Chapter 11

4.8K 166 10
                                    

Pinapanunuod lang ni Loren sina Angelo at ang kababata nitong babae na hanggang ngayon ay di pa niya alam ang pangalan at wala siyang balak na alamin! galit na sabi ni Loren.
     Oo nga at hinalikan siya nito kanina sa ilalim ng puno ng saging, at napatalon pa siya kay Angelo nang may tumalon na palaka sa kanyang paa.
     Pero pagkatapos nitong kargahin siya papunta ng kubo, at iniupo siya nito. Agad naman itong umalis, at muli na namang tumabi sa kababata nitong babae.
     At ang sweet pa ng dalawa at magkatulong ang mga ito sa pagtitibang saging.
     At talagang nanggigigil na siya sa inis, dahil nakita pa niyang nagpupunas ng pawis si Angelo rito.
     At ngayon nga ay tanghali na at nasa kubo na silang lahat para kumain, at sa halip na dapat ay siya ang nag-aasikaso kay Angelo, si "kababata" ang gumawa nun para rito, pero di ipakikita ni Loren na apektado siya, ang inis na sabi ni Loren sa sarili.
     "Ako si Loren Alegre, who didn't break a sweat, underpressure ay magpapaapekto sa bwisit na dalawang ito! no way!" ang mahinang sabi ni Loren. Pero taliwas ang sinabi niya sa sarili sa tunay niyang nararamdaman.
     "Loren halika na't kumain na tayo!" sigaw ni Rosing kay Loren.
     Lumapit si Loren sa lamesa kung saan nakalatag ang dala nilang pagkain, nagdala rin ng mga kakanin ang asawa ng mga trabahador na kasama nila, kaya naman, punong - puno ang lamesa ng masasarap na pagkain.
     Kumuha si Loren ng plato, na di man lang tiningnan ni sulyapan man lamang ang dalawang magkatabi na kumakain, na nakapwesto pa malapit sa lamesa.
     Wearing her snooty face that she could muster, para magmukhang wala siyang paki sa mga ito, kumuha na si Loren ng pagkain at inilagay sa plato niya at naupo sa tabi nina Isabel at nanay Rosing, at sa halip na gumamit ng kutsara ay nagkamay din si Loren katulad ng iba, kahit pa, hirap na hirap siya sa pagkakamay, ay tuloy lang sa pagkain si Loren.
     Ang di niya alam ay pinagmamasdan siya ni Angelo. Nangingiti ito dahil sa pinakitang pagpupursige ni Loren na makibagay sa kanila.
     "Loren nga pala'y, di na masyadong maalon ikaw baga'y susunod na sa Patnanungan? para maipahatid ka na namin kay Isko" ang sabi ni Rosing.
     Napatigil sa pagsubo si Loren, "pinapaalis n'yo na po ba ako?" ang malungkot na tanong ni Loren.
     "Ay hindi, mas gusto nga naming narito ka, hane, kaso baka ikaw ay may sadya doon sa iyong nobyo" sagot ni Rosing.
     Namula ang mukha ni Loren, nawala lalo pa at ang sadya niya kay Christian, ay ang alukin itong kasal, pero, nang mapadpad siya rito sa Burdeos, ay nakalimutan niya, ang pakay niya na iyun.
     "Kung okey lang po sana sa inyo na mag-stay pa po ako sa inyo ng ilang araw? dito ko na po sana gusto mag-spend ng vacation ko. Kung okey lang po at di ako nakakaabala?" nahihiyang tanong ni Loren.
     "Ay sobrang saya ko hane?" maigi't dito ka na laang sa amin magbakasyon at bihira ang bisita sa amin" sagot ni Rosing.
     "Salamat po nanay Rosing" ang masayang sabi ni Loren.
     At dahil di tinitingnan ni Loren si Angelo, di niya nakita na napatigil ito sa pagkain at hinintay ang sagot niya.    
     At di rin niya nakita ang ngiti sa mukha ng binata ng marinig nito ang sinabi ni Loren.
     Hindi na nakatiis si Angelo at lumapit na siya at naupo na sa tabi ni Loren. Napangiti lang si Angelo kahit pa inirapan siya nito. Kutob ni Angelo na nagselos si Loren kay Maricel.
     "O bakit ika'y nakamusdot?" Ang natatawang tanong ni Angelo habang sumusubo ng pagkain.
     "Bakit naman naman ako naka-ano nga yun?" Tanong ni Loren ng di maalala ang salitang ginamit ni Angelo.
     Napahalakhak naman si Angelo at nang ibinuka ni Loren ang kanyang bibig para magsalita ay bigla siyang sinubuan ng pagkain ni Angelo.
     Nagulat at kumunot ang noo ni Loren, pero lalo lang natawa si Angelo sa kanya, nang makita ang gulat nitong mukha.
     "Kanina ka pa kasi hirap na hirap kumain" biro ni Angelo, "bakit ba hindi ka na lang magkutsara?"
     "Marunong po akong magkamay" ang mataray na sagot ni Loren, at saka siya nagpatuloy sa pagkain.
     "Salamat ha" ang mahinang sabi ni Angelo.
     Muling kumunot ang noo ni Loren, dahil nagtaka siya sa sinabi ni Angelo.
     "Salamat saan?" ang takang tanong niya.
     "Na, dito ka muna sa amin" ang sagot ni Angelo.
     She looked at him, and their eyes held gazes. Their eyes exchanged unspoken words, of what they felt, that neither of them, refused to tell each other.

     Hinugasan na ni Loren ang kanyang mga kamay pagkatapos kumain,at nagpasya siyang kumuha ng litrato habang kumpleto silang kumakain sa kubo. Sobra niyang mamimiss ang mga taong ito.
     "O groufie tayo ha" malakas na sabi ni Loren at lahat sila'y tumingin sa kanyang phone. Nakailang kuha rin siya at sa lahat ng kuha nila ay katabi niya si Angelo.
     "Iyan baga'y ilalagay mo sa peysbuk?" Tanong ni Rosing.
     "Opo, ipopromote ko ang lugar ninyo para dayuhin ng maraming turista" sagot ni Loren, habang ibinabalik ang phone sa maliit niyang bag.
    "Maigi hane?" Sagot ni Rosing.
    "Madalas din po kasi na maraming nagtatanong sa'kin na couples or yung mga ikakasal na, ng magandang lugar na pwedeng mag honeymoon. Lalo na yung mahilig sa adventures, di ba papunta pa lang dito adventure na?" Sabi ni Loren.
     "Adventure? Ay magkulong laang sila sa kwarto'y subra-subrang adventure na hane Angelo?" Ang sabi ni Isko.
     "Tamuka igagaya mo pa ako sa iyo" sagot ni Angelo, "ikaw itong sobra sa iyu"-
     "Huy magtigil kayo!" Saway ni Julio sa dalawa.
     "Asuuus, ikaw nga itong kunwaring inalis ang puwing sa mata ni Loren, pasimple humalik hane" pang-aasar ni Isko.
    "Ay ano bagang magagawa ko, e nagkunwari laang pala siya na napuwing at ako'y hinila, di pa nakuntento'y nagpakarga pa hane" sagot ni Angelo.
    "Kapal ng mukha mo!" Inis na sagot ni Loren sabay bato kay Angelo ng hawak niyang tissue na naging dahilan para magtawanan ang lahat.

Right on Schedule [complete] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon