Chapter 10

288 25 5
                                    

Spell malas. S-H-I-E-K-A-I-N-A. Nakaupo kami sa loob ng kotse ni Marga. Talagang gusto niya akong ipahamak eh. Isinet up na nga ako sa kung kanino, ipinagdrive pa ako. Akala ko katapusan ko na.

Tumingin siya sa italian restaurant sa harapan namin. "This must be the restaurant." Tumingin siya sa relo niya. "He should be here in an hour."

"Tara na." Sabi niya.

"Sasama ka?"

"Bakit ayaw mo? Kung ayaw mo, okay lang naman."

"AY HINDI, MARGA, SUMAMA KA! BANTAYAN MO AKO. IKAW ANG MAY GUSTO NITO." Naiinis na na sabi ko bago bumaba ng kotse niya.

Bumaba na rin siya at tumatawa pa. "HAHAHAHAHA! GALIT!"

Ah? Nakakatawa yon? Nakakatawa yon? -___-

Nauna na ako papasok ng restaurant. "Ma'am, do you have a reservation?" Tanong sa akin nung lalaking humarang na tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Suot ko kasi yung mga pinamili ni Marga para sa akin. Naka-leather jacket ako at high waist pants na tinernuhan pa niya ng platform boots. Mukha akong kagagaling lang sa pagmomotor... or sa underground race.

"Yes, she has." Sagot ni Marga na kakapasok lang ng resto. "Kai Wang." Sambit pa nito.

Tumango yung host saka ako ginuide papuntang table. Pagkarating ko dun, nanglaki yung mata ko. Two seater lang ito! Akala ko ba sasamahan ako ni Marga?!

Hinanap ko nang tingin si Marga. Ayun, naglalakad siya kasama yung isa pang host. Umupo siya sa hindi kalayuan sa akin.

"I hate you." I mouthed to her. I don't really hate her. I mean, oo pala. Ngayon talagang inis na inis ako sa kanya.

Hindi niya ako pinansin. Umupo lang siya saka binuklat yung menu. Kainis na babaeng yon.

Umorder na lang din ako. Ano pa bang magagawa ko, 'di ba? Nandito na kami.

"Give me a, uhh, strawberry bellini." Turo ko pa sa pinili ko.

Isinulat nung waiter yung order ko. "Do you want anything else, miss?" Umiling ako. "No, thank you. Maybe later."

Ngumiti ito saka umalis.

Binuksan ko yung phone ko at nagscroll sa twitter.

@audreyyy:

best manliligaw ever! @theconnorpeters 💗

Tweet ni Audrey na may kasamang picture ng isang tuta

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tweet ni Audrey na may kasamang picture ng isang tuta.

So, nililigawan pala siya ni Connor.

Kinagat ko yung labi ko at pinigil maiyak dito sa restaurant. Dang it, Wang. Get it together.

Yumuko ako at pinunasan ng tissue yung mga mata ko bago pa man tumulo yung luha ko.

Secret Garden ❘ d.k.Where stories live. Discover now