Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng maayos sa condo niya. Isa lang alam ko, I need to get myself far away from that mad man.
He is a monster! Akala ko wala nang hihigit pa sa pagiging halimaw nya sa mga babae, meron pa pala. He is the son of Satan. I can't believe I once worked under his supervision! Sakim sya. Possessive sa mga pagmamay-ari nya. Mapanamantala. Mapanakit. Tuso. Gago.
"Anong nangyari sayo at parang di ka makalakad ng maayos dyan?"
Yan ang pambungad ni Igon nang makapasok na ako sa condo. Hindi ko sya pinansin at dumiretso ako sa silid ko. My side waist is hurting because of what he did, but I have no time to spare. Kailangan kong umalis bago pa nya totohanin ang huli nyang sinabi.
"Hey! Okay ka lang ba?" Napangiwi ako nang pwersahan akong yumuko para kunin ang laptop ko mula sa bag nito. Igon walked towards me. Bakas ang pag-aalala sa mukha nya.
"I-I'm fine."
Lie. Simula nang lumabas ako sa condo ni Jeserr, hindi na ako naging maayos. Mali. Simula nang magkita ulit kami ng lalaking iyon, hindi na ako naging okay.
"Print this." Utos ko kay Igon.
"Ano ba yan? Is that part of your wor--- resignation letter!?" His eyes widened in surprise. "Winey, ano to?"
"Please. Print mo na muna yan. Wala na akong oras."
"Teka nga!" He stopped me from getting up. "Ano bang nangyayari sayo? Ilang araw ka nang ganyan tapos ngayon kababalik mo lang galing States tapos parang wasak na wasak ka. Magtapat ka nga, anong nangyari?"
I bit my lips. I need to be strong. Hindi pwedeng pati si Igon ay madamay sa gulong kinasasangkutan ko.
"I-I'm fine."
"Try harder, Wine. You know I know you better than yourself. What is it?"
Humigit ako ng napakalalim na hininga.
"N-Nag-away kami ni dad kaya babalik muna ako sa States. I-I'll stay there hanggang sa magkaayos kami."
Biglang kumalma si Igs nang marinig ang sinabi ko. I looked at him straight to his eyes. I'm sorry. I needed to lie because I don't want to get him involve in this mess.
"Ano bang pinag-awayan nyo?" Dahil sa dahilan ko, unti-unti na nya akong binitawan. Malaya akong nag-ayos ng iilang gamit na dadalhin ko palayo sa condo ko, palayo sa lugar na ito.
Ang kaibigan ko namang walang kamalay-malay ay ipinrint na ang resignation letter.
"Thanks." I signed the paper and handed it back to him. "Tonight's my flight back to the States. Ikaw na bahalang magpasa nito. Sorry talaga. Gusto kong ikwento lahat pero I need to go back."
Igs pulled me for a hug.
"I understand. Kung ano man yan, sana maayos na." He sighed and tightened the hug. "Dalawa na kayo ngayon ni Aivanah na wala sa tabi ko."
I hugged him back.
"Sorry talaga. Pangako, babalik agad ako. Aayusin ko lang 'to."
"Call me if you have time, okay?" I nodded and for the last time, hugged him again.
Hinatid nya ako sa sasakyan ko. He waved me goodbye at nang tuluyan na akong makalayo sa building, I stopped the car.
Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa gulong-gulo na ako. Any minute now, sasabog na ang utak ko. Sa mga ganitong klaseng sitwasyon, iniisip ko na sana may truck na lang na bumangga sa kotse ko para tapos na ang mga iisipin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/174595267-288-k56798.jpg)
BINABASA MO ANG
That One Mistake
RomanceBABAYI SERIES 2: Winey Laren's Story "Every inch of me is a mistake not worth fighting for." #ThatOneMistakeWP Date started: January 12, 2019 Date completed: March 29, 2019 Book cover by @_hvnlyflwrs