Chapter 1: After Shock

9.4K 147 6
                                    

MARAMI akong gustong baguhin sa buhay ko. Maraming pagkakamaling nais ko sanang itama pero tadhana na ang mismong gumagawa ng paraan para harangan ang mga bagay na ninanais ko.

"Have you taken down everything, Winey?" Tanong ng bago kong boss.

After graduating business management in college, akala ko makakabalik na ako sa States. Doon kasi, kahit papano'y panatag ako sa buhay ko. But things did not go well with my best friend, Aivanah. When her parents found out about her tattoo, pati ako pinabalik sa Manila.

Gusto ko mang tumanggi pero di ko na ginawa. Una, dahil wala naman akong karapatang tanggihan ang madrasta ko. Pangalawa, gusto kong samahan ang matalik kong kaibigan.

Pagkabalik na pagkabalik namin sa Manila, agad kaming dinestino ni Aivanah sa sarili nilang kompanya. She worked in the marketing department of Cofer, under the supervision of Sir Cosen, while I was assigned at the Production department where the boss is Sir Glaz.

"Yes, sir. I took care of the necessary information." Sagot ko sa kanya habang sinusundan sya patungong elevator.

"Good. Tonight will be a free night. May maliit na salu-salo para sa lahat na naging parte ng conference. After the dinner, there'll be a social night. If you want, you can attend and make friends."

Mabait si Sir Glaz sa akin. Unang kita ko pa lang sa kanya, agad ko syang nagustuhan. He is approachable and really kind. Nang nangangapa pa lamang ako sa trabaho, sya ang tumulong sa akin. He made sure I was doing the right thing. Bawat galaw ko ay sinundan nya para makaiwas ako sa pagkakamali. Because of his kindness, mabilis kong naadapt ang trabaho. Maliban sa kabaitan nito, di rin maikakailang galing sa magandang angkan si sir. Matangkad, makinis at matipuno ang katawan, may malambot na labi at matangos na ilong. Perfect package kung tutuusin.

"Kayo po ba sir? Dadalo kayo?" We both entered the elevator. Tinipa ko ang ikawalong floor kung saan naroroon ang mga silid na sinadya para sa mga dumalo sa conference.

"Hindi siguro. I need to relay the initial data from the conference to the big boss."

"Video meeting with Mr. Cofer," bulong ko. Tumango sya. I sighed. Sayang naman. Masaya sana kung kasama ko siya. Not being clingy or feeling close, but I really want to get to know him. I never had a chance to talk to sir Glaz about things other than business. I wonder how perfect his life is.

"You can go without me." Aniya nang bumukas na ang elevator. Unang madadaanan ang silid ko kaya di na nya ako pinasunod pa sa kanya. I watched him walk to his room. When he got in, pumasok na rin ako sa silid ko.

Nandito kami ngayon sa isang sikat na hotel sa Iloilo City para daluhan ang napakalaking conference. Owners of different businesses here in the Philippines gathered fort his one specieal event. Instead of Mr. Cofer, si sir Glaz ang pinadala para dumalo. It's not very much in line with his work, but since Mr. Cofer asked him personallu, he gladly accepted. Sa totoo lang, di ko rin naman trabaho ang maging assistant ni Sir Glaz. I'm not his secretary, but he brought me here because he wanted me to know more about Cofer. I should be thankful, shouldn't I?

I stayed inside my room for an hour. Nagsurf ng internet, nanood ng telebisyon, kumain, but when boredom hit me, I changed my clothes and went out for a quick tour around the area. Dalawang araw na kami rito pero di ko pa naiikot nang husto ang hotel at ang mga katabi nitong restaurants, malls and convenient stores. I think now is the right time for it. Tutal may dalawang oras pa naman bago ang salu-salo.

 Tutal may dalawang oras pa naman bago ang salu-salo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
That One MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon