Hindi ko mapigilan mapasimangot sa eksena sa harapan ko. Audrey is back – and she's laughing, no, flirting with Connor. Tawa nang tawa sa mga sasabihin ni Connor, akala mo naman clown yung nasa harapan niya.
Kailan ba naging close yan? =____=+++
When we were younger, kami yung mas intact ni Connor. They talk, yes but it's always been me and Connor. Tapos nagpunta pa ng Paris yang Audrey na yan para mag aral ng high school kaya nagtataka ako kung bakit ganyan yan makadikit kay Connor.
Tinapik ako ni Kuya Jared na kasamang umuwi ni Audrey. I looked up at him. "Hey, don't kill my sister." Nakangiti niyang sabi.
Napalunok ako? Eh? Ako papatay diyan? Baka nga ako pa ang patayin ng Audrey na yan eh. Basher ko yan ever since bata pa kami.
Umupo sa tabi ko si Kuya Jared. Nasa living area kami ng main house. Kung saan kami nakatira. Mayroong tatlong malalaking bahay dito sa Wang Estate. Yung bahay sa left end, bahay ng mga helper namin. At sa right side naman ay yung bahay na mas maliit lang ng kaunti sa main house, ang bahay ng kapatid ni Lolo, kung saan nakatira ang pamilya ni Tito Marcus na tatay nina Kuya Jared at Audrey.
Ipinatong ni Kuya Jared yung braso niya sa sandalan ng sofa kung saan kami nakaupo. "You look nice, Shiekaina." Sabi niya.
I looked up at him to meet his dark orbs. Nakatingin siya sa akin na parang sinusuri ako. "How old are you again, Shiekaina?"
Nahihiya akong yumuko. "17, kuya."
"Hmm." Tanging sagot niya.
"Y-You look... dashing as always, Kuya Jared." Balik ko sa compliment niya. He does look good. He has always looked good. Mala-prinsipe ang mukha niya na sinamahan pa ng matipuno niyang katawan.
Panigurado, sobrang daming naging girlfriend ng pinsan kong ito. Sobrang gwapo at malakas ang appeal eh. Tall, dark and handsome rin ang drama ng kuya kong ito!
Ipinatong niya yung kamay niya sa ulo ko. "But not as dashing as Connor?" Napatingin ako sa kanya. Mayroon siyang mapang asar na ngiti sa labi.
Namula akong parang kamatis. "K-K-Kuya?"
Tumawa lang siya saka ginulo yung buhok ko. "Someday." Makahulugang sambit niya. 20 years old na si Kuya at nagti-take ng Architecture sa Paris. Siguro marami na rin siyang nakilala dun na foreigner... kaya lang sana idinamay niya na si Audrey para hindi na nagpapacute pa kay Connor.
"Bakit po kayo bumalik?"
"Ayaw mo ba?"
Umiling iling ako. "A-Ahh? H-Hindi ah? Hindi." Tumawa siya. Hay, ang gwapo ng kuya kong 'to! Kapag dinala ko ito sa Lyndon, who you kang Zeke ka! Babaliwalain ka na ng mga babae sa school!
Napaisip ako. Hmm? Parang magandang idea yun ah?
Automatic na nagplay sa utak ko yung magiging scenario.
"Zeke~!" Tawag ni Sammy kay Montefalco. Nasa harapan siya ng battalion ng mga babae na humahabol kay Zeke. "KYAAAAA~! I LOVE YOU, ZEKE!!!" Sabi nung isa.
"Mahal na mahal kita!" Sigaw din nung isa.
Humarang ako papunta sa daraanan nila habang hila hila si Kuya. "HOY, PANGET!" Sigaw ko.
Tinignan niya ako nang masama. "KATAPUSAN MO NAAAAA!" Dahan dahan kong tinanggal ang hood na halos matakpan na ang mga mata ni Kuya Jared.
Parang may kumanta mula sa langit ng, "HAAAAAAAAAA" at nagliwanag ang paligid. Napatakip ng mga mata yung mga tao sa harapan namin bago dahan dahang sinilip si Kuya. "Omae wa Mou Shindeiru~!" Sabi ni Kuya in deep voice. ¬___¬+++++++
YOU ARE READING
Secret Garden ❘ d.k.
RomanceStarted Writing: 11/08/18 First Published: 12/15/18 Done Publishing: ---