Ilang araw na ang nakalipas simula nang pagkaguluhan si Marga sa mall. Pagbaba rin kasi namin ng escalator, nagtilian yung mga high school students na naggagala nang madaan sa harap namin. Niyapos pa siya nung isa.
Hanggang ngayon parang walang kagana gana sa buhay si Marga. I mean, normal na naman sa kanya yung mukhang bored pero yung ngayon, lalong nagsisiilagan yung mga madadaan sa harapan namin na mga estudyante.
Yung kaklase nga namin kanina na in-assign ng teacher namin na kapartner ni Marga sa recitation halos itulak na ni Marga sa labas ng bintana, huwag lang madikit sa kanya eh. Na-trauma yata! HAHAHAHAHA!
"Marga, tulungan mo kaya ako." Sabi ko kay Marga na kausap ko sa phone. Nagpaiwan kasi sa classroom at ako nalang yung pinapuntang library para hanapin yung libro sa Chemistry.
"I can't, Kai. I'm exhausted."
"Sino ba nagsabi sa'yo na mag-drag race ka kagabi?" Paalala ko sa kanya.
"I was annoyed. I needed to vent out."
"Vent out? You mean, crash your car?"
"I told you, may pusang dumaan!" Umiling iling nalang ako.
"Palusot dot com. Aysus!" Pang aasar ko sa kanya.
Magaling si Marga sa lahat ng bagay na gustuhin niyang gawin pero may isang exception doon. Iyon ang pagda-drive. Kaskasera kasi yan, in a bad way. Hindi yung mala-fast and furious na pagda-drive. Kaskasera as in tila hindi marunong magmaneho. Drag race, drag race, lagi namang natatalo. Pero syempre hindi ko na sasabihin yan, baka mabatukan pa ako eh. >3<
"Ewan ko sa'yo. Just get the damn book and come back here."
"Okie. Paba—" *doo.doo.doo.doo*
Bastos na babaeng yun! Hindi pa ako nakakapagbabye eh! Tch! ><"
"Psst, Luna..." May sumitsit sa akin. Tumingin ako sa left side ko, wala. Sa right side din, wala.
"Psst!" Sutsot niya ulit.
Sumilip ako sa bookshelf sa harapan ko. Tagos kasi ito sa kabila.
Nakangisi si Zeke doon sa kabila. "Hi, Luna." Sabi niya.
Luna daw. "Who are you calling Luna, panget?"
Ngumuso siya. Sus, kapal ng labi, akala mo nasapak kaya namaga eh. "Ikaw syempre. May iba pa bang Luna dito?"
Kumunot yung noo ko. Baliw na yata 'to! -___-
"My name is not Luna. Ako si Sh—"
"Shrek? HAHAHAHAHAHA!" Aba bastos 'tong damuho na 'to ah?! ¬_¬
"Taong pader." Sagot ko.
"Luna," Sabi na naman niya. "Lunatic."
Kainis na 'to. Isiniksik ko nga yung librong hawak ko sa pagitan ng mga libro para hindi ko na makita yung pangit niyang mukha. Tumawa lang siya sa kabilang side ng bookshelf.
May sakit sa utak. Ano ba nakita ni Connor at ng mga may crush sa panget na yan? Parang six footer lang na toddler eh. Laking isip bata. =_____=
Naglakad na ako at lumipat ng isle. Sana mahanap ko na yung libro, gusto ko nang balikan si Marga para masimulan na namin yung activity eh.
Inisa isa ko yung bawat level ng bookshelf sa harapan ko at binasa yung bawat title nung libro. Kung bakit kasi ang pihikan nung teacher namin. Pwede naman yung nasa textbooks nalang namin eh o hindi kaya, hindi ako yung inutusan niya para sa librong kukuhanan niya ng activity!
Tumingin ako sa pinakataas. Ayun! Ayun daw yung title eh! Yun din yung kulay!
Pilit kong inabot ito kaya lang sa liit ko, baka sumubsob lang ako kakatalon sa mga libro sa harapan ko. Kung bakit kasi hindi ko namana yung height ni Daddy at Lolo eh!
YOU ARE READING
Secret Garden ❘ d.k.
RomanceStarted Writing: 11/08/18 First Published: 12/15/18 Done Publishing: ---