Tumatakbo akong lumayo sa kalaro kong si Connor. Tumingin tingin ako sa paligid ngunit wala akong nagustuhang lugar para pagtaguan. "10! Ready or not, here I come~" Narinig ko pang sabi niya bago ako dali daling lumabas ng back door ng bahay nila. Mahina ko itong isinara saka tumingin sa paligid.
Tumakbo ako sa likod ng isang puno at nagtago.
Tinakpan ko yung bibig ko gamit ang kamay ko at pilit pinigil ang pagtawa. Mag dadalawang minuto na pero hindi niya pa rin ako nahahanap hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng back door na dinaanan ko kanina.
"Kai, nasaan ka na?" Tanong ni Connor. Dahan dahan akong sumilip. Lumabas na rin siya galing sa loob ng bahay nila. Napatawa ako nang bahagya sa hitsura niya. Parang naiinis na siya.
Ayaw niya nang nahihirapan kaya naman nakakunot na ang noo niya. Bata pa lang siya pero ganyan na siya na mainipin.
"Psst!" Tawag ko sa atensyon niya bago bumalik sa pagtatago.
Narinig ko ang bawat yabag niya na parang papalapit na siya sa pinagtataguan ko. Napangiti ako.
"Gotcha!" Proud niyang sabi habang hawak ang balikat ko.
Tumawa kaming dalawa. "Ang daya mo talaga, Kuya Connie!" Reklamo ko. 12 years ako at siya naman ay 13 years old. Oo, medyo matanda na kami para sa larong Hide and Seek pero dahil nakasanayan na naming gawin ito simula nang makabalik ako nung 9 years old ako, ginawa na naming tradition ito.
"Bakit?" Tanong niya.
"I always need to give you hints or else, maiinis ka sa akin." He gave me his boyish smile. Yung smile na dahilan kung bakit crush siya ng kaklase kong si Nadine... at kung bakit palaging bumibilis ang puso ko.
Kinurot niya yung pisngi ko. "It's just that I don't want to be apart from you." Dug Dug
I held in my breath. I'm sure namumula na naman ako.
"Then don't play hide and seek," Sabi nang paparating na si Kuya Jared. "They're looking for both of you. It's Dinner time." He's my second cousin. Kapatid kasi ng lolo ko ang lola niya. He's older than Connor and me. I believe he is 15 years old na pero ganun pa man, sumasama pa rin siya sa amin pati na rin si Audrey na kapatid niya. Kasing edad ko lang siya pero hindi kami ganoon ka-close. She doesn't really talk me and sometimes, I would see her glaring at me.
She only talks to Connor and of course, to her Kuya Jared. Tulad ngayon, kahit nasa iisang lugar lang kami, hindi siya nakikipaglaro o nakikipag usap man lang sa akin.
Nasa beach house kami na pag aari ng pamilya nina Connor – ang mga Peters, ang family friend ng Wang Family. Parte ng malaking business ni Lolo ang Daddy ni Connor kaya naman naging kaibigan na rin namin siya. And for that, I'm thankful. Hindi ko na kasi kaya ang turing ni Audrey sa akin kapag nasa Wang Estate kami. At least, kahit every summer lang, mayroon akong mga makakalaro.
"Tara na." Kinuha ni Connor ang kamay ko at hinawakan ito. Napangiti ako.
Sumunod kami kay Kuya Jared pabalik sa loob ng bahay. Dumiretso kami sa Dining area nang hindi pa rin binibitawan ang kamay ng isa't isa.
Ngumiti lang si Daddy at ang parents ni Connor nang makita nila kaming magkahawak ng mga kamay. "Mukhang secured na ang mga pamilya natin ah?" Natatawang sabi ni Tito Anthony.
I looked up at Connor and smiled. I hope we always stay this way.
──────────
"Earth to Kai? Earth to Kai?" Marga snapped her fingers. Napatingin naman ako sa kanya. "You zoned out again." She told me.
Napasapo ako sa noo ko. "Sorry, Marga. I was just thinking –"
YOU ARE READING
Secret Garden ❘ d.k.
RomanceStarted Writing: 11/08/18 First Published: 12/15/18 Done Publishing: ---