Isinakay nila ang mga pinamili sa bangka na dala ni mang Isko, na naghintay sa kanila sa isang daungan sa bayan, habang sila naman ay bumalik sa Mabini gamit muli ang motorsiklo.
Hapon na ng sila'y nakabalik, at naroon na rin si mang Isko sa bahay at abala na rin ito sa pagtulong sa mga gawain doon.
Agad na itinabi ni Loren sa kwarto ang mga personal na pinamili at muling lumabas para tumulong sa kusina.
Nakita niyang abala sa mga lulutuing pagkain si nanay Rosing.
"May handaan po ba?" tanong ni Loren nang makita niya ang maraming manok na nakalagay sa planggana.
"Ay ito ay lulutuin ko ngay-on para pambaon bukas sa Lupa, sa pagtitiba ng saging" sagot ni Rosing.
"Napakarami naman po nito, parang panghanda sa fiesta" ang nakangiting sabi ni Loren, at namangha talaga siya sa dami ng babauning pagkain.
"Ay ganito talaga sa amin, saka, para sa ating lahat ito, kasama na ang mga trabahador" paliwanag ni Rosing.
"Oo ate Loren, sana nandito ka pagpiyesta, ikaw ay, wala pa iyang nakita mo" sagot naman ni Isabel.
Natawa naman si Loren, "tulungan ko na po kayo" alok niya.
"Ay siya sige, ikaw na ang magbalat ng mga luya at sibuyas, ang ibang manok ay iaadobo ko sa gata at ang iba naman ay ititinola ko at pagkatapos mag-ani ay mag-iinom ang mga iyan" sagot ni Rosing.
Gustong-gusto ni Loren ang ganung pakiramdam, ang pagiging busy, pero naiiba ito. Napanuod at nabasa lang niya ang ganitong gawain sa probinsiya, na abala sa isang handaan. Mas masarap pala sa pakiramdam kapag tunay mo na itong nararanasan, ang sabi niya sa sarili.
Naupo na sa harap ng lamesa si Loren, at sinimulan ang pagbabalat ng sibuyas, nang pumasok si Angelo sa loob ng bahay.
Nagtama ang kanilang mga mata, at nang bumaba ang mga mata ni Angelo sa kanyang labi ay naalala ni Loren ang kiss nila sa kubo.
Namula ang pisngi ni Loren. Si Angelo lang ang nakagagawa nito sa kanya, sabi ni Loren sa sarili. Christian didn't make her blush, o kahit na sino pang lalaking nakilala niya. Namumukod tangi lang si Angelo.
"Indong, apuyan mo nga ang dapugan at doon ko lulutin ang mga ito at di kasya ang talyasi ko rito sa kalan" utos ni Rosing.
"Opo nay" agad na tumalima si Angelo sa utos ng nanay. Pagkatapos gawin ang iniutos, bumalik si Angelo sa kusina at kumuha ng dalawang mug at sinalinan iyun ng nilagang kape, lumapit siya kay Loren at iniabot ang isang mug saka tumabi rito.
"Magkape tayo" sabi ni Angelo.
Isang mahinang thank you, naman ang isinagot ni Loren sabay singhot niya, naiiyak na kasi siya sa kababalat at kahihiwa ng sibuyas.
Natawa naman sa kanya si Angelo, "ikaw baga ay nahihirapan na, at naluluha ka na hane?" ang biro nito, sabay kuha ng isa pang kutsilyo para tulungan si Loren sa ginagawa.
Natatawang naluluha na lang ang isinagot ni Loren sa kanya.
Nagkwentuhan sina Loren at Angelo habang abala sa gawain, pero mas madalas na nagtatanong si Angelo kay Loren tungkol sa buhay nito sa Maynila.
Dahil, kahit ayaw ni Angelo, aminado siyang interisado siya sa buhay ni Loren, gusto niya itong makilala ng husto.
Di nila alam na pinagmamasdan na pala sila ng mga kasama nila sa bahay, at nangingiti na lamang sa kanilang dalawa.Kinabukasan, di pa pumuputok ang araw ay abala na sa loob ng bahay. Nag-aayos na ng mga dadalhing gamit at pagkain ang pamilya.
Lumabas na rin ng kwarto si Loren para tumulong, kakaiba ang sayang nadarama niya ngayong kasama niyang abala ang pamilya Durante.
Sumakay na sila sa bangka, dalawang bangkang de motor ang dala nila. Ang isa, ay para sa mga bitbit na gamit, ay si mang Isko ang nagpaandar kasama ang mag-asawang Durante at ang kababatang babae ni Angelo.
Duon naman sina Loren at Isabel sa bangka ni Angelo, dala naman nila ang mga pagkain.
Noong una ay nag-alangan pa si Loren na sumakay sa bangka, pero nang inalalayan na siya ni Angelo at naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya ay napawi ang takot ni Loren.
Lalo na, nang makita ni Loren ang papasikat na araw, at nakita niya ng husto ang ganda ng Burdeos na pang-Instagram talaga ang view.
At di na pinalagpas pa ni Loren ang pagkakataong kuhaan iyun ng litrato, nagsiselfie rin sila ni Isabel, at minsan ay patago niyang kinukunan ng litrato si Angelo, na naiinggit si Loren dahil wala itong anggulo, lahat ng stolen shots nito ay kitang-kita ang kagwapuhan nito.
Si Angelo man ay pasimpleng sumusulyap kay Loren, napapangiti pa siya sa tuwing nakikita si Loren na panay ang hawi ng buhok nito sa mukha dahil sa malakas na hangin.
Mga isang oras din ang byahe, bago nila narating ang Lupa. Naghihintay na rin ang mga katulong nila sa pag-aani, at agad nilang inayos ang mga dala sa loob ng isang kubo.
Agad namang nagsipagkilos ang mga magtitiba ng saging kaya agad na nagsimula sa trabaho.
Tuwang-tuwa si Loren sa nasaksihan niya, kaya habang gumagawa ang mga trabahador ay kinunan niya ang mga ito ng litrato gamit ang phone.
Pero nang mapadaan ang lens ng phone camera niya kina Angelo at kababata nito, napahinto si Loren sa ginagawa.
Pinagmasdan niya ang dalawa, at nang makita niyang nagtawanan ang ang mga ito dahil sa sinabi ni Angelo, nabura ang ngiti ni Loren sa mukha, napalitan iyun ng inis at selos.
Itinabi na lang ni Loren ang phone sa bag, at nanghiram na lang siya ng itak para tumulong at ilabas ang inis at selos na nadarama.
Nag-alangan pa siyang bigyan ng itak, ng isang trabahador.
"Ay hayaan mo laang Henry, ng maexperience niya ang pagtitiba ng saging" ang natatawang sabi ni Julio.
Akala ni Loren na madali lang ang gawain, pero ang pagtiba ng saging ay isang mahirap na gawain.
Ang mismong pagtaga sa buwig ng saging ay hirap na hirap siya. Mabigat na nga ang itak, mas lalo na ang buwig ng saging na, hindi pa dapat bumagsak sa lupa.
At kung bakit ayaw pa siyang tantanan ng mga lamok, na kahit na may mosquito repellant siya ay ayaw pa rin siyang tantanan ng mga ito, panay ang taboy niya sa mga ito sa kanyang mukha.
Di niya alam na pinanunuod siya ng mga Durante pati na rin ng ibang nag-titiba ng saging ay natatawa na sa kanya.
"Hirap na hirap hane?" ang sabi ng isang trabahador.
"Ay uu, hayaan mo laang at di naman nagrereklamo" sagot ni julio at nagtawanan silang lahat.
At nakita nilang nilapitan ni Angelo si Loren. Tinulungan nito si Loren at may sinabi, tumangu-tango si Loren, saka tinagpas ang dulong bahagi ng buwig ng saging. At tuwang-tuwa si Loren ng makatiba ito ng isang buwig.
"Ha ha ha! nakapag-ani rin ako ng isa!" ang proud na sabi ni Loren.
Natawa naman si Angelo at inilapag ang buwig ng saging sa lupa, "nakapag-tiba ng saging" ang pagtatama niya.
"Still the same meaning" ang mataray na sagot ni Loren sabay irap kay Angelo, ng bigla siyang napuwing "ouch!".
"Napa'no ka?" alalang tanong ni Angelo, at inalis ang kamay ni Loren sa mata nito.
"Napuwing ako" sagot ni Loren. Kinuha ni Angelo ang malinis niyang panyo sa kanyang bulsa at dahan-dahang pinunasan ang mata ni Loren. Pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at marahang hinipan ang mata, saka niya iyun hinagkan.
Napapikit si Loren nang halikan ni Angelo ang mata niya, at nang muli siyang dumilat ay nagtama at nangusap ang kanilang mga mata. At dahan-dahang idinikit ni Angelo ang mga labi nito sa kanya. At bigla siyang napasigaw.
Hindi nila alam na pinapanuod pa rin silang dalawa ng mga kasama nila at natigilan ang mga ito sa kanilang ginagawa.
Napangiti naman ng husto si Isabel, si Isko ay napakamot sa ulo, at ang mag-asawang Durante ay nagkatinginan lang.
At bigla silang nagulat nang sumigaw si Loren, nakita nilang karga na ito ni Angelo. May palaka palang tumalon sa paa nito kaya napatalon kay Angelo.
"I hate frogs! I hate frogs!" sigaw ni Loren, "ayoko na! ayoko ng magtiba ng saging!". At di na napigilan ng lahat na tumawa.
BINABASA MO ANG
Right on Schedule [complete] © Cacai1981
Romance(mature readers only! 18+) "Pero bakit? bakit ikaw pa rin ang babaeng gusto kong maangkin pero alam kong kahit kailanman ay di magiging akin?" ang muling sabi ni Angelo na mababakas ang hinanakit sa boses nito. "Bakit di mo subukan?" ang mahinang s...