Chapter 11

251 34 11
                                    

Tahimik kaming kumakain ni Zeke. Nakakapanibago kasi hindi kami nag aaway. Parang hindi kami.

"Why? You don't like your food?" Inilapit niya yung pinggan niya. "Take mine."

I gave him a suspicious look. He just smiled at me. "Don't worry. Malinis yan."

"Is this an act?" Mapanghusgang tanong ko sa kanya.___

He took a deep breath before saying, "Protocol."

Tumango ako. Sabi na eh. Hindi niya 'to gagawin kung walang dahilan.

Binalik ko sa kanya yung pagkain niya. "Okay na." Bumalik ako sa pagkain, or should I say paglalaro sa pagkain ko.

Hindi ko mapigilang kilabutan sa inaakto niya.

"Nakakainis na Ezekiel Montefalco!" Inis na sambit ko.

Kakapasok ko lang at may paandar na siya. Pinatid niya ako at kung hindi nakasunod sa likod ko si Marga na naagapan akong saluhin, panigurado sumubsob na ako sa sahig ng school.

Sinamaan ko ng tingin si Zeke. "Anong problema mong panget ka?!" Singhal ko sa taong pader na akala mo manginginig na sa kakatawa. -____-

Hindi siya sumagot. Tumawa lang siya na akala mo iyon na yung pinakanakakatawang nakita niya sa buong buhay niya.

Napapadyak ako. "Nakakainis ka!" Umalis na ako at hindi nalang siya pinatulan pa.

Akala ko iyon lang ang mangyayari sa buong maghapon na yun. Pero nung nasa cafeteria ako at pabalik na sa table ko, may pumatid na naman sa akin.

Walang Marga na sasalo sa akin dahil pinatawag siya ng teacher namin kaya mag isa akong kakain. Nabalanse ko yung sarili ko pero yung mga laman ng tray ko hindi. Tumapon sa mukha ko yung spaghetti.

Nagtawanan yung mga tao. Pinunasan ko yung mukha ko at tinignan ng masama ang demonyong pumatid sa akin.

Nakaakbay yung braso ni Zeke sa upuan sa tabi niya at may mapang asar na ngiti sa labi "Hindi ka naman siguro bulag 'no?" Pang iinis niya pa.

"ARGH!!! SALBAHE KANG TAONG PADER KA!" Aatakihin ko na sana siya kung hindi lang ako hinila ni Connor na kakarating lang. "Easy, Kayee."

EASY? Nilingon ko si Connor. "Isa ka pa!" Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Hindi dahil sa hiya at hindi rin dahil sa ginawa ni Zeke kung hindi dahil sa ginagawang pagtatanggol ni Connor sa kaibigan niya.

Ano nalang ba ako sa kanya?

"I don't know you anymore, Kuya Connor." Tinabig ko yung kamay niya at galit na lumabas ng cafeteria.

Nagtuloy tuloy ang pangbubully sa akin ni Zeke. Gumaganti pa rin siya dahil sa ginawa kong pagsalungat sa kanya nung Monday. Lahat na yata ng pang iinis ginawa niya sa akin.

Kaya naman tinignan ko ang lalaki sa harapan ko. Siguro tama na rin ito. Baka tigilan niya na ang pangbubwisit sa akin.

"Why? May dumi ba sa mukha ko?" Ang gentle ng tono niya. Boyfriend na boyfriend ang dating niya. Nakakabwisit lalo. (# ̄^ ̄)

Secret Garden ❘ d.k.Where stories live. Discover now