Chapter 14: Glaz

3.3K 93 10
                                    

Hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang mukha ng step mom ni Jeserr. Divian is a familiar name but I just can't remember where I heard that.

Bumabagabag din sa isip ko ang tungkol sa pagkatao ni Jeserr. Pareho lang pala kaming anak sa labas.

But why is he like that?

Anak din naman ako sa labas pero hindi naman ako lumaking masama. Come to think of it. Even if he's a bastard, his step mom treats him better than my step mom.

Paanong ganyan pa rin sya kasama?

May hindi pa ba ako alam?

Should I ask lola?

Jeez! Why am I even thinking about that. As if namang may pake ako sa buhay ng halimaw na iyon.

PABABA na ang araw nang makarating ako sa harap ng Cofer company. Kaarawan ngayon ni Igs at ililibre nya ako ng hapunan.

I parked the car not far from the entrance of the company, then went to the lobby.

Medyo akward lang ang paligid dahil may iilang nakakakilala sa akin. Iyong iba pa, sobra-sobra kung makatitig.

"Hi."

Pagbati ko sa receptionist.

"Ma'am Winey, kayo po pala."

I don't remember her name, but her face. Nginitian ko na lamang sya.

"Nakalabas na ba si Igon?"

"Si sir Igon po?" He looked at the computer kung saan makikita nya ang pagla-log-out ng mga empleyado. "Hindi pa po ma'am. May pa-emergency meeting ata sa department nila."

"Ah ganoon ba. Sige, maghihintay na lang ako."

"Sige po."

Naglakad ako patungo sa mga upuang naroroon. Before I could sit, narinig ko ang boses ni sir Glaz.

"Winey."

"Sir Glaz!"

Lumiwanag ang mukha ko nang makita sya. It's been months already.

"Kumusta po kayo?"

Hyper kong tanong.

"Maayos naman. Ikaw? Balita ko kinasal ka na."

My smiled faded in an instant.

"Ah, yeah."

Napatango ako na labag sa loob.

"Di ko alam na malapit pala ang loob mo sa ex fiance ni Rectine."

Hindi na ako nakasalita. I wet my lips.

"Kumusta ka na?"

He asked again.

"Okay lang po. Sorry po pala dahil di na ako nakapagpaalam ng maayos noon."

Napakamot ako sa ulo dahil sa hiya.

"If you're really sorry, then why don't you buy me a coffee?"

"Po?"

"May coffee shop malapit dito."

"Ah" Nang magets ang sinabi nya ay napatango na lamang ako. "Sige po sir."

I took my phone out and texted Igs.

"Tara?"

"Sige po, sir."

Coffee shop

"Saan ka na ngayon nagtatrabaho?"

He asked after sipping his coffee.

That One MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon