Chapter 7

5.3K 154 13
                                        

Dahil sa hindi siya sanay na hindi maging abala o productive ang kanyang araw, ay pilit niyang sumali sa gawaing bahay, kahit pa ayaw nina nanay Rosing at Isabel.
     Bisita raw ang turing sa kanya, roon, pero ang sagot niya ay, "pwede ba, pamilya na lang? Para may gagawin ako?"
     Kaya napilitan ang dalawa na isama siya sa mga gawain ng pamilya. 
     At nang wala na silang gagawin, at oras ng pahinga, lumabas siya ng bahay, at nagpunta siya sa pundohan, kung saan tanaw ang dagat mula sa sabang.
     Kung tutuusin, pwedeng gawing resort ang lugar nila Angelo, ang sabi ni Loren. Napakaganda ng lugar nila, ang puting buhangin ay tila ba nasa Boracay ka, at sobrang linaw ng tubig.
     Sa ibang araw, kapag medyo tuyo na ang sugat niya, hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na makapag swimming muna rito, ang plano ni Loren.
     Madalas kayang magswimming dito si Angelo? Ang tanong niya sa sarili.
     At nainis na naman si Loren, si Angelo na naman! Kaya nga niya inabala ang sarili ng husto kanina, ay para mawala sa isipan niya si Angelo, ang kanyang "golden angel".
     Loren sighed, she's attracted to him, she couldn't deny it, kaya dapat labanan niya ito, dahil si Christian ang ideal man niya.
     Si Christian, na kapag kasama niya, she felt comfortable. Hindi si Angelo na, kapag malapit ito sa kanya, she felt breathless.

     Inabot na siya ng dilim sa kahihintay. Nakatanaw si Loren sa bintana ng kusina, tanaw mula rito ang sabang kung saan naroon ang pundohan, ang daungan ng mga bangka ng mga Durante, medyo madilim na pero di pa dumarating si Angelo mula sa Lupa.
     Siya pa naman ang nagluto ng ulam na ginataang alimango. Tinuruan siya ni nanay Rosing. Anong oras kaya siya babalik? Tanong ni Loren sa sarili.
      At nabigla si Loren, si Angelo ang laman ng isipan niya, at di ang lalaking sinadya niyang puntahan dito. Hindi maintindihan ni Loren ang nadarama para kay Angelo. Bago ito sa kanya she felt breathless sa tuwing naiisip at nakikita si Angelo. Hindi man lang niya ito naramdaman para kay Christian, na ideal man niya, yes she felt comfortable with him. But with Angelo? She sighed.
     Kailangan ko nang makaalis dito, kundi masisira ang prospects and goals ko in life, ang sabi ni Loren sa sarili.
     Pero bigla siyang napatayo sa pagkaupo nang marinig niya ang papalapit na motor ng bangka, at nang mamataan na niya ang paparating na bangka kung saan sakay sina Angelo at mang Isko.

     Muling bumilis ang tibok ng kanyang puso, hindi siya makapaniwalang namiss niya agad si Angelo.
     Kahit pa naiinis siya rito, di niya malaman kung bakit excited siyang makita ito?
     Kung nakakalakad lang siguro siya ng maayos baka tumakbo na siya pababa para salubungin si Angelo.

     Bumaba na si Angelo ng bangka, kanina pa niya gustong bumalik ng bahay, kung dati ay mas gusto niya ang ubusin ang oras sa pagtatrabaho sa Lupa, kanina ay gusto na niyang matapos ang gawain para makauwi na.
     At nang makita niya si Loren sa bintana at magtama ang kanilang mga mata, napagtanto niya ang dahilan. Si Loren.
      Tama ba ang nabasa niya sa mukha nito? pananabik? hindi, nagkakamali siya. Hindi ito magkakagusto sa katulad niya, at si Loren ay pag-aari na ng iba, ang sabi ni Angelo sa sarili.

     Inayos ni Loren ang sarili nang makita niyang paakyat na ng bahay sina Angelo at Isko, sa pintuan sa may kusina sila dumaan, may bitbit si Angelo na saging sa balikat.
     "Nanay nandito na po sila kuya" ang sabi ni Isabel.
     "Helow Loren" ang bati ni Isko.
     "Hello rin po" ang masayang sagot ni Loren.
     Ngunit, nawala ang mga ngiti sa kanyang mga labi, nang dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay si Angelo at di man lang siya nito pansinin.
     "Si nanay?" tanong ni Angelo sa kapatid.
     "Nasa kwarto, kayo muna ay maghinaw ng makakain na kayo" ang sagot ni Isabel, tumangu-tango lang si Angelo at lumabas ng bahay. 
     Napansin naman ni Isabel ang pagkabalisa sa mukha ni Loren, mukha kasing napahiya ito at di man lang pinansin ng kanyang kuya.
     "Ate Loren, gusto mo ba akong tulungang maghain?" ang tanong nito kay Loren.

     Muling bumalik ang ngiti sa mukha ni Loren, "oo naman" ang mabilis na sagot niya, saka nagmadaling kumuha ng mga plato at kubyertos para ilagay sa lamesa.
     Maya-maya pa'y dumating na si Isko at si Angelo na bagong paligo, naupo na ang mga ito sa harap ng lamesa at ipinagsandok sila ni Loren.
     "Naku nini huwag na" saway ni Isko, "kayang-kaya ko na iyan".
     "Sige na po mang Isko, hayaan nyo pong ipaghanda ko kayo, mukhang pagod na po kayo" ang sagot ni Loren na patuloy sa pagsasandok ng pagkain sa plato, para kay Isko.
     "Naku, ako ay okey pa naman, may natitira pang lakas" ang sagot ni Isko.
     "Tamuka! sabi mo kanina'y masakit na ang iyong likod" pang-aasar ni Angelo.
     "Ay suus, talaga laang, ikaw nga itong aburido kanina at gustong-gusto ng umuwi" pang-aasar na sagot ni Isko.
     "Mukhang marami po kayong ginawa, at ginabi na kayo" ang sabi ni Loren.
     "Ay sus, nini, maaga pa nga itong uwi, namin, hane Angelo?" ang pang - aasar ni Isko.
     "E kasi nga, pagod ka na" ang sagot ni Angelo, habang umiiwas ng tingin kay Loren.
     "Ay, hane nga? Yun ba talaga ang dahilan?"  ang sagot ni Isko, na malapad ang pagkakangiti.

     "Ano na naman bang pinagtatalunan ninyo" tanong ni Rosing pagdating sa kainan.

     "Ay nanay wala naman po" mabilis na sagot ni Angelo, "sa isang araw pa po pwedeng tibagin ang mga saging, kumuha laang kami ng isang buwig panghimagas" sagot ni Angelo, habang pinagmamasdan si Loren na naglalagay ng pagkain sa kanyang plato.
     "Ay siya kumain na kayo, masarap ang ulam at si Loren ang nagluto".
"Siyanga?" tanong ni Isko sabay subo ng kanin na nilagyan ng naglalangis na sabaw ng ginataang alimango, "masarap nga hane".
     Nakatingin si Loren kay Angelo na tahimik na kumakain, at nang magtama ang kanilang mga mata mabilis siyang kinindatan nito at ngumiti.
     At parang tumigil ang paghinga ni Loren at gumanti rin ng ngiti kay Angelo.
     "Pwede ka ng mag-asawa" biro ni Isko, at nawala ang ngiti sa mga labi ni Angelo at kumunot ang noo.
     "Pagbalik mo sa Maynila ay magaling ka ng magluto, hane" ang dugtong pa ni Isko.
     "Oo nga at siya'y aburido rin" parang sinampal si Loren sa sinabi ni Angelo at nawala na rin ang ngiti sa kanyang mga labi, at napatungo siya at tiningnan ang mga kamay niyang mahigpit na magkahawak.
     "Ay siya naman ay may katipan na di baga sabi mo?" sagot ni Isko.
     Mabilis na tumayo si Angelo, "nawalan na ako ng gana, Sabel, dalhan mo kami ni Isko ng kape sa kubo" bilin ni Angelo sa kapatid sabay labas ng bahay.
     "Si-sige kuya" ang sagot ni Isabel, na nakatingin kay Loren, dama niya ang kirot na nadama ni Loren.
     "Ay napa'ano iyon?" takang tanong ni Isko.

Right on Schedule [complete] © Cacai1981 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon