It's a beautiful Saturday afternoon but here I am, stuck in bed. I caught a cold last night. "What do you want, Kai?" Magkakalahating oras na kaming magkausap ni Marga sa phone. Nasa grocery kasi siya. Hindi ko inaasahan na magpupunta siya dun. Ayaw na ayaw niya rin kasing naggo-grocery. Namimiss niya daw kasi yung Mommy niya na nawala na.
"Just get me strawberry milk." Pinunasan ko yung ilong ko gamit yung likod ng kamay ko. "Oh, and a pack of sour tapes!"
"Kai," Sabi niya gamit ang warning tone niya.
"Oh edi sige, pati na rin oranges. Sana hindi ka na nagtanong." >3<
"Mas aayos kasi pakiramdam mo kapag kumain ka ng prutas." Pangaral niya.
"Opo, Mommy. Sige na. Tama ka na." Binuksan ko yung TV at nanood ng It's Showtime. Sumasayaw yung bagong loveteam ng ABS. Yung donkiss ba yun? Ay sus, ang ganda nung girl pero yung boy? No comment. May kahawig eh. > <
"Bakit ka ba kasi pupunta dito?" Tanong ko sa kanya. Sinabi ko nang huwag dahil may sipon ako pero nagpupumilit eh. Tinatakot pa nga ako. Typical Gangster.
"Basta! Sige na bye!"
"Okay –"
*doo.doo.doo.doo*
Talaga nga naman. Binabaan na naman ako. -___-
Pagkacommercial, tumayo na ako para maligo. Nakakahiya naman kasi. Baka kaladkarin pa ako ng sadista at bossy kong best friend sa bathroom kapag nakita ang ayos ko.
Nang matapos na ako, nagsuot lang ako ng simpleng pangbahay ko, pink silk na spaghetti strap na tanktop na tinernuhan ko ng pink silk rin na shorts. Hindi ko na rin sinuklay yung basang buhok ko, hahayaan ko nalang matuyo sa hangin.
Paglabas ko, bumalik lang ako sa pwesto ko kanina. Inilabas ko rin yung phone ko para magstalk sa Instagram ni Connor.
Ang dami niyang posts sa IG story niya. Clinick ko ito. Unang tumambad sa akin ang mukha ni Audrey. Nakabathing suit at mukhang nagsiswimming sa pool dito sa bahay namin. Picture naman ni Connor at Omi ang sumunod na post. Nasa pool sila at magkaakbay na nagpapicture kay Audrey.
Ah, kaya pala ang ingay sa labas kanina nung bumaba ako para kumain. =___=
Napanguso nalang ako. Ni hindi man lang ako binati ni Connor. Tch!
Nakapulupot sa leeg ni Connor ang mga braso ni Audrey sa sumunod na post. Nasa pool silang dalawa at nagtatawanan.
"Ahhhhh! Ayoko sa malalim, Connor!" Sabi ni Audrey habang vinivideohan niya ang pagkalong sa kanya ni Connor. Muntik mahulog yung cellphone ni Connor pero nasalo rin ito ni Audrey at sa muntik na pagbagsak ng phone, nakuhanan ng video yung pagkakahawak ni Connor sa legs ni Audrey. Masaya niyang buhat buhat sa likod si Audrey. Dinadala niya ito sa mas malalim na parte ng pool nang tumatawa.
Ibiniba ko yung phone ko at hindi na pinanood yung iba. Dinampot ko yung unan ko at itinakip sa mukha ko bago magsisigaw. "ARRRRGGGGHHH! NAKAKAINIS KA TALAGA, AUDREEEY!"
Nang matapos ako, ibinaba ko na yung unan. Nagulat naman ako sa nakita ko sa may pintuan. "Wow." Sabi niya.
Inirapan ko siya. "Don't ask."
Naglakad si Marga papalapit sa akin at ibinaba sa bedside table yung dala niyang pagkain ko. "Nakita ko sa backyard niyo yung pinsan mo at yung dalawa sa F3 nung makilagay ako ng grocery ko sa ref niyo."
Ahh so, nakita niya pala sila sa labas. Buti pa siya eh. Ako ni hindi man lang nagpakita sa akin kahit yung pinsan ko, yayain kuno man lang ako. Pool ko din naman yun. T^T
YOU ARE READING
Secret Garden ❘ d.k.
RomanceStarted Writing: 11/08/18 First Published: 12/15/18 Done Publishing: ---