Am I going crazy? Siguro nga. Siguro nga nababaliw na ako. Just yesterday, I was telling myself that I would try and distance myself from him but here I am, stalking, lurking, basta sinasaktan ko lalo yung sarili ko.
Alam ba ni Audrey password ni Connor? Bakit puro selfies niya na laman ng IG ni Connor?
Ano naman sa'yo, Kai?
Napailing ako sa sarili ko. 'Di ba nababaliw na ako? Kinakausap ko na sarili ko?
"Nu ginagawa mo?" Napatigil ako sa pag iling ng ulo ko at ngumiti kay Marga. "Nothing,"
Bumuntong hininga siya, siguro being Marga, na-gets niya na. "You're crazy." I know.
Inagaw niya sa akin yung phone ko nang walang pasintabi, basta niya nalang kinuha sa kamay ko at pinatay ito. "HEEEY!" Reklamo ko pero tinago niya lang ito sa bulsa ng leather jacket niya.
"Ano tutunganga ka nalang sa cellphone mo? We came all the way here for this?" Pagsusungit niya.
"Ikaw kaya humatak sa akin dito!" Sagot ko. Aba! Ako kaya yung pauwi na at hinatak niya na naman kung saan. ( ̄︿ ̄)"
Umiling siya na parang frustrated na bago ituro yung isa pang hinatak niya pagkatapos ng klase. Tinignan naman kami nito habang nakakunot yung noo. "What do you crazies want from me now?" Monotone pero yan ang iritable niyang boses, actually, iyan ang boses niya lagi except when sinisigaw sigawan niya ako syempre. Bully. Tch! -___-
"Crazies ka diyan! Baka ikaw!" Napahilamos nalang si Marga sa mukha niya nang bulyawan ko si Zeke na ngayon ay mukhang natuwa pa sa pagsigaw ko sa kanya.
"Really? Don't tell me ganito kayo umakto kapag kayong dalawa lang?" Usisa ni Marga sa amin.
"Yan eh!" Binelatan ko si Zeke na sinuklian niya nang mahinang tawa at pag iling. Hala, natawa nga pala 'to. Pangit talaga pakinggan. >___>
"Ang childish niyo alam niyo yun?" Singit ni Marga sa amin bago ituro yung paligid. "Pinagtitinginan na tayo dahil sa inyo." Sermon niya sa amin. Nagmukha tuloy siyang nanay na sinesermunan kami.
Tumayo siya at hinigit yung braso ni Zeke na nakatayo kahit na ang dami pang space sa bench. "Sit here, Montefalco." Utos niya.
"And why would I do that?" Talagang nanghahamon itong si Zeke. Nako! Ewan ko lang kapag sinampulan siya ni Marga ng flying kick dito sa mall.
Tinaasan siya ng kilay ni Marga habang ako nakangising nag aabang sa matatanggap na sermon ni Zeke. "Because she's paying you to act like her boyfriend, remember?" Nawala yung mapang asar na ngiti ko kay Zeke.
"Marga, you didn't have to say that!" Saway ko sa kaibigan ko.
Ayoko na ipinapamukha ni Marga na binabayaran lang namin si Zeke. Kahit kaaway ko yan, ayokong masyadong yurakan yung ego niya.
Walang emosyon sa mukha ni Zeke. It's like he didn't hear her say that. Actually kanina pa sila ganyan eh. Nung pinilit siya ni Marga na sumakay sa kotse niya, ganun na rin ang ginawang pamimilit ni Marga, ipinamukha niya na binabayaran lang namin siya. Ayokong ipinapamukha ni Marga kay Zeke yung trabaho niya kahit na minsan ay nasasabi ko rin sa kanya ito.
Oo, medyo unconventional ang trabaho niya, especially para sa taong tulad niya. But I'm sure he had his reasons para pasukin niya ito.
"Montefalco,"
Mamaya maya, ngumiti si Zeke. He's acting. Lumapit siya sa akin at umakbay sa akin na ikinangisi ni Marga. "What do you want to do next?" Napalunok ako. Naalala ko naman yung naging usapan namin ni Marga kagabi. This is so wrong.
YOU ARE READING
Secret Garden ❘ d.k.
RomanceStarted Writing: 11/08/18 First Published: 12/15/18 Done Publishing: ---