Chapter 2

397 22 9
                                    

Tahimik akong naghihintay kay Sammy. Yung babaeng ipinahiya ni Zeke sa cafeteria. "You know what, for someone as strong-willed as you, you do know when to back out. At yung maling pagkakataon pa palagi! He was standing right in front of you but you let him slip away again! Lagi kang tumitiklop kapag siya na!" Inis na sambit ni Marga na nakadantay sa sink sa tabi ko.

"Shh! Lower your voice!" I shushed her. Inirapan niya lang ako. "You're impossible."

Alam kong inis na siya sa inaakto ko whenever Connor is around pero anong magagawa ko? Sa talagang gusto ko yung tao.

"He saw you stood your ground and you should have grabbed that opportunity!"

Umiling ako. "He told me not to interfere anymore." Malungkot na sabi ko.

I know I acted without thinking first pero hindi ko rin inaasahan na ganon ang sasabihin niya sa akin. Hindi ko inaasahan na ganon ang magiging reaksyon niya.

"Well then, maybe he's as fucked up as his friends." I cringed at her choice of words. "H-He's not." I defended.

Nagshrug si Marga. "Ano ginagawa niya sa tuwing kinakawawa ni Zeke ang mga tao sa paligid niya?" Natahimik ako. "He does nothing, Kai."

I was only 9 when I came back and transferred to a new school. Ito raw ang school kung saan nag aaral si Connor, yung kalaro ko. I don't really remember him but I do remember the memories I had with him. Weird? I know.

Hindi ko siya maalala pero naaalala ko yung mga ginagawa namin sa tree house niya, sa beach house nila at sa tuwing dumadalaw sila sa Wang Estate.

Excited na akong makita siya. Hindi ko kasi talaga maalala yung hitsura niya.

"Are you sure that you're going to be okay?" Tanong ni Daddy. Siya ang naghatid sa akin sa school dahil first day ko raw sa bago kong school.

"Yes po." I nodded. He smiled at me. "Go make great memories, love." I gave him my biggest smile. "Thank you, Daddy! I love you!" I kissed his cheeks before turning around.

Naglakad na rin siya pabalik sa sasakyan at umalis.

Kahit kinakabahan, pumasok akong nakangiti sa school. Tumango sa akin yung guard na sinuklian ko ng kaway.

Pinagtitinginan ako ng mga bata sa hallway. Yung iba tumatawa pa. "Look at her head!" Sabi nung isa sa kasama niya. "Hi, little miss Frankenstein." Sabi pa nung isa. Mayroong benda sa ulo ko at cast sa kaliwang braso ko dahil nga sa naaksidente ako.

Bawat hakbang ko, pabigat nang pabigat. Everyone's making fun of me. Sabi ni Daddy, hindi naman daw bad ang mga tao dito then why are they doing this to me?

Someone walked up to me and knocked me over. I fell on my butt. Everyone laughed.

I looked up to meet the bad person's threatening stare. "What are you doing in my school, freak?!" She yelled at me.

That's it. I cried. I cried hard.

May humila sa babaeng galit na nakatayo sa harapan ko. "What are you doing to your cousin, Audrey?"

He's a boy around my age or maybe a little older. He's a little taller than me eh.

"What do you mean?" Tinignan ako nung tinawag niyang Audrey. I saw her expression softened for a moment but she immediately changed it back to her angry mean face. "She's not my cousin! She's not Shiekaina!" Sabi niya bago tumakbo palayo.

Secret Garden ❘ d.k.Where stories live. Discover now