Chapter 13: Double U

3.6K 89 3
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas nang makatanggap ako ng di-magandang regalo sa isang taong di ko man lang kilala kung sino.

Jeserr and his men tried to look for the sender but up until now, there is nothing.

Nandito ako ngayon sa bar na pagmamay-ari ni Jeserr. The one and the only place I worked at when I was still studying.

Maraming masasayang alaala sa lugar na ito subalit lahat ng iyon unti-unti nang natatakpan ng nararamdaman ko kay Jeserr.

As days grow, my hatred towards him grows, too. Hindi ko alam kung hanggang- saan aabot ang tindi ng galit ko sa kanya.

"Rollen, ano ba. Kanina ka pa ha!"

I snapped my fingers in front of my bartender friend. Kanina pa kasi ito nakatitig sa akin na para bang di makapaniwala.

"Hindi ko pa rin talaga maiproseso, Wine eh. Ang huling usap natin, klarong-klaro na kaibigan mo yung fiance ni sir. Tapos ngayon, ikaw na ang misis nya."

Inabot at pinitik ko ang noo nya.

"Dalawang linggo na ako rito! Anong di mo pa maproseso?"

I hissed.

"Wag mo na lang kasing isipin ang tungkol dyan. Hindi rin naman importante. Nandito lang ako ngayon kasi nasa ibang bansa si Jeserr."

I crossed my arms.

Nagmumukha akong sekretarya nya sa pinanggagawa nya! Just because I married him doesn't mean pwede nya akong utus-utusan!

"Eeeh"

Parang kinikiliti ang leeg nya sa sinabi ko.

"Ano na namang nangyayari sayo?"

Tanong ko na may pagtataka.

"Noon, sir Jeserr pa. Ngayon, Jeserr na lang. Di ko alam kung kailan ako masasanay. Kung nandito pa siguro yung mga kasamahan natin, siguradong pati sila magrereact din gaya ko."

I rolled my eyes on him.

"Ewan ko sayo."

Tumayo na ako at naglakad patungo sa pangalawang palapag kung saan mas mapayapa. Dito kasi sa dance floor, punu-an at halos lahat may kanya-kanyang party.

Holding one glass of wine in my hand, I looked around the bar.

Nakakapagtaka lang minsan itong Double U.

Lola Fel has an airline companya. Kung iisipin, sapat na ang kompanyang iyon para mabuhay si Antonio.

But then, this bar. Why? What is in this bar na pati ito inaasikaso pa ni Jeserr?

Itinuon ko ang pansin ko sa cellphone ko nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Igon.

He's telling me he's going to come here. Gabi-gabi na lang iyong baklang iyon dito. If I know, he's just after one of the avid customers.

'Hindi ko pa nakikita yung bet mo dito.'

I replied.

'Loka-loka! Di naman yan ang ipupunta ko dyan noh!'

Natawa ako.

'Mukha mo, Igs! Ingat sa byahe. Take out ka muna ng pagkain. Di pa ako nakakahapunan.'

'Baliw na! Ganyan ka ba kabusy para di makapaghapunan? Pasado alas-nuebe na ah?'

'Ah basta. Take out. See you'

'Sige. See you.'

Binalik ko sa bulsa ang cellphone at uminom sa basong hawak ko.

Ibinalik ko ang tingin sa dance floor, subalit si nagtagal ay agad na nakuha ang tingin ko sa maliit na komosyun na nangyayari sa bar counter.

That One MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon