Chapter 20

5.2K 177 6
                                        

Kinagabihan ay nakausap na ni Loren ang buong pamilya tungkol sa nangyari.
Natapos na ang hapunan na halos di nakakain ang buong pamilya, dama rin ng mga ito ang tensyon at lungkot. Nasa salas na silang lahat at hinihintay ang pagdating ni Angelo, ngunit ang dumating ay si mang Isko.
"Ay si indong ay naburingka na sa upuan at yanu na ang kalasingan, inihatid na namin siya ni Maricel sa bahay niya" paliwanag ni Isko.
Tumayo si Loren para puntahan si Angelo sa bahay nito, sinundan lang siya nang tingin ng pamilya. Kinatok ni Loren ang pinto pero di ito sumagot. Pinihit ni Loren ang pinto at nagpasalamat siya dahil di ito naka lock. Naabutan ni Loren si Angelo na nakadapa sa kama, habang pinupunasan ni Maricel ng basang bimpo.
"Loren ikaw pala, nasobrahan ng inom si Angelo" paliwanag ni Maricel.
"Ganun ba, sige ako ng gagawa niyan" ang sabi ni Loren.
"Huwag mo akong hawakan, at iyang mga kamay mo'y ihahawak mo rin kay Christian! Hindi ba't sinabi kong umalis ka na?!" galit na sabi ni Angelo kay Loren.
"Angelo mag-usap muna tayo, please pakinggan mo ako" pagmamakaawa ni Loren, gusto niyang malaman ni Angelo na makikipagkalas na siya kay Christian.
"Ayokong makipag-usap sa iyo" sagot ni Angelo.
"Angelo please"
"Kung bakit kasi nakilala pa kita, kung alam ko lang na sasaktan mo rin ako, umiwas na ako sa iyo at si Maricel na lang ang minahal ko!" ang sabi ni Angelo kahit pa alam niyang kasinungalingan ang sinabi niya.
Di nakapagsalita si Loren at napatingin na lang kay Maricel na parang napahiya. Loren nodded and walked outside the house, pero napahinto siya nang tawagin siya ni Maricel na sinundan siya palabas.
"Huwag mo sanang paniwalaaan ang mga sinabi ni Angelo, kailanman ay walang namagitan o mamamagitan sa amin, alam kong ikaw ang mahal niya" ang sabi ni Maricel kay Loren na tanging malungkot na ngiti ang isinagot kay Maricel.

Kinaumagahan, umiinom ng kape si Angelo, nang lapitan siya ng kanyang ina.
"Nanay" bati ni Angelo at Di makatingin sa ina.
"Masakit bang ulo mo? At lasing na lasing ka kagabi"
"Di po" matipid na sagot ni Angelo, "si Isabel po?" tanong ni Angelo sa ina, pero alam niyang di ang kapatid ang gusto niyang malaman kung nasaan.
"Nagpa - Infanta na, kanina pang mag-alasingko ng umaga" sagot ng ina. Tumahimik lang si Angelo ayaw niyang malam, parang pinupunit ang puso niya. "Wala na rin si Loren, sumabay na siya kay Isabel, nagsabi siya sa akin na kailangan niyang samahan ang katipan niya pabalik ng Maynila at NAAKSIDENTE ito" binigyang diin nito ang salita para maintindihan ng anak ang sitwasyon. Tumayo si Angelo at humarap sa kanyang ina.
"Sige po nanay, ako po'y yayaon na papuntang kiskisan" yun lang ang tanging isinagot ni Angelo saka ito umalis.
"Narating na nila Loren at Isabel ang pu lic hospital ng Infanta, inihatid siya ni Isabel hanggang sa kwarto kung saan naroon si Christian. Pagpasok nila ay napatingin sa kanila si Christian at nagtama ang mga mata nina Christian at Isabel. At kahit pa naluluha si Loren ay nakadama siya ng tuwa, nang makita niya ang naging reaksyon ni Christian nang makita nito si Isabel. Mukhang di naman malulungkot si Christian ang sabi ni Loren sa sarili. Di na pumasok pa sa loob si Isabel, niyakap siya nito ng mahigpit at nagpaalam. Lumapit si Loren kay Christian at mulling nangilid ang luha sa kanyang mata. May bandage ito sa ulo, natatakpan ang kaliwang nitong mata. May bandage rin ito sa braso.
"Ang tanga nung bakal, sakin bumangga" biro ni Christian, "ah, sino yung kasama mo?" ang nahihiyang tanong ni Christian.
Pilit na ngumiti si Loren, "kaibigan ko nakilala ko rito" saka muling dumaloy ang luha sa mga mata niya. Di na yata siya mauubusan ng luha, kahapon pa siya umiiyak.
"O bakit ka umiiyak? Di pa naman ako patay, malayo ito sa bituka". Umiling - iling si Loren, "I'm sorry Christian" naluluhang sabi ni Loren.
"For what?"
"I have something to confess" panimula ni Loren at ipinagtapat na nga niya kay Christian ang lahat.

Tatlong linggo na ang lumipas mula ng umalis si Loren sa Mabini. Naging mas tahimik si Angelo at walang kibo. Di na rin ito sumasabay sa pag-kain sa ama't ina, na labis na ipinag-aalala ng mag-asawa.
Kinagabihan ay sadyang hinintay ni Rosing ang anak sa bahay nito, nag-inom na naman ito at hatinggabi na nang dumating.
"Nanay, bakit gising pa kayo?" tanong ni Angelo na di makatingin sa ina.
"Maupo ka at ikukuha kita ng kape" ang sabi ni Rosing.
"Nanay huwag na po"
"Bakit? Ayaw mo na bang asikasuhin kita?" tanong ni Rosing at pinahalata sa bosses niya ang pagtatampo nito.
Nahiya naman si Angelo at pumayag na lang sa gusto ng ina. Pagbalik ni Rosing ay may dala na itong kape at slice ng pasingaw, napangiti si Angelo. Noong maliit pa siya at sa tuwing malungkot siya, ay binibigyan siya lagi ng pasingaw na luto ng nanay.
Hinintay muna ni Rosing na makahigop ng kape at makasubo ng pasingaw si Angelo bago siya nagsalita. "Ay indong, ako kanina ay naglinis ng kwarto na tinuluyan ni Loren hane", ang sabi ni Rosing at napansin niyang natigilan ang anak sa paghigop ng kape nang marinig ang pangalan ni Loren. "Ay naiwan niya ito" sabay lapag ni Rosing ng iPad sa lamesa sa harapan ni Angelo, "Di baga importante iyan?".
Tinitigan lang ni Angelo ang iPad, at nang biglang parang may nagsampiga sa kanya. Hinding - hindi ito iiwan ni Loren dahil sabi nga nito na importante ito sa kanya, halos ikamatay nga niya ito ng piliting makuha noong tumaob ang lantsa, bakit niya ito iiwan? Dahil gusto nitong ipakita sa kanya na nagbago na ito. Hindi na ito ang dating Loren, na walang pakialam sa buhay ng iba. Hindi na ito ang dating Loren na laging priorities ang uunahin at Di ang puso nito. Ibang Loren na ang bumalik sa Manila. At parang gumuho ang buhay ni Angelo, dahil sa ipinagtabuyan niya ito, at baka di na bumalik pa sa kanya. At ginawa ni Angelo ang di niya ginawassimula ng siya'y nagbinata, yumakap siya sa ina at lumuha.

Right on Schedule [complete] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon