"Loren?"
"Hmm?"
"Sorry kung sinabi kong pareho kayo ni Agnes" ang sabi ni Angelo kay Loren, na nakaunan sa kanyang braso at nakadikit ang mga labi sa dibdib niya.
"It's okey, naintindihan naman kita" ang honest na sagot ni Loren.
"Hindi, hindi ko dapat sinabi yun" sagot ni Angelo, napabuntong-hininga siya bago muling nagsalita "kailangan mo ba talagang magmadaling magpakasal kay Christian" tanong niya kahit pa alam niyang pwede siyang masaktan sa isasagot ni Loren.
"No" napabuntong-hininga si Loren.
"Pero bakit? nakalagay pa sa schedule mo?"
Ngumiti nang malungkot si Loren, "I grew up in a household na nakukuha ko lahat ng gusto ko. Maluwag ang pera sa amin noon, kung saan-saan kami nagtitravel, kung anu-anong gamit ang binibili ng mommy at daddy, kahit di naman namin kailngan, lahat ginawa namin in a spur-of-the-moment" huminga ng malalim si Loren bago nagpatuloy, "I was eighteen nung nalaman kong ang marangyang buhay pala namin ay facade lang. Puro pala utang si daddy just to met his high standard of living. God, parang sampal sa mukha nang ilitin ng bangko ang mga properties namin, nagbenta rin kami ng iba naming mga gamit para lang makabayad sa mga utang. Nag-working student ako para makatapos ng management course. Namatay si daddy dahil sa heart attack, si mommy naman a year after. Kaya sinabi ko sa sarili ko na di ako gagaya sa kanila na hindi nagplano sa buhay. Ibinenta ko ang bahay namin pagkagraduate ko at yun ang ginamit ko para makapag-simula ng negosyo. I attended additional seminars and trainings para maging wedding planner. Simula noon, lahat kailangan nakaplano, nakaschedule, at nakaorganized, para walang lugar for mistakes and errors. I achieved my goals in life, dahil para akong laging naghahabol ng deadline, na kailangan kong makamit ang mga iyun sa itinakda kong panahon, "right on schedule" ang naging motto ko sa buhay. Now I felt stupid, and lahat narealized ko na mali ang gagawin ko. Narealized ko pagpunta ko rito".
"Gusto kong maikasal kay Christian di dahil sa mahal na mahal ko siya, kundi dahil yun ang nakaset sa plano ko. I have set goals in my life because I wanted it that way, and it kept my life on track. But you changed that" ang sabi ni Loren saka tiningnan ang magagandang mata ni Angelo, "you changed me" muli niyang sinabi bago muling naglapat ang kanilang mga labi.
"How about you and Agnes?" tanong naman ni Loren kahit pa alam na niya ang kwento nilang dalawa, gusto niyang marinig ito mismo kay Angelo.
Ikinuwento naman ni Angelo ang tungkol sa kanila ni Agnes, kung paano niya ito nakilala dahil sa isang kakilala niya sa Maynila, kung paano at gaano niya ito minahal, ang pinatayong bahay na para sana sa kanilang dalawa, at kung paano nito niyurak ang kanyang puso at pagkatao.
At sa unang pagkakataon ay inamin ni Angelo ang kanyang nadama noon na kanyang itinago, "nung gabing iyun, umasa pa rin ako na babalik pa siya sa akin, handa ko siyang tanggapin at patawarin sa pagkakamali niya sa akin, ganun ko siya minahal, pero di siya bumalik. Simula noon ay di na ako tumapak ng Maynila, at di na rin ako nagtiwala pa, maigi na rin at natapos ang bahay ng di namin ito natirhang dalawa, dahil mapupuno lang ito ng mga pangit na ala-ala" ang sabi ni Angelo.
"E ngayon?" ang umaasang tanong ni Loren.
"Hmmm. puro magagandang ala-ala" ang bulong ni Angelo sa tenga ni Loren, at muling nagniig ang kanilang mga katawan.
Alas singko na ng umaga ng lumabas ng kwarto si nanay Rosing para magpakulo ng kape at simulan na naman ang panibagong araw.
Nang mapadaan siya sa kwarto ni Loren napansin niyang bukas ang pinto nito, sumilip siya sa loob at wala roon si Loren. Binuksan niya ang pinto ng kwarto ni Isabel at sumilip sa loob, nandun si Isabel at tulog pa. Pero wala si Loren.
Nasaan kaya si Loren? ang nagaalalang tanong ni Rosing, baka naman naglakad-lakad lang sa labas.
Dali-dali siyang bumaba ng bahay at nagpunta sa pundohan at kubo, wala rin si Loren rito pero naroon ang tsinelas nito, nag-alala na si Rosing, kaya pinuntahan niya ang bahay ni Angelo para sabihan ang anak na hanapin si Loren, kakatok na sana siya sa pinto nang mapatigil siya, nang may narinig siyang tumatawa.
Hindi man niya gawain ay idinikit niya ang tenga sa pinto, at sa ganung sitwasyon siya naabutan ng asawang si Julio.
"Huy, ano bagang pinakikinggan mo riyan?" bulong ni Julio.
"Shh" saway ni Rosing, idinikit din ni Julio ang tenga sa pinto at nakinig ang dalawa.
"Angelo, ano ba nakikiliti ako"
"Sige na"
"Ano ba, dito sa sala?"
"Uh-huh"
"Angelo"
"Loren ahh Loren"
Nanlaki ang mga mata ng mag-asawa at si Julio'y napakamot sa ulo.
"O saan ka pupunta?" bulong ni Julio ng maglakad na paalis si Rosing.
"Ako'y aadyo na sa bahay at magpapakulo ng kape" sagot ni Rosing.
"Kata na sa kwarto" yaya ni Julio sabay hila sa kamay ni Rosing na natawa.
"Mautog kang matanda ka" ang natatawang sabi ni Rosing pero hindi naman tumanggi at sumunod sa asawa.
Maliwanag na sa labas ng magising si Loren, nakayakap pa sa kanya si Angelo, hinalikan niya ito sa pisngi.
"Angelo" tawag ni Loren habang ginigising ito, "hmmm" lang ang isinagot ni Angelo at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap kay Loren,
"Angelo, tanghali na siguradong gising na silang lahat sa bahay, paano ako lalabas? makikita nila ako rito" ang sabi ni Loren na naupo na.
"Yaan mo laang sila at tayo'y matulog pa" sagot ni Angelo sabay hila niya kay Loren pahiga sa kama. Nang marinig nila ang boses ni Isabel sa labas ng bahay.
"Nanay nasaan si ate Loren? maaga ba siyang lumabas? ay bukas ang kaniyang kwarto'y di ko naman nakitang lumabas kanina" tanong ni Isabel.
Di nila masyadong narinig ang sagot ng ina at narinig na lang nila ang malakas na tawa ni Isabel.
"Uhh" ang sabi ni Loren sabay takip ng kumot sa mukha. Natawa naman sa kanya si Angelo, pero tumigil ito nang marinig ang boses ni Isko.
"Aba'y tanghali na at nasaan si indong? kakatukin ko na laang at baka tulog pa" ang sabi ni Isko, di na nila narinig ang mahinang sagot ng kausap, kundi ang halakhak na lang ni Isko.
"Aghhh" ang tanging nasabi ni Angelo.
"Wala na tayong choice kundi ang lumabas" ang sabi ni Loren sabay tayo nito, pero nang makita muli ni Angelo ang hubad na katawan ni Loren ay pinigilan niya ito.
"Mamaya, halika muna" at muling bumalik sa kama si Loren.
BINABASA MO ANG
Right on Schedule [complete] © Cacai1981
Romance(mature readers only! 18+) "Pero bakit? bakit ikaw pa rin ang babaeng gusto kong maangkin pero alam kong kahit kailanman ay di magiging akin?" ang muling sabi ni Angelo na mababakas ang hinanakit sa boses nito. "Bakit di mo subukan?" ang mahinang s...
![Right on Schedule [complete] © Cacai1981](https://img.wattpad.com/cover/175039570-64-k878454.jpg)