Chapter 32: The Monfasco

3.6K 89 8
                                    

MY HANDS are sweating as I sat and wait for Evory Monfasco. Simula nang gabing ipinahamak nya ako, ngayon ko lang ulit sya makakaharap.

I don't care what he looks right now- whether he is doing worst or living a hellish life, I don't give a damn. Isa lang ang gusto kong makuha sa kanya mula sa pakikipagkita ko ngayon. Bakit hanggang ngayon di pa rin nya ako tinitigilan?

I tried to remain calm as possible as I could when the door to the other side opened. Iniluwa nito si Evory. Nakakapanibagong makita sya sa suot nyang orange na tshirt at pants. The man in suit and tie is gone already. Ang kaharap ko ngayon ay isang masamang tao na di ko inaasahang ipapakulong ko.

"What a surprise!" His lips smiled at soon as he saw me. Tanging ang transparent glass lamang ang pumapagitna sa aming dalawa. When we wefe both left by the police officers, nawala ang ngiti sa labi nya.

"Laren, Laren, the fucking Laren who put me in jail. Fucking heavens, what the hell are you doing here?" I can see madness in his eyes. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya lalo na't may kaunting takot pa rin ako sa kanya. "Bakit di ka nagsasalita? Cat got your tongue, huh?"

I bit my lips. He has not changed even just a bit.

"How long has it been, hmm? Three months- going four, right?"

"Hindi ako nagpunta rito para kumustahin ka tungkol sa kalagayan mo ngayon, Evo."

"Oohhh. That was a gentle voice." He laughed so hard that it echoed. He stopped when he didn't hear a response from me.

"You locked me in jail, you fucking bitch! Anong gusto mong gawin ko ngayon? Should I thank you for putting me here and taking everything I built!?"

"Kung hindi mo ko pinahamak, di naman ito mangyayari!"

"The deal I offered you is clear as a slate, didn't I? Ano bang huling hiningi ko mula sayo?"

"Sa tingin mo maniniwala akong di mo ako ipapahamak pag binalik ni Jeserr sayo ang kompanya mo?" He grinned and shook his head.

"I am a man of my words, Laren!"

"You are not! You hired a man to shoot me after I left Jeserr! Hindi iyon ang usapan!"

"Oh!" He clapped his hands. "Oh fucking heavens, you still have no idea?" Humalakhak ulit ito. "The cat did get what it wants, huh."

I closed my eyes as I calm myself down. I need to get what I want from him nang sa gayon makaalis na ako. Hindi ako makahinga nang maayos na kaharap ang lalaking naging dahilan para maghabol ako ng hininga tatlong buwan na ang nakakaraan!

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, Evory. Sagutin mo 'ko. Bakit di mo pa rin ako tinatantanan gayong nakakulong ka na!?"

"Me? What did I do this time, honey?"

"Wag kang umakto na parang wala kang alam." My lips thinned while waiting for the answers.

"I don't understand what you're saying, Laren."

"Really? Well, let me show you." Inisa-isa kong ipinakita sa kanya ang mga lalaking inutusan nya para sirain ang negosyo ko. "Baka lang di mo alam. Nahuli't nakausap ko ang bawat isa sa mga inutusan mong sirain ang negosyong meron ako!"

He just laughed at the photos I showed him.

"Did I hire these guys? Really?" Ibinaba ko ang mga litrato at napatayo ako sa sobrang pikon sa mga sagot nya.

"I had enough of your threats, Monfasco!"

"I did not do anything." Itinaas nito ang dalawang kamay nya sa ere at nakangising tinitigan ako.

That One MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon