Chapter 2

6.4K 148 4
                                    

                        

Twelve ng gabi ng magpunta si Loren sa terminal ng mga bus at van na biyahe pa Infanta, Quezon na daraan din sa bayan ng Real kung saan naroon ang port na papunta ng Polilio Island.
Pagkahatid sa kanya ng grab sa Legarda terminal, ay agad siyang nagtanong kung saan ang sakayan. Pinapili siya ng mga mga tao na naroon kung alin ba ang gugustuhin niya kung bus or van. Napagpasyahan niyang sumakay na lang ng bus dahil ito ang malapit ng umalis, ayaw na niyang maghintay pa ng matagal at abutan siya ng tanghali sa biyahe.

Masarap ang byahe dahil walang traffic, ang sabi ni Loren sa sarili, binayaran na rin niya ang katabing upuan para di siya masikipan, at maipatong niya ang kanyang dalang backpack ng maayos.
Everything was well, hanggang sa dumating na sila sa zigzag road pagpasok nila ng Theresa sa Rizal, at mas lumala pa pagdating nila ng Laguna hanggang sa maabot nila Real Quezon. Napakapit na lang si Loren at napadasal, dahil sa parang hindi man lang nagmemenor ang driver, kahit pa nasa mga pakurba silang daan. Hilung-hilo si Loren at isinumpa ang daan, at laking pasalamat niya at halos halikan ang lupa ng marating ang port ng Real,Quezon.
Alas-kwatro pa lang ng madaling araw at di pa nagpasakay ng mga pasahero, na kahit maaga pa lang ay marami na. Minabuti na muna niyang mag-almusal, marami nang bukas na tindahan. Sa isang malaking lugawan siya kumain at uminom ng instant coffee. Pagkatapos ay naghanap siya ng restroom. At pagkatapos ay naupo na muna siya at nag browse sa kanyang phone para patayin ang oras, habang naghihintay. Pagdating ng alas-singko ng umaga, nang nagsimulang nagpasakay ang tripulante ng mga lantsa.
Pero parang nananadya ang tadhana at ayaw siyang paalisin at pasunurin kay Christian.
"Naku po, at ito laang muna ang bangkang paalis pa Polilio, at may sama ng panahon at amihanin. Mamaya na laang ang iba mag tanghali, kapag gumanda na po ang panahon hane, ay, subra na ang pasahero, ay di na kayo aring sumakay" ang sabi ng tripulante kay Loren.
Hindi! Hindi ito pupwede! Sinilip ni Loren ang sakay ng lantsa, puro mag pinamili na mukhang mga paninda at Styrofoam na malalaki ang nasa loob kasama ng mag pasahero. No! Di siya pwedeng maiwan dito!
"Kuya, kahit sa sahig na lang po ako uupo, sige na po, importanteng makarating ako ng Polilio ngayong araw" pagpupumilit ni Loren.
Napakamot ng ulo ang lalaki, " ay siya, bay'an lang ba ang iyong dala?" tanong nito kay Loren, at itinuro ang backpack niya.
"Opo, ito lang ang dala ko" ang mabilis na sagot ni Loren.
"Ay pasok na po kayo, hane? At nang makita natin kung kasya, at tayo'y yayaon na" sagot ng lalaki.
"Salamat po" ang masayang sagot ni Loren. ''Thank you Lord'' ang bulong niya sa sarili.

"This is definitely not Puerto Galera!" ito ang nasabi ni Loren, habang nakakapit sa mga kahon ng styro. Ang mga alon na sumalubong sa kanila, sa tingin ni Loren ay ga-bahay ang laki. Halos pumasok na ang tubig sa loob ng lantsa at basa na ang paa niya sa suot niyang rubber sandals. At lahat ng santo pati anito ay nadasalan na niya.
"Diyos ko, gusto ko pa po munang maikasal, maexperience ang sex and orgasm, at magkaanak. At gusto ko pa muna maging wedding planner ni Maine Mendoza. Di ko pa po natutupad ang mga plano ko, wag nyo muna akong kunin di ko pa po schedule" bulong ni Loren sa sarili habang nakapikit siya.
Bigla siyang dumilat at lumingun-lingon si Loren sa ibang pasahero, at nakita niyang di lang siya ang mukhang kinakabahan, nangangamba, at nagdarasal sa panganib na pwede nilang kaharapin. Bigla na namang humampas ang malaking alon, at nabasag ang salamin ng lantsa. At nangyari ang kinatatakutan niya. Nag-capsized ang lantsa.
*********

Naramdaman ni Loren na may humila sa kanya paitaas. Di niya alam kung ilang oras na siyang nagpalutang-lutang sa tubig, gamit ang malaking Styrofoam na kinapitan niya.
Naramdaman niya ang malalakas na braso na iniangat siya sa tubig at inihiga siya sa sahig. Sahig ng ano? Halos di pa niya maimulat ang kanyang mga mata sa sobrang pagod.
"Miss? Miss?" narinig ni Loren ang magandang boses nito. Buong-buo, lalaking-lalaki, ang naisip ni Loren, at pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata, nakita niya ang mukha nito.
"Golden angel" bulong ni Loren, at muling napapikit ang mga mata niya.

**********

Pabalik na sina Angelo sa Mabini ng namataan nila ang palutang-lutang na babae na nakakapit sa styro. Galing sila sa Jomalig at naghatid sila ng mga ani nila sa lupa na mga saging. Medyo malalaki na ang alon at dumidilim na ang langit. Nang mula sa kalayuan ay mayron siyang namataan na nagpapalutang-lutang. At nang mapagtanto niya kung ano ang nagpapalutang-lutang sa tubig ay nanlaki ang mga mata ni Angelo. "Angelo? Aba! Iyun baga ay, babae?" ang gulat at di makapaniwala na tanong ni mang Isko na kanyang kasama sa bangka.
Agad na tumalon sa tubig si Angelo at hinila ang babaeng halos walang malay. Gamit ang isang braso ay sumampa siya sa bangka para mahila pataas ang babae at inihiga niya ito sa sahig.
"Miss? Miss?" ang alalang tanong ni Angelo.
Dumilat ito sandali at mahinang sinabi, "golden angel" saka muling pumikit ang mga mata nito.

********
Ang liwanag mula sa bintana ang nagpadilat sa mga mata ni Loren. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata, saka minasdan ang paligid. Ang una niyang nakita ay ang mataas na kisame na may malalaking wooden beams, at may ceiling fan rin sa itaas na nasa tapat ng kamang kanyang hinigaan. Lumingon siya sa kanan at nakita niya ang pares ng malaking stained glass windows, nakabukas ang mga ito kaya pumapasok ang malamig na hangin na nagpagalaw sa kulay puting kutuna na nakatabing dito. Bumangon siya at doon niya nadama ang sakit ng buo niyang katawan at kirot sa kanyang kaliwang binti. Inalis niya ang kumot at nakita niya na nakasuot na siya ng duster at nakita rin niya ang bandage sa kaliwa niyang binti.
Nirecall niya ang nangyari, tumaob ang bangka, wala siyang suot na life vest, kumapit siya sa styro, ang backpack niyang mabigat ay pilit niyang binuksan para mabawasan ng laman. Hinampas siya ng malalaking alon hanggang sa batuhan, ilang oras ba siyang nagpalutang-lutang sa tubig? Nasaan ang mga bag niya?
Natigil any kanyang pag-iisip by may kumatok sa pinto at bumukas iyon. Isang magandang babae ang sumilip at napangiti nang makita na si Loren na gising.
"Ay salamat sa Diyos! At gising ka na!" bati nito habang papasok ng kwarto.
Maganda ang morenang babae na nakatayo sa tabi ng kama, mag nasa edad nineteen or twenty ito.
"May naalala ka ba?" alalang tanong nito kay Loren.
"Oo tumaob ang bangkang sinakyan ko, ilang oras din akong nagpalutang-lutang sa tubig nang may sumagip sakin" kwento ni Loren.
"Maigi at may naalala ka, nag-alala si kuya na baka raw tumama ang ulo mo sa batuhan o baka tinamaan ka ng bangka at ikaw ay nagka-amnesia. Ay maigi naman at hindi. Si kuya ang ang nakakita sa iyo" sagot ng dalaga.
"Salamat nasaan ako?" tanong ni Loren.
"Sa Mabini"
"Nasa Polilio na ba ako?"
"Ay oo, pero rito sa Burdeos"
Salamat naman at nakarating pa rin siya ng Polilio, ang sabi niya sa sarili.
"Ako pala si Isabel" pagpapakilala nito kay Loren.
"I'm Loren" sagot niya "kailangan ko ng umalis" any mabilis na sabi ni Loren at akmang tatayo ng naramdaman ang kirot sa binti.
"Aray!" sigaw ni Loren.
"Ay diyan ka laang, at tatawagin ko ang si kuya para matulungan ka hane, at nang makapag-agahan ka na rin" ang sabi ni Isabel bago ito lumabas ng kwarto.
Tumangu-tango lang si Loren, at nanatiling nakaupo sa kama. Sino kayang nagbihis sa kanya? Siguro naman si Isabel at di ang kuya nito. Malamang kay Isabel din ang suot niyang duster pati panloob, nakalimutan lang siyang suotan ng bra. Nasaan ba ang bag ko? Tanong ni Loren sa sarili at nagpalinga-linga nang muling bumukas ang pinto. And she caught her breath at the sight of his beautiful face.

 

  

Right on Schedule [complete] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon