Chapter 15

299 27 1
                                    

I am silently cursing Zeke who's walking ahead from me. He's just so... annoying! I don't get him! I don't get why he's been acting like this since lunch.

Pauwi na ako, actually, kausap ko na yung driver para magpasundo tapos inagaw niya yung cellphone ko at sinabi dito na siya na daw ang maghahatid sa akin pauwi. Pero ano 'to?! What is he doing?!

He's been ignoring me since lunch! Ni hindi ko siya makausap nang matino kasi parang wala siyang naririnig!

May humarang sa paglalakad ko. Napatigil ako sa pagsumpa na tubuan sana ng isang malaking pimple si Zeke sa pagitan ng mga kilay niya para magmukha siyang siopao.

"Hi," Nginitian ako ni Omi nang pangcommercial niyang ngiti. Yung ginagamit niya kapag nakikita ko siyang may kausap na babae sa school.

I gave him a glare. I still hate him! I still hate F3 kahit na dini-date ko ang isa sa kanila, well, fake date.

"Whoa! Chill, babygirl!" Hinawakan niya yung mga balikat ko kaya tumigil ako sa paglalakad. "What do you want?" Inis kong tanong sa kanya.

"Honestly? You." Diretso niyang sabi. Tch! Oo nga pala, isang casanova itong si Omi. Magaling mang uto.

"Ha ha, very funny." I rolled my eyes at him.

Tumawa siya. "Damn, girl. You're feisty."

Bakit ba ako kinukulit nito?

"I want to talk to you," Sabi niya nang hindi ko siya sinagot. "How?"

Heto na naman tayo. -___-
May pagkachismoso din pala itong si Omi.

"How what?"

"How did you guys get together?" Nagshrug siya. "Just last week, halos patayin niyo na yung isa't isa."

Tinaasan ko siya nang kilay. "You mean, halos patayin niya na ako?"

Natawa na naman siya. "Right. Right."

It's now my turn to shrug my shoulders. "Ask him." Hinawi ko siya at naglakad na.

Ang layo na ni Zeke. Ang laking tao kasi, ang lalaki ng hakbang!

Sumunod at umakbay sa akin si Omi. "Okay, I'm gonna be honest wit' you, girl. I didn't really buy it at first. I mean, why would Zeke be with you? He hated you," He hated me? Kailan pa? Dahil lang ba ipinagtanggol ko yung babaeng inapi api niya last week? "For the longest time, he hated you." Sabi niya nang makita siguro na wala akong idea sa sinasabi niya.

"Why?" Bakit? Oo, alam kong sinasalungat ko siya noon pa at palagi kaming nagka-clash na dalawa lalo na kapag sa classroom pero hindi ko pa rin maintindihan.

"We knew. Everyone knew. You liked Connor for quite some time, now." Para akong kinilabutan. Everyone knew? And what does that have to do with Zeke hating on me? "He hated how you would fight with him and act all shy whenever you see Connor. Sabi niya, he hated your guts. Para ka daw tigre na biglang nagiging maamong pusa kapag si Connor na ang katapat mo."

Tinanaw ko ang naglalakad na si Zeke. Ganun ang tingin niya sa akin?

"Pero yung kanina sa cafeteria? Siguro nga nagbago na."

"Ha?"

"Jealous Montefalco? What a rare sight to see." Bumitaw siya sa pagkakaakbay sa akin at umalis na.

Ang weirdo talaga ng isang yon.

Nilingon ako ni Zeke at kahit na ang layo niya na sa akin, natatamaan pa rin ako ng laser beams na nagmumula sa mga mata niya. AAAHHHK! >___<

Secret Garden ❘ d.k.Where stories live. Discover now