Kahit na alam kong ligtas ako sa bahay ni lola Fel, di ko pa rin maiwasang di mapakali. I'm not thinking about my situation right now. Mas inaalala ko pa ngayon ang daddy ko.
God only knows what can possibly happen. Wala akong ideya kung anong ibig sabihin ni Evo sa mga paratang nya pero isa lang ang sinisiguro ko, I have to tell dad to be careful.
"Winey, iha, kanina ko pa napapansing aligaga ka." Jeserr's mom stopped me from going back and forth.
"Sorry po. Marami lang po kasi akong iniisip ngayon." She held my hand and led me to the sofa. Pinaupo nya ako roon at binigyan ng tubig pampakalma.
"Don't worry. I'm sure my son is taking care of it now." I just faked a smile on what she said.
Paanong maaayos ni Jeserr ito kung wala nga itong kaalam-alam sa kung kanino nanggaling ang pananakot. He thought it was because of that obsess woman. Ni hindi nga siguro pumapasok sa isipan nito si Evory.
"Maiba ako, iha. Hindi ko pa nakikita ang mga magulang mo. Are they living here or not?" She asked.
"My biological mom died while giving birth to me. My dad, together with my stepmom, is living in the States."
"Ah ganoon ba. Laren diba ang apelyido mo?"
Tumango ako. I noticed her forehead furrowing.
"Bakit po?" Hindi ko napigilang magtanong.
"Ah wala, sumakit bigla iyong ulo ko. I think I have to take my meds again. Akyat muna ako. Okay ka lang bang mag-isa dito?"
I smiled.
"Opo."
"Sige, maiwan na muna kita."
I watched her walk to the stairs. Jeserr's mom really felt familiar to me. Hindi ko lang malaman kung sa anong aspekto sya nagiging pamilyar sa akin. I have this feeling I met her before or I don't know. Her name sounds familiar to me.
Anyways, hindi iyan ang dapat na inaalala ko ngayon.
Bumalik na naman ulit ang takot ko para kay daddy. Hindi ko alam ang takbo ng isipan ni Evo kaya kailangang maging matalino ako sa bagay na ito. I only have myself in this one. Alam ni Igon ang tungkol sa kontrata ni Evo sa Antonio's at ang tungkol sa pagbubuntis ni Rectine, pero di ko pa nasasabi sa kanya na galing kay Evo ang mga pananakot.
I will tell him soon, but for now, si daddy muna ang kailangan kong kausapin.
I dialled lola Fel's number. Tatlong rings pa lang ay agad na itong sumagot.
"Lola Fel, ako po to. Si Winey."
"Oh, Winey apo. Bakit napatawag ka? I heard about the threats. Okay ka lang ba?"
Lola is currently out of the country for a business trip. I don't intend to disturb her business there, but I badly needed her help.
"Okay naman po ako, la. Salamat po sa pag-aalala."
"Ano ka ba, iha. Bahagi ka ng pamilya kaya wala kang dapat ipagpasalamat. Bakit ka nga pala napatawag?"
"Hihingi po sana ako ng pabor sainyo, la."
"Sige ba. Ano yun?"
Nilakasan ko muna ang loob ko bago ako sumagot. Para kay daddy, I kept saying on my mind.
"Gusto ko po sanang bisitahin si daddy sa States. Nakakahiya po pero pwede ko po bang hingin ang tulong nyo para makita agad si daddy?"
"You surely miss your dad, don't you?"
BINABASA MO ANG
That One Mistake
RomanceBABAYI SERIES 2: Winey Laren's Story "Every inch of me is a mistake not worth fighting for." #ThatOneMistakeWP Date started: January 12, 2019 Date completed: March 29, 2019 Book cover by @_hvnlyflwrs