasi ang kwarto ko kay jeo si geo ang katabi ko samantalang sila nanay medea naman at si tatay julio ay nasa kabilang kwarto din.

Simple lang naman ang bahay nila jeo hindi sya barong barong kumbaga bahay talaga na may kalakihan. May kaya kasi sila jeo kaya hindi na ko nag tataka nag pasya akong lumabas ng kwarto saka pumunta sa pinto kung saan andun ang kwarto ni jeo, hindi ko alam bakit off limits ako dito.

Basta ang sabi nya lang saken ay wag akong pupunta ng kwarto nya kapag tinatanong ko sya bakit ay hindi nya ko sinasagot at lagi nyang binabago ang usapan namin. Bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig ko ang boses ni geo.

"Ate anong gagawin mo sa kwarto ni kuya jeo??" Inaantok na tanong nya saken.

"Sisilipin ko lang sana ang kwarto ni jeo, pwede ba yun??" tanong ko sa kanya.

"Naku ate wag na! Tara na bumalik na tayo sa kwarto magagalit si kuya jeo kapag pumasok tayo jan" sabi ni geo saken saka hinila ang kamay ko.

"Pero geo gu---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng may mag salita sa likod ko.

"Tama sya han sundin mo na lang ang sinasabi ng batang yan" sabi ni tatay julio saken

"Kayo po pala tay." Sabi ko sa kanya saka umayos ng tayo.

"Bumalik na kayo sa kwarto nyo." Utos nya samen ni geo

"Sige ho tay" sabi ko saka sumunod kay geo pabalik ng kwarto wala na kong nagawa kundi ang tingnan ang pinto ng kwarto ni jeo.

Ng makapasok kami ni geo ay agad naman syang humiga sa kama at nag tago sa ilalim ng kumot, bumuntong hininga na lang ako saka humiga sa kama.

Kinabukasan ay inantay ko si jeo bumalik pero wala hanggang sa isang lalaki ang pumunta sa dereksyon ko nag tataka akong napatingin sa kanya.

"Kayo po ba si ms.Han??" Tanong nya saken

"Ako nga sila po sila??" Tanong ko

"Ahh, pinabibigay po ni sir jeo sayo busy pa po kasi sya sa trabaho bilhin nyo daw po ang gusto nyo gamit ang perang yan. Mag iingat po kayo mam han" sabi nya saken

"Teka! Nasan si jeo??" Pahabol na tanong ko

"Busy pa po sya mam mauuna na ho ako" magalang na sabi nya saken.

Tumango na lang ako saka hihinayaang umalis ng mawala sya sa paningin ko nakakapanibago ang naging araw na yun para saken. Hindi ko sinunod ang pinapasabi ni jeo nag stay lang ako sa bahay at inantay si jeo pero wala pa ring jeo na dumating.

"Kumain ka na muna hija" Yaya saken ni nanay medea

"Mamaya na lang po ako nay, inaantay ko po kasi si jeo" Sabi ko sa kanya

"Hija tingin ko ay mukang matatagalan sya ng pag uwi kaya wag mo na lamang syang intayin, baka magalit pa yun. Kapag hindi ka pa kumain" Paalala saken ni nanay medea napayuko na lang ako saka sumunod sa kanya.

Jeo asan ka na ba??

GANGSTER QUEEN ♕ BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon