Chapter 5

294 26 6
                                    

Ipinatong ko yung mukha ko sa kamay ko sa la mesa. I sighed. Kulang na kulang ako sa tulog.

Pumikit ako. Nasa library kami ngayon at kasalukuyang naghahanap ng libro ni Rizal.

"Kai." Tawag sa akin ni Marga kaya iminulat ko yung isang mata ko. "Hmm?"

"Nagmumukmok ka na naman ba?" Nakakunot yung noo niyang tanong.

Hindi ako sumagot. Pumikit lang ulit ako.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Ano ba gagawin ko sa'yo?" Narinig kong tanong niya sa sarili niya.

Umalis muna si Marga para maghanap ng libro habang naiwan naman akong nakayuko sa la mesa.

May kumalabit sa balikat ko. "Marga, inaantok pa ako."

"Ahh? Talaga ba? Gusto mo ibili kita ng coffee? O gusto mo ihatid nalang kita sa clinic?" Napaayos ako ng upo at tinignan ang lalaking kumakausap sa akin.

Nakasuot siya ng gray na coat. Ibig sabihin, junior high pa lang siya at nakumpirma ko nga ito nang mabasa ang nakalagay na 10 sa collar niya. Ngumiti siya sa akin saka tumabi sa akin. May ibinaba siyang box ng chocolates sa table sa harapan namin. "Para sa'yo, Kai."

Hindi ko mapigilan na mapabuntong hininga. Akala ko naman kung sino na.

"Sorry, hindi ko matatanggap yan." Mukhang nagulat naman siya.

Maraming lalaking estudyante dito sa Lyndon ang nagbibigay sa akin ng kung ano ano at palagi kong tinatanggap iyon kahit alam ko naman na hindi ko kakainin o gagamitin ang mga ito. I've always been polite. Hindi ko sila sinasaktan pero hindi ko rin pinapaasa.

"Oh." Tanging nasabi niya nalang. Mukha naman siyang nalungkot kaya nang patayo na siya, hinigit ko yung dulo ng coat niya. "Samahan mo akong kainin yan." Sambit ko.

Muling nagliwanag ang mukha niya. May pimples siya at nakasuot ng eyeglasses at may pagka-nerd ang dating but don't get me wrong, cute siya but he's not my type. May pagkascrawny siya at mukhang may lahi pero hindi maipagkakailang, mas bata siya sa akin.

Umupo ulit siya at binuksan ang box ng chocolates na dala niya. Kahit walang gana, kumuha ako ng isa at ngumiti sa kanya.

"Hindi ko akalain na makakatabi ako sa'yo at makakasabay ka pang kumain." Masayang sabi niya.

Pilit ko siyang nginitian at hindi na nagsalita. Hay!

"Shiekaina,"

May tumawag sa pangalan ko. Pagtingin ko sa harapan, nakatayo si Connor kasama si Audrey.

Anong ginagawa niyan dito? Hindi naman nag aaral dito yan ah?

Sumama naman lalo ang mood ko. Tch!

Mukhang napansin naman ni Audrey ang pag init ng ulo ko dahil kumapit pa siya sa braso ni Connor.

"Hi, cousin." Bati niya na may kasamang plastic na ngiti. Audrey Chanel Bruscamante. Ang ganda ng pangalan pero ang pangit pangit ng ugali.

"Hi." Matamlay na sagot ko. Kumuha ulit ako ng chocolate sa harapan ko at bumalik sa pagkain.

"Kai." Tawag uli sa akin ni Connor.

"Yes, kuya?"

"Sino siya?" Tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako na mukhang ikinagulat niya. "Hindi mo siya kilala pero kung makadikit ka sa kanya at makakain sa bigay niya akala mo boyfriend mo siya." Medyo tumaas ang boses niya.

Nasa library kami. Ano bang iniisip niya? Kapag siya napagalitan ng librarian!

Napaubo yung lalaki sa tabi ko. Nasamid yata sa sinabi ni Kuya... o sa masamang tingin niya.

Secret Garden ❘ d.k.Where stories live. Discover now