Chapter 12

275 27 17
                                    

Hinila ni Zeke yung parang tali nang matanaw niyang malapit na kami. Tumigil ito sa harap ng gate ng village namin. Bumaba na kami.

"Ahh... Thank you -" Hindi niya ako pinatapos.

"Don't thank me yet. I'll walk you home." Sabi niya bago maunang maglakad.

Sumunod ako sa kanya. "A-Ahh... H-Hindi na! Makikitawag nalang ako sa guardhouse para sunduin ako ng driver namin."

Umiling siya. "Wag na. Papalabasin mo pa yung tao, malapit ka nalang rin naman.

Kinagat ko yung labi ko. Gusto ko sanang sabihing hindi malapit yung bahay namin dahil nasa hill part na ito ng village. Pag aari ni Lolo ang Vermont Estates. Kanya ang buong village na ito at nandun kami sa may dulong parte ng hecta-hectaryang lugar na ito.

Wala na akong nagawa. Sumunod lang ako sa kanya.

Binati kami nung guard nang madaan ako sa guard house. "Miss Wang, ano ginagawa niyo? Bakit naglalakad kayo? Gusto niyo ihatid na namin kayo?" Tanong ni Mang Tomas. Nasa 50's na rin siya at kilalang kilala na halos lahat ng nakatira dito. Well, iilan lang naman ang nakatira dito bukod sa pamilya namin.

Imbes na ako ang sumagot, si Zeke ang nakipag usap sa kanya. "Maglalakad nalang kami, manong. Pinapag excercise ko rin kasi yang si Shie. Ang taba na eh, 'di ba po?"

Shie? At saka anong mataba?! (・_・ヾ

Hinampas ko yung likuran niya. "Aray!" Sigaw niya. Buti nga sa kanya. > <

"Manong, wag kang maniwala diyan! Ang payat ko kaya, 'di ba?!" Nag-pose pa ako to showcase my slim figure!

Tumawa siya. "Nakakatuwa naman kayo ng boyfriend mo. Parang kami lang ng misis ko nung kabataan namin." Nanglaki yung mga mata at nag init yung pisngi ko.

"H-HA?! M-MANONG, H-HINDI -" Inakbayan ako ni Zeke. "Ang cute nga po ng girlfriend ko po, ano?" Kinurot niya pa yung pisngi ko. Yung kurot na parang hihilahin na yung balat mo.

Tinabig ko nga ito. "Che!" Ngumisi lang siya at hindi inalis yung pagkakaakbay sa akin.

"Tara na, babe?" Hinila ako ni Zeke. Kumaway si Manong sa amin na ang laki laki ng ngiti. "Ingat kayo, hijo, hija! Hahahaha! Ang gwapo parang ako lang nung kabataan ko." Sabi ni Manong na parang nagre-reminisce pa sa kabataan niya.

Nang makapasok na kami at medyo makalayo na, tinabig ko yung braso ni Zeke. "Y-You didn't have to do that!"

Tinaasan niya ako ng kilay. "What, babe?" Jusko, sasabog ang utak ko dito sa lalaking ito. Tumingin lang ako sa kanya, nauubos na yung brain cells ko eh. T^T

"Ewan ko sa'yo." Nauna na akong naglakad. Nakakainis siya! Ano nalang iisipin ni Mang Tomas? Na may boyfriend nga ako at naglalakad kami pabalik ng bahay ko sa ganitong oras? Pambihira naman kasing tadhana yan? Bibigyan nalang ako ng fake boyfriend, yung may galit pa sa akin. Natural gagawin niya yan. Ipapahiya niya ako sa mga tao. >~<

Sumunod siya ulit sa akin. "Ang liit liit mo, ang bilis ng lakad mo."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hoy, ikaw Zeke ha? Baka ginagamit mo lang 'to para mas mabwisit ako!" Pang aakusa ko.

Ngumiti siya. "Sorry. Natutuwa kasi ako kapag naiinis ka eh." At talagang inamin pa niya. -____-

Nagmartsa ako papalayo sa kanya. Nakakainis eh!

Ilang minuto din ang lumipas bago may nagsalita sa aming dalawa.

"Why?" Tanong niya sa akin.

Tinignan ko siya. Nasa tabi ko na siya at nakadikit sa akin na akala mo ang liit liit ng dinadaan namin. "Why what?" Medyo tinulak ko siya. "Teka nga. Bakit ganyan ka makagitgit? Ang laki ng kalsada oh?"

Secret Garden ❘ d.k.Where stories live. Discover now