"Nag-banyo ka na ba?" tanong ni Angelo kay Loren.
Napapikit si Loren sa hiya, gusto niya sanang tawagin si Isabel kanina kaso nagmadali itong lumabas ng kwarto.
"Huh?" ang tanging naisagot ni Loren.
"Kung nag-CR ka na? Umihi ganun"
"Hi-hindi pa"nahihiyang sagot ni Loren, " maliligo na rin ako pwede si Isabel na lang-
Natigilan si Loren ng isara ni Angelo ang pinto ng kwarto, kinuha nito ang basket ng mga damit at inilapag sa tabi ni Loren.
"Kumuha ka na ng damit na isusuot mo, at tutulungan kita papuntang banyo" ang sabi ni Angelo kay Loren.
Nang di kumilos si Loren at tumingin lang kay Angelo, napasabunot si Angelo sa buhok niya at nagpamewang.
"Pwede ba Loren, bilisan mo kumilos, hindi pwedeng maghintay na laang ako rito para sa iyo" galit na sabi ni Angelo.
"Wala naman akong sinabing hintayi-"
"Kukuha ka ng damit o gusto mong bihisan pa kita?" banta ni Angelo.
Nanlaki ang mga mata ni Loren. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod at kumuha ng damit niya. Wala itong lahat sa plano niya! Bakit ito nangyayari?! Ang sabi ni Loren sa sarili.
"Nasaan yung maliit kong bag? May kailangan kasi ako roon?" tanong ni Loren.
"Ibibigay ko sa'yo mamaya, bay-an laang ba ang kailangan mo?" sabay turo ni Angelo sa damit na hawak ng Loren.
"Oo nawala yung toothbrush ko"
" Mayroon sa banyo saka malinis na tuwalya" sagot ni Angelo, saka ito lumapit kay Loren para alalayan ito papuntang banyo na ilang hakbang lang sa loob mismo ng kwarto.
Di makapaniwala si Loren, ilang hakbang lang pala ito mula sa kama ang bathroom/toilet. Di niya ito napansin dahil natakpan ni Angelo ang pinto.
"Thank you!" ang sabi ni Loren na hindi itinago ang inis sa boses niya.
"Pwede mo na akong iwan, tutal MALAPIT lang naman ang banyo, kaya kong maglakad, di ko na kailangan ng tulong mo"galit na sabi ni Loren.
At parang di man lang naapektuhan si Angelo sa ipinakita ni Loren na pagkainis.
"Ibibigay ko yung bag mong maliit pinatuyo laang at nabasa ang pareho mong bag. Huwag kang mag-alala wala kaming kinuha rito" sabi ni Angelo.
"Wala akong inisip na ganun!" galit na sagot ni Loren na napabuntong-hininga, "look, alam kong mabubuti kayong tao".
Nagkibit balikat lang si Angelo at isinuksok ang mga kamay sa rear pockets ng suot niyang pantalon.
Di naman naalis ni Loren ang mga mata sa dibdib ni Angelo. Kitang-kita niya ang well-toned nitong upper body dahil sa wala itong suot na t-shirt. Napatingin din si Loren sa kwintas ni Angelo, hindi ito yung mamahaling kwintas, kundi gawa sa tali na abot hanggang sa pagitan ng dibdib nito, at ang maliit na krus ay gawa sa kahoy. Lalo lang nagbigay ng kakaibang karisma ang kwintas kay Angelo.
At nagawi ang tingin ni Loren paba abs ni Angelo, at mayron itong balahibo sa pusod pababa sa...
"Tapos ka na bagang pagmasdan ang katawan ko? At kanina ka pa nakamalag (nakatunganga) diy-an?" ang nakangisi at nang-aasar na tanong ni Angelo kay Loren.
Namula lang ang pisngi ni Loren at malakas na isinara ang pinto ng banyo. Narinig pa niya ang tawa ni Angelo.
**********
"What were you doing?!" gula na tanong ni Loren, nang pagbukas niya ng pinto ng banyo ay nakita niyang nasa loob pa rin ng kwarto si Angelo at hawak ang iPad niya at binabasa ang nakasulat dito. Paika-ikang lumapit si Loren at hinablot sa kamay ni Angelo ang iPad.
"Give me that!" galit na sabi ni Loren, "thank you sa pagdala mo ng gamit ko, now please I need some privacy".
"Kahit pa nasa isla kami marunong kami gumamit ng gadget, di kami ignoramus na inaakala mo, na sisirain ang gamit mo" galit na sagot ni Angelo. Di siya galit kay Loren dahil sa itinuring nito, galit siya sa nabasa niya sa tablet nito.
"Hindi iyun ang ibig kong sabihin! You're reading what's written in my tablet, and private yun!" galit pa rin na sagot ni Loren.
Tiningnan siya ni Angelo mula ulo hanggang paa, pare-pareho lang sila, sabi ni Angelo sa sarili. Wala silang pinagkaiba ni Agnes.
"Kaya ka sumunod sa nobyo mo ay para magpropose ng kasal?" di makapaniwalang tanong ni Angelo, "at sa first day yun. Sa second day, you will give your virginity to him, happy face" galit na sabi ni Angelo.
Napanganga si Loren, "binasa mo ang aking schedule?!" di makapaniwalang tanong ni Loren at pinigilan niya ang sarili na di sumigaw para maiwasang may makarinig sa kanila.
"Pasensya na po kasi bigalang nag alarm ang iPad mo kaya tiningnan ko at nasa banyo ka pa hane?" sagot ni Angelo na di mababakas sa boses nito na sinsero sa paghingi ng pasensya.
" Di no pa rin dapat binasa" sagot ni Loren.
Nagkibit balikat lang si Angelo, na mas lalong ikinainis ni Loren.
"Maupo ka't itaas mong binti mo" utos ni Angelo kay Loren.
"I beg your pardon?"
"Kailangan kong palitan ang bandage mo na"
"Ako ng gagawa di naman ako invalid"
"Hindi nga kandi (landi) laang" ang mapang-asar na sagot ni Angelo.
"Naintindihan ko yan!" sagot ni Loren kahit hindi.
"Maigi at naintindihan ng gasingot mong utak!"
Napanganga si Loren, di man niya naintindihan ang sinabi ni Angelo, nabakas niya ang galit at inis sa boses nito. At di niya alam kung bakit nagalit ito sa kanya.
"Ay siya ikaw nang gumawa niy-an sa iyong sugat at ako'y yayaon na!" galit na sabi ni Angelo, sabay hagis kay Loren ng bandage at betadine na nasalo naman ng dalawang kamay ni Loren. Saka mabilis na lumabas ng kwarto si Angelo.
"Gwapo sana may topak lang" sabi ni Loren.
Tumayo pa muna si Angelo sa labas ng kwarto ni Loren. Di niya alam kung bakit ganun ang ikinilos niya. Mahaba ang pasensya niya, pero ng nabasa niya ang nakasulat sa iPad nito, di niya alam kung bakit ikinainis niya iyun ng husto. Wala siyang karapatang magalit kay Loren. Dahil ba sa naalala niya si Agnes kay Loren? Ang babaeng taga-Maynila na pumunit ng puso niya?
BINABASA MO ANG
Right on Schedule [complete] © Cacai1981
Romance(mature readers only! 18+) "Pero bakit? bakit ikaw pa rin ang babaeng gusto kong maangkin pero alam kong kahit kailanman ay di magiging akin?" ang muling sabi ni Angelo na mababakas ang hinanakit sa boses nito. "Bakit di mo subukan?" ang mahinang s...
![Right on Schedule [complete] © Cacai1981](https://img.wattpad.com/cover/175039570-64-k878454.jpg)