"Why?" Isang salita lang ang lumabas sa bibig ko nang magharapan kaming dalawa ni Rectine. I prepared myself for this one-on-one with her. Hinigop ko ang lahat na lakas ng loob para makaharap sya sa pareho lugar kung saan ko huling nakausap si Evory.
It's been six long years. Anim na taon na ang lumipas nang huli kaming nagkita ni Rectine.
"You took away my only chance of surviving. Inagaw mo ang lahat na dapat ay para sa akin. Si Jeserr at ang kompanya! Ikaw, nagsasaya samantala ako rito'y naghihirap!"
Natawa ako sa paratang nyang iyon. Me? Afterall these years, ako pa ang may kasalanan? Ni hindi ba man lang sya minsan magreflect sa sarili nya at nang kusang matanggap nya na wala akong ginawang masama sa kaniya o kay Evo man.
"Rec, do you want me to remind you everything? Baka lang kasi nakakalimutan mo na ikaw ang nagsimula ng lahat! Wala akong inagaw sayo. Six years! My gosh. Anim na taon na ang nakararaan pero hanggang ngayon ako parin ang sinisisi mo sa mga nangyari noon?"
Hindi ako makapaniwalang ang kaibigang tinuring ko ay sasaksakin ako patalikod. We may not be best of friends, but I truly cared for her. Kahit na noon ay napakanonsense ng hiningi nyang pabor mula sa akin ay ginawa ko pa rin. I just can't believed it! She- she put me in that place and what? Ako pa ang sisisihin nya?
"What do you want from me, Winey?" Bakas sa mga mata nito ang labis na pag-iyak. It's been years since she got jailed, of course hindi nya iyon madaling matatanggap. I never once talked to her after that incident in the container. Wala akong lakas para harapin sya. I felt so betrayed that the thought of seeing her again just gave me chills. Subalit ngayon, nilakasan ko na ang sarili ko. I needed to face and talk to her in order for me to move on with my life. Kinailangan ko itong gawin para tuluyan na akong makalipat sa panibagong yugto.
"I just wanted to tell you one thing, Rec. Gusto ko lang klaruhin ang lahat sayo bago ko ikaw tuluyang alisin sa buhay ko."
She looked away as I started telling her the things I want her to know.
"You are a dear friend to me. Alam mo yan. Ikaw ang pinakamalapit na katrabaho't kaibigan ko sa Cofer noon. I did make a mistake by sleeping with Jeserr. I'm sorry about that. Gaya ng sinabi ko dati, it was a mistake and we were both drunk that time. When you asked me a favor, I declined. Tumanggi ako kasi ayokong maging parte ng kahit na ano patungkol sa buhay nyo lalo na kay Jeserr. Pero wala akong nagawa, hindi ba? I gave in and did you a favor. I suffered when I started living with Jeserr. Kung sa tingin mo, pinlano kong pahulugin ang loob ni Jeserr, nagkakamali ka. We don't like each other at all, but because of everything that had happened, I got no other choice but to depend on him. I didn't plan that, okay? I didn't! Hindi ko rin sinadyang magkagusto sa kanya. It just happened." I paused and released a long sigh. "Maniwala ka man o sa hindi, sa ilang buwan kong paninirahan kasama si Jeserr, ni minsan Rectine di kita sinabihan ng masama o kaya'y sinisi man lang. I always blamed everything to Jeserr, to Evory, and even to myself."
"You suffered?" Natawa sya bahagya. "Oo naghirap ka nga kasama si Jeserr. Oo at namuhay ka na parang nakakulong dahil pwersahan kang kinasal kay Jeserr pero Winey, don't act as if naagrabyado ka ng sobra-sobra! Tingnan mo ang sarili mo ngayon, Wine." Nanunubig ang mga mata nya nang ibalik nya ang tingin sa akin. "Lahat na ginusto ko noon, nasaiyo na lahat ngayon! Kung alam ko lang na ganito magtatapos ang lahat sana di na kita hiningan pa ng pabor. Kung alam ko lang na ikaw lang pala ang magiging nasaya sa huli, sana di ko na ginawang malaking issue pa ang pagkama sayo ni Jeserr." She glared at me. I could feel the anger in her stares. Kung wala lang sigurong harang sa pagitan namin ay malamang nasaktan na nya ako.
"Hindi ako ang may gusto nito, Rec. You put me into Jeserr's world! Hindi ko kontrolado ang takbo ng panahon at ang nararamdaman namin! Kung may sisisihin man sa atin, ikaw iyon. You made a wrong mistake and that made you miserable. Ako, oo nga't nagkamali ako pero sa pagkakamaling iyon, pinili kong maging mabuting tao. Sa kabila ng lahat na ginawa ko o nagawa ko saiyo, mas pinili kong maging makatao at masayahin."
BINABASA MO ANG
That One Mistake
RomanceBABAYI SERIES 2: Winey Laren's Story "Every inch of me is a mistake not worth fighting for." #ThatOneMistakeWP Date started: January 12, 2019 Date completed: March 29, 2019 Book cover by @_hvnlyflwrs