Chapter 6

277 22 10
                                    

What are we doing here? Kumunot yung noo ko. "Are you going to just stand there?" Tanong sa akin ni Marga.

Is this her plan? Magshopping? Siya ba si Marga?

Dumiretso kami palabas ng school pagkatapos na pagkatapos ng klase namin. Wala siyang ibang sinabi, basta sumunod lang daw ako. Hindi ko naman inaasahan na sa mall pala ang punta namin.

"Hmm." Tumango ako sa kanya at sumunod papasok ng h&m. Hindi ko alam na napasok rin pala siya dito. If she's not wearing our school uniform (na ayaw na ayaw niya dahil sa skirt) – she's wearing cargo pants and leather jackets.

Pinaupo niya ako sa upuan bago sabihing, "Just stay here." Tumango nalang ulit ako.

Umalis siya at iniwan akong takang taka. Mamaya nga, siya naman mahatak... Mahatak sa hospital. This is so not her.

Marga and Shopping? Isang malaking eeeeengk! ><

Siguro malapit na ang end of the world at isa itong pangitain!

Beep beep

Inilabas ko yung phone ko. Insta-story notification? And from Connor pa. Okay, maybe hindi pa end of the World.

Binuksan ko ito at inistalk ang IG account ni Connor.

Dalawa yung posts niya. Yung una nasa field siya at tanging yung mga bleachers ang laman ng post niya na sinamahan pa ng caption na Missing you, bleacher girl. Yung sumunod naman ay picture nila ni Audrey na may smile emoji sa baba.

Oh 'di ba? Bongga! May namimiss siya tapos sa sumunod lang na post niya, kasama niya na.

Kailan ba naging "bleacher girl" si Audrey? Halos ayaw nga magpaaraw nun. Laging nakapayong at ang arte arte! Nang magpunta ng Paris, halos lahat na yata ng uri ng sumbrero, nagamit niya na, wag lang siyang umitim ulit. Palibhasa produkto na siya ng gluta eh!

Sumimangot ako nang magload yung account ni Connor. Ipinost niya na sa IG niya si Audrey. Nakatingin siya sa malayo at nakadikit na parang linta si Audrey sa kanya at ang caption ay, "Mine."

Nag init naman ang dugo ko. Bago ko pa namalayan ay nagcomment na ako. "WEH?"

Ampupu! ><

Idi-delete ko sana ito nang magreply siya... o 'di kaya si Audrey na may hawak ng phone niya. "Jealous much, cous?"

Cous Cous ka diyan, i-couscous kita sa field nang lumabas ang dating kulay mo eh!

Nagtype ulit ako ng reply ko.

@shiekaina: I'm not jealous, I'm fabulous.

Io-off ko na yung phone ko na may ngiting tagumpay sa labi nang tumunog ulit ito.

@theconnorpeters: is this a quote? omg can you try to be original?

ARRRRRRRGHHH!!! Masasabunutan ko ito mamaya sa bahay pag uwi ko!

@shiekaina: omg someone so fake from head to toe is telling me to be original? wow

Parang idinikit ko na ng glue ang mga mata ko sa screen at naghintay sa magiging reply niya pero lumipas ang dalawang minuto, at wala na akong natanggap na reply sa kanya.

BULLSEYE! Hakhak! <( ̄︶ ̄)>

Panigurado nanginginig na yun sa galit. Buti nga! Hahahaha!

May umagaw ng phone ko kaya naman natigil ang pagsasaya ko.

Tinignan ako ni Marga na parang pinapangaralan. "Really?" Sabi niya nang tignan niya sandali yung sagutan namin ni Audrey.

"You have to stop being this petty." Nagpout ako. Hindi naman ako petty eh. I was just standing up for myself. Inaaway niya ako eh. >3<

Secret Garden ❘ d.k.Where stories live. Discover now