Chapter 3

6.3K 168 21
                                    

Tumigil ang paghinga ni Loren. Iyun ang huling mukhang nakita niya, ang golden angel. Nasa loob ngayon ng kwarto. Gusto mang alisin ni Loren ang pagkakatitig sa lalaking sumagip sa kanyang buhay ay di niya nagawa. Para siyang na-hypnotized. Matangkad ito, mas matangkad pa kay Christian na 5'10 ang height. Malalim ang mapupungay nitong mag mata, at binagayan pa ng straight at makapal na kilay. Matangos na may maliit na bump ang bridge ng ilong. Kung si Christian ay maputi, ang lalaking kaharap ay golden brown ang balat at kitang-kita ang well-toned nitong arms at upper body dahil wala itong suot na pang-itaas maliban sa krus na kwintas na suot nito.
May kakaibang naramdaman si Loren na ngayon lamang niya nadama. Bumilis pati ang pintig ng kanyang puso.
    
     Pagbukas ni Angelo ng pinto, nagulat siya sa nakitang reaksyon sa mga mata by babaeng sinagip niya, maigi'y mabilis niyang naitago ang kanyang reaksyon. Alam niyang maganda ito, noong una pa lang niya itong nakita, at sa magdamag niyang pagbantay dito, halos nasa-ulo na niya ang mukha nito. Pero di siyang nagsasawang tingnan ang maliit na mukha nito. Ang hugis ng mga mata nito'y parang almonds, na may makapal na pilik-mata. Straight ang matangos nitong ilong at mga labi na mas makapal ang lower lip. Hanggang likod ang kulay brown at layered nitong buhok. At makinis at maputi ang balat nito. At alam niyang napakaganda ng katawan nito. Nakatitig din ito sa kanya na till ba Ida siyang aparisyon. Parang lumukso ang puso ni Angelo sa kanyang dibdib.
     "Ahm, tulungan na kitang tumayo nang makakain ka na" sabi ni Angelo kay Loren, habang papalapit ito.
     Di nakapag-salita si Loren, pati Boses ng lalaking ito ay nagpakilig sa kanya.
     Lumapit si Angelo kay Loren at kinuha ang braso nito para ilagay sa kanyang balikat. Habang ang isang kamay naman ni Angelo at nasa bewang ni Loren.
    Habang malapit ito sa kanya, mabilis na sumulyap si Loren sa lalaki, at nakita niyang ang pilikmata nito ay "to die for" ang sabi ni Loren sa sarili. Naka-curl ang makapal nitong eyelashes.
     "Dahan-dahan laang" ang sabi ni Angelo sa tenga ni Loren,na parang kiniliti naman ang naramdaman.
     "Nalilingas ka ba?" any tanong nito kay Loren.
     "Huh?" any tanging naisagot ni Loren.
     Natawa naman si Angelo, "nahihilo ka ba?" muling tanong niya.
     "No, hindi. May bali ba ang mga binti ko?" nag-aalalang tanong ni Loren. Habang inaalalayan pa rin ni Angelo palabas ng kwarto patungong kusina.
     "Maigi at wala, nga laang may malaki kang sugat at pasa  sa binti, kaya masakit kapag lumakad" sagot ni Angelo.
     Narating nila ang kainan at tinulungan ni Angelo si Loren na makaupo sa harap ng malaking narra dining table. Sa ibabaw na lamesa ay nakahain ang nilagang saging, sinangag, tapang kalabaw, pritong itlog, at isang thermos ng nilagang kape. Naupo sa tabi ni Loren Isabel at sa kabilang side ng lamesa si Angelo. Kaya magkaharap sila ni Loren. Maya-maya'y dumating ang mag-asawang Durante na mababakas ang tuwa sa mga mukha.

     "Ay maigi't nagising ka na hane?" masayang bati kay Loren ng matandang babae. Na naupo sa tabi ni Isabel.

     "Kumain ka na nini by bumalik ang lakas mo" any sabi naman sa kanya ng matandang lalaki na naupo sa head table.

     "Ako nga pala si tatay Julio" ang pagpapakilala nito kay Loren.

     "At ako naman si nanay Rosing" ang sabi naman sa kanya ng matandang babae, " siya naman si Isabel ang aming bunso at si Angelo ang aming panganay" dugtong pa nito.
Mabilis na nagmana any mag mata nina Angelo at Loren, at muli na namang nadama ni Loren ang tila ba kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan.
     "Ay indong! Di ka man laang nagsuot ng t-shirt hane" any inis na sabi ni Rosing kay Angelo, "nakakahiya at may bisita!"
    
     "Naku okey lang po nanay Rosing" mabilis na sabi ni Loren. Oo okey lang kahit pa kanina pa niya sinusulyapan ang katawan nito, at halos di niya malunok ang kinakain.
     "Ikaw baga'y naghinaw by kamay at ikaw ay nagsibak ng kahoy?" tanong ni. Rosing sa anak.
     "Opo nanay" any magalang na sagot ni Angelo.
     "Nini, ano nga palang pangalan mo?" tanong ni Julio kay Loren.
     "Loren po" ang sagot ni Loren habang kumakain. Di siya sanay na mag-almusal pero napaparami na nag kinakain niya dahil sa masarap na pagkain.
     "Salamat po pala sa pagligtas ninyo sa buhay ko, baka po kung saan na ako napadpad o kaya'y napahamak na ako" ang sabi ni Loren.
     "Naku maiigi na laang at napadaan sina Angelo at Isko" sagot ni Julio.
     "Saan nga pala ang punta mo? Tiga Maynila ka hane?" tanong ni Rosing.
     "Opo galing po ako ng Manila. Papunta po ako ng Polilio" sagot ni Loren.
     "Saan dito sa Polilio?"
    
     "Ah sa Polilio, di po ba iisa lang ang Polilio?" ang patanong na sagot ni Loren.
Nagkatinginan ang tatlo sa lamesa, maliban kay Angelo na nagsingasing sa narinig at napakamot ng ulo. Nakaramdam tuloy ng hiya si Loren at para bang napakaistupido ng sinabi niya.
     "Ay nini, malaki ang Polilio sa mismong bayan ba ng Polilio ang tungo mo?" muling tanong ni Rosing "turista ka baga?"
    
     "Sumunod po kasi ako sa boyfriend ko, engineer po siya at may project sila na resort and hotel dito sa Polilio" nahihiyang paliwanag ni Loren. At di na makatingin kay Angelo dahil biglang nagbago ang reaksyon ng mukha nito. Para bang galit.
     "Ang balita naming may itinatayong resort at hotel at sa Patnanungan ay nakahiwalay na isla" sagot ni Julio kay Loren.
     "Oo nga ate Loren, kasi may mga naghahanap dito ng mag gustong magconstruction" sagot ni Isabel.

     "Susunod na lang po ako roon" sagot ni Loren.
     "Ay nini, di ka pa pupwedeng umalis ng ganyang kalagayan mo. Magiging asikasuhin ka pa ng nobyo mo roon".
     "At malakas pa ang mga alon, kung inaakala mo na ipahahatid kita sa isa sa mga tao rito, para lang sa iyong boyfriend, e di ko itataya ang buhay nila at bangka sa katarayan mo!" galit na sabi sa kanya ni Angelo.
     "Angelo!" saway ni Julio sa anak.
Nag-init ang mukha ni Loren. Ngayon lang siya napahiya ng ganuon at sa unang pagkakataon walang lumabas na salita sa kanyang bibig, nagbukas-sara lang ito. At labis ang pagtataka ni Loren kung bakit biglang nagalit na lang si Angelo.
Naputol ang usapan ng biglang dumating ang katiwala ng pamilya na si Isko.
    "Isko, at bakit ngay-on ka laang?" tanong ni Rosing.
    "Maupo ka na't mag-almusal, saan ka baga galing at tanghali ka na?" tanong ni Julio.
     "Baydi laang" sagot ni Isko, "ako baga'y nasa pundohan maaga pa laang, at usap-usapan nga na may isa pang pasaherong hanggang ngay-on ay hinahanap pa hane?" ay si nini pa i-yon" sabay turo kay Loren "hanggang ngay-on ay hinahanap pa siya ng mga sundalo sa laot" kwento ni Isko habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato.
     "At heto pa hane, noong tumaob ang bangka, ay siya pala ay tinawag ng mga pasahero na nakakapit sa bangka, at nilangoy pa siya ng tripulante hane? Ay, may hinabol daw si nini na gasingot (maliit) na bag, kaya siya ay napalayo" kwento pa ni Isko habang sumusubo ng pagkain sa bibig ng nakakamay.
     "Aba ay kailangan pala nating maireport sa mga sundalo na ligtas na si Loren" ang sabi ni Julio.
     "Ay yun nga ang aking ginaw-a, kaya ngay-on laang ako, ginamit ko ang isang bangka ni Angelo para sabihin sa mga sundalo na narito si nini sa atin sa Mabini, rine sa mga Durante.
      At naabutan ko pa nga sila sa laot" sagot ni Isko.
    
    VTahimik lang si Loren na namula ang mukha sa kahihiyan, lalo na ng napasulyap siya kay Angelo, at ang tingin sa kanya nito na siya na yata ang pinaka istupidang babaeng nakita niya.
     At hindi pa talaga matatapos ang kahihiyan niya nung umagang iyon. Nang pumasok si Maring asawa ni Isko at labandera ng pamilya.
     "Ay gud morning!" masayang bati nito sa kanila bitbit ang isang basket ng mga damit.
     "Ako'y naminaw na ng mga damit, maigi at ginamit ko ang dryer, saka ko plinantsa at mahirap magpatuyo at paulan-ulan. Ay kanino baga iyung panloob na 36b? Ay muntik ko pa masira at manipis".
     "Tahimik lang ang lahat, at si Loren ay mas namula ang mukha, lalo na ng napatingin siya kay Angelo at nagtama ang kanilang mga mata. At maya-maya'y ang mga mata nito'y gumapang paibaba sa dibdib ni Loren, na para ng nag-apoy ang mukha.
     "Ate Maring, iyan pong basket ng mga damit ay kay ate Loren" sagot ni Isabel sabay kuha ng basket.
     "Ay pagkaganda nga niya hane?" natutuwang sabi ni Maring, "ay ikaw ay usap-usapan dito at gustong makita ang magandang babae na tiga-Maynila na nasa mga Durante".
     "Hmph, pumarito laang sila nang sila'y masampigahan ko isa-isa, mauutog (malilibog) laang ang mga i-yun" inis na sabi ni Isko habang kumakain.
     "Isko!" saway ni Rosing.
Natawa naman si Angelo.
     "Ah thank you po sa masarap na almusal kung pwede po sana maexcuse na po ako? Babalik na po sana ako sa kwarto" nahihiyang sabi ni Loren "magpapatulong na lang po sana ako kay Isabel".
     "Ako na" mariing sagot ni Angelo at mabilis na tumayo at nilapitan si Loren. Muli niyang inalalayan si Loren sa paglakad patungong kwarto habang nakasunod si Isabel dala ang basket ng mga damit.
     "Iyan yung mga damit na laman ng bag mo, kung gusto mong maligo, tawagin mo na laang ako para matulungan kita papuntang banyo" ang sabi ni Isabel kay Loren.
     " Yao na at tulungan mo ang nanay na mag-impis, at ika'y magdadayag pa ng pinagkainan" utos ni Angelo sa kapatid.
     Lumabas si Isabel ng kwarto pero naiwan pa rin si Angelo sa loob.

Right on Schedule [complete] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon