Chapter 14

351 38 22
                                    

Para akong nauubusan ng hangin. Nakatingin lang sa amin si Connor. Mayroon siyang ekspresyon na hindi ko mabasa. "Let's go, panget." Sabi ni Zeke.

Tinignan ko siya. Nakalahad yung kamay niya. Kinuha ko ito at hinawakan. "Is this real? Pare, pakisapak nga ako, feeling ko tulog pa ako." Rinig kong sabi ni Omi na nasa tabi na ni Connor.

I felt my cheeks heat up in sudden embarrassment. Sure, iyon ang iisipin niya. For pete's sake! Just last week we were breathing down on each other's neck, humahanap ng tyansa kung kailan at paano magagantihan ang isa't isa.

Nginitian ako ni Zeke bago medyo tumungo hanggang sa ka-level na siya nang mukha ko. May ibinulong siya sa tenga ko. "Showtime, baby." Tila ako kinilabutan sa sinabi niya.

Nauna na kaming maglakad papaalis ng parking lot. Sumusunod naman sa amin yung dalawa. Tahimik si Connor at si Omi naman ay nagsimula nang isumpa ang mundo. "Tangina, bakit hindi ko alam 'to? Ako nalang ba ang hindi nakakaalam nito? End of the world na ba? Ayoko pa, shet, hindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend na green ang mata!"

Pero hindi lang si Omi ang takang taka. Lahat ng madaanan namin na mga estudyante, nakatingin sa amin at mukhang gulat na gulat. Mayroon pa nga akong nakitang teacher na muntik himatayin buti nalang nasalo nung isa pang teacher.

Yumuko ako at nagfocus nalang sa magkahawak na mga kamay namin ni Zeke. Sobra ba talagang imposible na maging kami ni Zeke? Bakit lahat sila gulat na gulat? >///>

At gusto ko rin malaman. Ganito rin kaya ang naramdaman ni Bella Swan nung magkasabay silang dumating ng school ni Edward Cullen? EEEEEHHHHKKK~! ANO BA? PATI AKO KUNG ANO ANO NA RIN NAIISIP! >____<

Lahat pinapanood kami. Kahit yung guard sa building namin. Nakita ko pa nga siyang nag sign of the cross. "Ano bang delubyo ito?" Narinig ko pang tanong niya sa sarili.

Nang iangat ko na ang tingin ko, saka ko lang na-realize na hindi ako ang ikinagugulat nila. Kung hindi si Zeke. Ayaw nga naman ni Zeke sa mga babae tapos heto siya, papasok ng school na ka-holding hands yung babaeng naging target ng pangbubully niya nitong nakaraang linggo lang?! >o<

Bibitaw sana ako pero mas hinigpitan niya yung hawak sa akin na parang sinasabi na huwag ko silang pansinin.

So I did. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa tingly feeling sa kamay ko. Ngayon ko lang napagtanto ang init pala ng kamay niya para sa isang taong cold na tulad niya. Napangiti ako sa thought. > >

What a weird combination.

"Kai!" May tumawag sa akin. Malapit na pala kami sa classroom namin. Sa dulo ng hallway, nakatayong naghihintay si Marga.

Binitawan na ako ni Zeke para malapitan ko si Marga. Hinampas ko yung braso niya. "Nawala ka bigla." I said, referring to that night we've met with Zeke.

Ngumisi siya. "Date niyo kasi yun." Habang sinasabi niya yun, lumalagpas yung tingin niya sa akin. Nilingon ko sandali yung tinitignan niya. Si Connor.

Connor has this blank expression on his face. Hindi ako sanay doon dahil si Zeke lang naman ang nakikita kong may ganoong ekspresyon tuwing makikita ko siya sa school noon.

Biglang lumapit si Omi kay Zeke. Humawak pa siya sa braso nito. "Pare, nagdate kayo?! Totoo ba talaga 'to?!" Tanong niya na sinuklian lang ng ngisi ng kaibigan niya. "Bakit hindi ko alam?" Sabi ni Omi na akala mo napagsakluban ng langit at lupa.

"Because he didn't want to tell us." Simpleng sagot ni Connor. Nakangiti na siya ngayon at nakatingin pa siya sa akin. "You didn't tell me." Sabi niya na parang nagtatampo.

Lumapit siya at kinurot yung pisngi ko. "Ouch! Kuya naman eh." Reklamo ko. Hinimas himas ko pa ito nang bitawan niya na.

"Are you really together?" Tanong niya kay Zeke. Hindi agad nakasagot si Zeke. Tila ba nagulat siya. Pero ito naman talaga ang plano 'di ba? Ang paniwalain ang lahat, lalo na si Connor na may relasyon kami.

Secret Garden ❘ d.k.Where stories live. Discover now