Chapter 23: Yiee

3.2K 89 8
                                    

Matapos ng ilang oras kong pagpapahinga, napagpasyahan kong balikan si Igon sa silid nya. Jeserr was not around when I woke up. Hindi ko na tinanong pa sa dalawang bantay ko na sina Vari at Pytha kung nasaan sya. Mas mabuti na ring wala muna sya ngayon sa harapan ko dahil di ko alam ang irereact pag nakita sya.

Hindi pa rin talaga mawala sa isipan ko ang ginawa nyang pagnakaw ng halik. Is he nuts? Why did he kiss me?

"Hey." Untag ko kay Tancsc na nakaupo sa sofa at mukhang inaantok na. It's almost five in the afternoon.

"Oh, Winey." Umayos ito ng pagkakaupo at tiningnan ako. "May kailangan ka ba? Umiling ako.

"Mas mabuti pa sigurong ikaw naman ang magpahinga, Tancsc. Umuwi ka na muna sa condo mo. Ako na ang bahala kay Igon."

"Sigurado ka?"

"Yeah. Nandyan naman sina Vari at Pytha kung sakaling may mangyari. Umuwi ka na muna at magpahinga."

Tumango ito at sumunod sa sinabi ko.

"Call me if he wakes up."

"I will. Mag-ingat ka sa pag-uwi."

"Thanks."

Nang makalabas na si Tancsc, umupo ako sa silyang katabi lang ng kama ni Igon. Hinawakan ko ulit ang kamay nito at pinakiramdaman.

"Igs." Pagtawag ko sa kanya. "Gising ka na, uy." Inilapit ko sa pisngi ko ang kamay nya. "Sige ka. D-di ko ikukwento sayo ang ginawa ni Jeserr." I cracked. "Gising na. Ang tagal mo nang natutulog."

I sighed when nothing happened.

"Hindi na kita dapat dinamay pa. Jeez. I should have known better. Bakit ba kasi di ko naisip na pwedeng mapahamak ka." I brushed my hair in frustration. "Si dad ang inalala ko, ni di ko man lang naisip na pwede kang madamay." Nakahawak parin ang kamay ko sa kanya nang iyuko ko ang ulo ko at ipatong iyon sa kama nya. I hid my face. "Walang dapat sisihin kundi ako eh."

"Why a-are you so loud?"

I raised my head when I heard Igon's soft voice. Dahan-dahan itong nagbukas ng mata. The moment he laid his eyes on me, I didn't wait any further and threw myself to hug him.

"Igs!" I cried in happiness. "Y-you're awake now!"

He hugged me back and patted my back. Nang ilayo ko ang sarili sa kanya, napangiti ito at pinunasan ang pisngi ko.

"Pinag-alala mo ko!" I pouted. He continued smiling.

"M-mas pinag-alala mo ko." Mahina pa rin ang boses nito. "Hindi ka dapat pumasok don."

I slightly punched his arm.

"Anong hindi? Kung di ako pumasok, baka tuluyan ka nang nawala sa akin. As if namang hahayaan ko iyon." While talking to him pinress ko ang alarm na magtatawag ng nurse at doctor. "Okay ka lang? Walang ibang masakit sayo?" Nag-aalala kong tanong at sinuri sya. He laughingly pushed me away.

"I'm fine, Wine. You saved me. Thank you."

Napangiti ako sa sagot nya.

"Ikaw talaga. Oo naman. Ikaw pa ba."

The doctor and nurses came inside. Kasabay nilang pumasok si Jeserr. Habang dino-double check ng doctor si Igon, tinabihan ako ni Jeserr.

"Pinauwi ko muna si Tancsc." May kaunting ilang sa akin while talking to him.

"Yeah, I saw him outside." Sagot nito.

"I told him I'll call him if Igs wakes up, but maybe later. Wala pang pahinga ang isang iyon."

That One MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon