Dire diretso akong umakyat sa kwarto para maligo at magpalit ng damit. OH MY GOD! Tatawag daw siya sa akin!
Napatigil ako sa harap ng pintuan ko. Tatawagan niya ako? Ibig sabihin nakasave pa rin sa phone niya yung number ko? AAAAAHHHHKKKK >///<
Dali dali akong pumasok at naghubad ng uniform. Pumasok ako ng bathroom ko na dala ang phone. Ibinaba ko ito sa counter katabi ng sink. Baka tumawag siya tapos hindi ko marinig kapag iniwan ko sa kwarto.
Hindi pwede yun! Baka hindi na maulit ito! Chance ko na ito to get closer to him again!
Agad akong tumapat sa shower at inalala lahat ng nangyari. Did I impress him during lunch? Kaya ba niya ako napansin na ulit dahil kinalaban ko yung Zeke na yun?
Natuwa kaya siya na I fought with Zeke to protect Sammy? Was that the reason why he's talking to me again?
Pero sabi niya nung lunch... Akala ko nagalit siya dahil nakipagtalo ako sa kaibigan niya? Nalilito ako pero ang mahalaga, Connor is finally talking to me again.
Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko kapag iniisip ko yung nangyari kanina. Sobrang lapit niya nung lunch at kita kung paano siya nagbago physically. Mas built na siya at hindi na scrawny. Naalala ko yung katawan niya dati. >///< Hehe! Tumangkad rin siya at mukhang nag-gain ng weight.
Kanina ko lang napansin ang lahat kahit na magkaklase kami lagi. Kanina lang naman kasi ako nagkaroon ulit ng tyansa na makalapit sa kanya.
"Kayee?" Waaaah! Parang nage-echo pa rin sa pandinig ko yung pagtawag niya sa akin. His voice got deeper. Mas manly, mas– mas nakakalaglag panty – I mean, puso! >///>
"AY! PANTY!" Muntik na akong sumubsob sa tiles sa harapan ko. Naihulog ko pala ang sabon at naapakan.
Juice colored kang Connor ka! Masyado mong ini-invade ang utak at puso ko!
Dinampot ko ito. "Sorry, Mr. Soap, hindi ako mafa-fall sa'yo kasi may iba na akong mahal." Ngiting ngiti kong sabi habang kinakausap yung sabon.
Nababaliw na yata ako~ Aaaaa~
Ibinaba ko yung sabon at bumalik sa pagsh-shower.
Lumabas na ako nang matapos kong gawin ang shower routine ko. Isinuot ko yung bathrobe at ibinalot sa ulo ko yung towel ko.
Kinuha ko yung cellphone ko at lumabas ng kwarto.
Muntik kong maihulog yung cellphone nang magring ito. Jusko! Napaka aligaga ko naman!
Tinignan ko yung caller I.D. Connie ♡
Anak ka ng –!
Sinagot ko ito at naupo sa kama ko. "H-Hello?"
Hindi agad sumagot yung nasa kabilang linya. Narinig ko rin ang mabilis at kapos na paghinga. "Hello, baby?" Hinihingal niyang sabi.
Baby...
Baby...
BABY... ???
KYAAAAAAAAAA (*‾‾¡¡‾‾) Nagno-nosebleed ba ako o sipon lang 'to?
Tatanungin ko pa sana siya kung ako ba talaga yung kausap niya o na wrong dial lang. "Hello? Kai?" AMPUPU! AKO NGA!
"K-Kuya?"
"Where are you, baby?" There he go again! BABY NANG BABY GUSTO MO NG BABY SIGE TARA LETS HAVE A BABY ~! Joke! Masyadong aggressive! I'm only 17 hehe~!
Ay jusko! Kung alam lang ni Mommy nasa isip ko, pagagalitan na naman ako nun! //^\\
"Sa bahay na –"
YOU ARE READING
Secret Garden ❘ d.k.
RomanceStarted Writing: 11/08/18 First Published: 12/15/18 Done Publishing: ---