Day one. Day one ng pagpapanggap namin na may relasyon kaming dalawa. Day one nang pagpapanggap niyang boyfriend ko siya at na wala kaming galit sa isa't isa.
Bumaba ako ng hagdan at nakita siya dun sa dulo nito. Eh? Sino nagpapasok diyan?
"A-Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ko at nagmadaling bumaba.
Wala naman akong kasama ngayon dito sa bahay aside from our helpers kaya lang nakakahiya pa rin. Baka kung ano ang isipin nila, makarating pa ito sa parents ko na kasalukuyang kasama si Lolo sa States.
"Sinusundo kita." Takang taka ko siyang tinignan.
Eh? Seryoso ba talaga siya?
"Bakit –" Naglakad si Manang sa likuran niya at nakangiting nagthumbs up sa akin. ABA! Para saan yun? o___0
Hinawakan ko yung hem ng sleeve niya at inilayo siya sa may mga nakakanood. Hinila ko siya sa likod ng hagdan.
"B-Bakit mo ako sinusundo?" Mahinang tanong ko saka sumilip sa gilid niya.
"Uhh... Kasi boyfriend mo ako?" Patanong niyang sagot na tila namimilosopo pa.
"Boyfriend kita sa harap ni Connor, hindi dito." Sambit ko.
Tinignan niya lang ako saglit na parang nag isip pa. "Boyfriend for hire ako."
"And so?"
"I have to be a boyfriend to you. Yun ang trabaho namin. Hindi lang magpanggap sa harapan ng Connor mo." What? I thought we already had a deal?
Napahilamos ako sa mukha ko. "What?" Tanong niya.
I groaned in frustration. Hindi niya ba gets? Ugh! Ang sarap kalbuhin nitong lalaking 'to! "I don't need you to act like my boyfriend!" Inis kong bulong.
"Well, hindi iyon ang nasa kontrata namin." Sinasabi niya yan nang nakangiti. Na parang nang aasar. Talagang ginagamit niya itong pagkakataon na 'to para inisin rin ako.
"Ano ba ang nasa kontrata mo ha?" ^_- Tinaasan ko siya ng kilay.
Nagkibit balikat siya. "Maging boyfriend ng client?"
"At kasama ito sa pagiging boyfriend?!" Tanong ko ulit.
Napasapo siya sa noo niya. "Ah shit, gets ko na."
Kumunot yung noo ko. Anong gets niya na?
"You've never had a boyfriend? Kaya wala kang idea dito?" Natatawang tanong niya.
Umiwas nalang ako ng tingin. Pakbet naman! Anong nakakatawa dun? >___>
Kinurot niya yung pisngi ko. "Kung ganon, ako ang first boyfriend mo. Hahahaha!" Tawa pa niya.
"Hindi kita boyfriend. Fake ka lang!" Tinabig ko yung kamay niya at sinungitan siya. "Hmph!" (〃>_<;〃)
Nauna akong lumabas ng bahay habang tumatawa pa rin siyang sumusunod sa akin. Nakakaasar talaga siya.
"Oh, saan ka pupunta?!" Tanong niya nang huminahon na siya. Patuloy lang kasi akong naglalakad papunta sa kotse ko kung saan naghihintay ang driver namin. "Papasok sa school." Sagot ko.
Bigla niya akong hinarang. "I'm here to take you to school." Sabi niya.
"Okay. Edi sumakay ka na rin." Tumingin ako kay Manong na nasa likuran ni Zeke. "Tara na po, Manong Siel." Tumango ito at umikot para pagbuksan ako ng pinto.
Lalapitan ko na sana ito nang muli akong harangin ni Zeke. "I'm taking you to school." Madiin niyang sabi.
"Kaya nga –" Hindi niya ako pinatapos magsalita. Hinarap niya si Manong Siel. "I'll take her to school."
YOU ARE READING
Secret Garden ❘ d.k.
RomanceStarted Writing: 11/08/18 First Published: 12/15/18 Done Publishing: ---