Chapter 12: Gift

3.6K 73 3
                                    

"Ano bang dream wedding mo, Vanah?"

"Ewan ko ba, Wine. Basta iyong simple lang. Ayoko ng beach wedding k-kasi alam mo naman. Gusto ko iyong church wedding lang pero punong-puno ng bulaklak iyong simbahan tapos sa altar, naghihintay ang lalaking itinadhana ni Lord para sa akin. Sayo ba?"

"Gaya mo, gusto ko rin iyong simple lang. Beach wedding naman iyong tipo ko kasi nakakagaan ng feelings iyong makita ang dagat eh. O di kaya'y church wedding din. Pero yung di gaanong magarbo. I want a wedding na pamilya lang ang makakakita. My family and friends, his family and friends. Walang dagdag na outsiders ba."

"Ay oo, I agree. Iyong very private, very romantic and intimate wedding."

"Oo, Vanah. Tapos iyong mapapangasawa ko, iyong prince charming ko nasa altar, naghihintay. Gusto ko iyong mapapaiyak ako habang naglalakad sa aisle patungo s  kanya. I want that kind of feeling. Iyong sobra-sobra ko syang mahal na maiiyak na lang ako sa saya. Tapos pag sinabi na ng pari na 'kiss the bride', magliliparan ang mga anghel sa kalangitan at makakaramdam ako ng paruparo sa aking tiyan dahil sa kasiyahan. Jeez! That would be magical!"

"Aww, I can't wait to see you on your wedding day, Wine. I'm sure you'll be the most beautiful princess in a gown. Sigurado ako dyan, bes."

"Jeez. Why am I even tearing up?"

I wiped the little tears that escaped my eyes. Nakatayo na ako sa labas ng simbahan at anumang oras ay bubukas na ang pinto.

"Buti na lang wala ka rito, Vanah. Hindi ito ang klase ng kasalang pinag-usapan natin."

Ani ko sa isipan.

"Miss Winey, in three seconds po."

Tumango ako sa wedding planner.

Tatlong segundo na lang ang natitira bago ako pumasok sa impyernong buhay. Tatlong segundo na lang. I still have the time to run away from all of these!

"3, 2, 1.."

Nang bumukas ang pintuan, lahat na tao sa loob ng simbahan ay manghang-manghang napatingin sa akin.

Nang bumukas ang pintuan, lahat na tao sa loob ng simbahan ay manghang-manghang napatingin sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi ito ang klaseng kasal na ginusto ko.

Cameras flashing wherever I look. Punong-puno ng media people, business enthusiasts ang simbahan.

Maraming ngumingiti sa akin habang naglalakad ako sa gitna ng pasilyo. They are all smiling from ear to ear pero ni isa sa kanila ay di ko kilala.

Private, romantic and intimate, hindi ito iyon.

"Dad."

Hindi ko man lang magawang ngumiti nang lumapit na si dad sa tabi ko. I inserted my arm on his side.

We both walked in the aisle. Dad's head is up high. I could feel his happiness while walking me to the altar.

Nang nasa kalagitnaan na kami, naging klaro na rin sa akin ang pagmumukha ng taong pinakakinasusuklaman ko.


That One MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon