Nakahinga rin ako sa wakas nang matanaw ang estate. Ang tagal kong pinigil ang paghinga. Paano ba naman kasi kung makapagmaneho siya, akala mo nagkikipagkarera. Ilang driver rin ng mga sasakyan ang pinagsisigawan kami dahil sa pagmamaneho ni Zeke.
"You can relax now." Aniya. Alam niya palang grabeng takot ang binigay niya sa akin so ibig sabihin, sinadya niya!
Hinampas ko yung braso niya. "Are you crazy?! Bakit ganun ka nalang magdrive? Do you want to kill me?!"
"That actually sounds like a good idea." ARGH! Kinurot ko yung braso niya, causing him to yelp in pain. "Ahh! What the hell, woman?" Itinigil niya yung motor niya bago pa man kami makarating ng bahay.
"Bakit? May angal ka? I'm telling you Zeke, I'm still me! Hindi mo ako mabubully bully nalang dahil sa set up nating ito. I won't let you bully me or other people anymore!" Parang hihingalin na ako sa haba ng sinabi ko.
Tinignan ko siya kasi hindi siya sumasagot tapos ayun pala, tinanggal niya yung helmet niya! ARGH!
Dali dali akong bumaba ng motor niya at hinubad yung helmet niya. I hastily shoved his helmet on his chest, causing it to fall on the ground. "You annoy me!" I yelled at him.
Nakakaasar yung reaksyon na nakuha ko sa kanya. Ngumisi lang siya na parang natutuwa pa siya na galit na galit ako.
I kicked his knee. "Sana tadtarin ka ng pimples sa mukha para hindi ka na maging "in demand" kahit kailan!" Again, I got nothing. Nakangisi lang siya. Hindi man lang siya nag-flinch nung sipain ko yung tuhod niya. Palibhasa wala siyang puso, atay, balun-balunan at kung ano ano pa! Isa siguro siyang robot na walang pakiramdam!
I turned around and huffed. "Panget!" Maglalakad nalang ako papaakyat ng hill. Malapit na naman kaya okay lang, maglalakad nalang ako kaysa sumabay sa kanya.
Narinig kong umandar yung motor niya. Nilingon ko ito at napatigil. Ayun si Zeke, papaalis na pero hindi iyon yung dahilan nang pagtigil ko. Papunta si Connor sa bahay at nagkasalubong sila nang papaalis na si Zeke. They did this weird sign thing they do whenever they see each other. Tch!
Huminto yung sasakyan ni Connor nang makita ako. Tinignan niya lang ako na parang nagtataka bago ako senyasan na lumapit sa kanya.
"What are you doing out here?" Tanong niya.
Hinawi ko yung buhok ko at iniipit sa likod ng tenga ko. "Ahh... Just getting some fresh air." Palusot ko.
"I just saw Zeke. Why didn't he just drop you off in front of your house?" Pag uusisa niya.
"Wala– Wala! Hehe!" Umiling siya. Ano bang akala mo, Kai? He knows when you're lying.
"LQ already?" A small smile appeared on his lips.
"Hindi ah! I-I uhh... I told him to drop me off here. You know, just getting my daily jog in." Napakamot ako sa batok ko.
"You don't jog, Kayee." Of course, he didn't buy it. Bakit pa ako magtataka? Kilalang kilala niya pa rin ako.
"Hop in, Kayee." Sumunod nalang ako sa kanya. Umikot ako at binuksan ang passenger seat.
Nakayuko akong umupo. Hindi pa ako nakakasakay sa kotse niya at ngayon nalang ulit ako nakalapit sa kanya.
"What's wrong?" He asked me using his kuya tone. I sighed. I looked up at him and smiled. "Nothing. Nakakapanibago lang." I told him honestly.
Tumango siya. Mukhang naintindihan niya kung ano yung tinutukoy ko.
"Sorry, baby, I –" I cut him off.
"Why are you here, Kuya Connor?" I faked a cheerful tone.
Bumuntong hininga siya. "Bumibisita." Hindi niya na kailangan sabihin kung sino yung binibisita niya. Alam ko na.
YOU ARE READING
Secret Garden ❘ d.k.
RomanceStarted Writing: 11/08/18 First Published: 12/15/18 Done Publishing: ---